Kabanata 21

29.4K 447 3
                                    

Ian pov

Habang nakatingin ako sa kabaong ni Ally ay hindi ko mapigilang lumuha hindi ko maisip na sa isang iglap lang nawalan ako ng asawa at nawalan rin ng ina si Lian.

Hindi ko alam kung paano ko mapapalaki nang maayos si Lian lalo na at wala na si Ally. Ang hirap at ang sakit sobra gusto ko sanang mamatay na pero hindi matutuwa si Ally lalo na ay may anak na kami.

Dumating ang araw na inilibing si Ally at nanatili lamang akong tulala habang binababa ang kabaong nito sa hukay.

Siguro hindi ako babalik sa ulirat kung hindi umiyak si Lian.

Siguro naramdaman niya na wala na ang mommy niya at alam kong magiging malungkot ang First birthday ng anak ko dahil wala na si Ally.

Naalala ko pa naman nung pinagkwentuhan namin ang first birthday ni Lian. Ang gusto niya ay simple pero kunpleto kami kaso hindi na iyon mangyayari dahil wala na siya.

"Shh! Baby Lian tahan na. "paghehele ko kay baby pero hindi parin ito tumigil sa pag-iyak.

"Ako na nga Ian!"biglang sulpot ni Laurine at kinuha si Lian sa akin.

Ang kaso kesa tumahimik lalong umiyak kaya ibinigay niya ito sa akin.

"Siguro naninibago lang siya dahil laging si ally ang nagpapatahan sa kanya."

Malungkot kong sabi at hinalikan sa noo si Lian.

"Wag kang mag-alala Ian tutulungan kita sa pagpapalaki kay Lian!"sabi nito sa akin kaya ngumiti nalang ako

" Hindi na kailangan Laurine. Kaya kong alagaan mag-isa ang aking anak. "sabi ko at umalis na.

Narrator pov.

May mag-asawang magsasaka ang pauwi na sa kanilang simpleng bahay ngunit may nakita sila na van na huminto at may tinapon na babae kaya agad silang lumapit dito.

At halos mawalan ng ulirat ang mag-asawa dahil nakita nila ang babae na punong-puno ng dugo at sunog ang mukha nito.

"I...i.annn!!"nahihirapang sabi ng babae kaya agad na nataranta ang mag-asawa.

"Carding buhatin mo siya dalhin natin siya sa ospital." sabi ni Selya ang asawa ni Carding.

"Hala't sige para magamot siya. Diyos ko! Sinong matinong tao ang gagawa sa kanya nito." sabi nito at agad na sinugod ang babae sa malapit na ospital.

Lumipas ang dalawang oras ay lumabas ang doktor at ibinalita ang isang masamang balita..

"Kayo po ba ang kamag-anak ng pasyente!"

tanong ng doktor kaya napatango nalang ang dalawang matanda.

"Ayos na po ang kalagayan ng pasyente. Pero malala po ang pagkakasunog ng kanang mukha ng pasyente at malalim naman ang sugat sa kaliwang pisngi nito, kaya kinailangan tahiin at wala pong kasiguraduhan kung kailangan siya magigising kaya kailangan po natin ng dasal para malagpasan niya ito. "sabi ng doktor at umalis na.

Author's pov.

Mabilis talaga ng story na ito kaya wag na magtaka sa mga nangyayari. Salamat

My Gay Friend Turn To My Heartless HusbandOnde histórias criam vida. Descubra agora