Kabanata 8

37K 673 5
                                    

Ally pov

"Tao po!!" tawag ni Ian habang kumakatok  pero wala namang nagbubukas ng pinto.

"Baka walang tao dito, Ian"sabi ko at pasimpleng hinawakan ang braso nito kaso kaagad niya itong hinawi.

"Kaya nga tayo kumakatok diba saka lumayo-layo ka nga sa akin ang init. "galit na sabi nito at lumayo sa akin.

"Hindi naman mainit, at saka nilalamig na nga ako." naiiritang sabi ko.

Pero hindi ako nito pinansin at pumasok nalang sa loob.

"Wait lang Ian,wag kang pumasok dyan delikado." nag-aalalang sabi ko pero hindi ito tumigil kaya pumasok narin ako.

Pagpasok namin sa loob tumambad sa amin ang sobrang gulo na gamit pero kung ilalagay mo ito sa ayos pwede pang gamitin saka. Ang weird kasi kinakabahan ako feeling ko may hindi magandang mangyayari...

"Magpahinga kana."biglang sabi ni Ian kaya napatingin ako at nakita ko na lamang siya na naiayos na ang papag.

"Hindi. Ok lang ako dito, saka ikaw na muna ang magpahinga alam kong napagod ka sa paglalakad per..."hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil bigla ako nitong binuhat at inihiga sa papag...

"Uy!! Wait lang Ian wag dito baka masira pa natin yung papag saka mukha pa namang marupok na ito." nahihiyang sabi ko.

"Tsk!! Kung ano-ano ang iniisip mo matulog ka nalang dyan habang hindi pa mainit ang ulo ko sayo." sabi nito kaya pinikit ko na ang mata ko

Nakaramdam ako ng tuwa dahil naramdaman kong may yumakap sa akin at alam kong si Ian ito ..

"Sana naman tuloy-tuloy na ang pagiging mabait niya." piping dasala ko at natulog na.

Nasa kalagitnaan ako nang pagtulog nang bigla akong gisingin ni Ian...

"Shit!!! Gumising kana dyan kailangan na nating umalis!"natatarantang sabi nito sa akin.

"Bakit? ano ba ang nangyayari?" nagtatakang sabi ko.

"Rebelde pala ang may-ari ng bahay at papunta na sila dito kaya kailangan na nating umalis."sabi nito at agad akong hinila palabas at buti nalang may pinto sa likod ng bahay kung hindi lagot talaga kami.

"Shit!! May tao rito pre at sigurado akong kaaalis lang nila."dinig kong sabi ng isang lalaki habang tumatakbo kami ni Ian.

"Habulin natin sila"dinig kong sabi ng isang lalaki kaya mas binilisan namin ang takbo.

At hindi ko mapigilang lumuha dahil nakarinig ako ng putok ng isang baril.

"Dito tayo." sabi sa akin ni Ian ay nagtago kami sa malalagong damo.

"Nata....ta..kot ako,Ian!" humihikbing sabi ko at mahigpit na yumakap sa kanya.

"Shhh!Tumahan kana saka wag kang mag-alala hindi kita pababayaan. "sabi nito sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

Author's Note.

Maikli ang ud.

My Gay Friend Turn To My Heartless HusbandWhere stories live. Discover now