Kabanata 9

36.7K 687 2
                                    

Ally pov

"Shit!!! Pre natakasan tayo sayang may chicks pa namang dala yung lalaki." sabi ng isang lalaki at malapit na sila sa tinataguan namin kaya hindi ko maiwasang kabahan.

"Oo nga eh. Saka siguro siya yung babaeng may-ari ng kotse at nakita ko ang picture nito sobrang ganda. Siguradong magkakaroon tayo ng kakainin kung hindi ito nakatakas. "sabi pa ng isang lalaki..

"Alam kong hindi pa sila nakakalayo pero kailangan na nating bumalik dahil dadating si kumander." sabi ng isa pa at sabay sabay silang umalis.

Nang makalayo na ito ay dahan-dahan kaming umalis at tumakbo papunta sa gilid ng kalsada.

"Diba sabi ko sayo? Cannibal yung mga tao na iyon kasi kakainin nila ako."takot na sabi ko habang naglalakad kami.

"Tsk! Ang slow mo talaga." natatawang sabi nito.

"Bakit naman ako naging slow?" nagtatakang tanong ko sa kanya pero hindi ako nito pinansin.

Habang naglalakad kami ay medyo nilalamig na ako. Kaya niyakap ko ang sarili ko at nagpatuloy na naglalakad.

"Ohh!Suotin mo." sabi nito sa akin sabay hubad ng jacket niya.

"Hindi. Waag na saka baka magkasakit kapa."pagtanggi ko pero hindi ako nito pinansin at sinuot sa akin ang jacket.

"Wag kang mag-inarte saka lubos-lubusin mo na ang pagiging mabait ko dahil ngayon lang ito. "sabi nito kaya napatahimik nalang ako.

"Baklang may regla." sabi ko sa aking isip at sumabay na sa paglalakad.

Fastforward...

Ngayon ay nakarating na kami resthouse ng kaibigan ni Ian. Habang naglalakad kami ay nagkaroon ng signal ang cellphone ni Ian kaya agad niyang  tinawagan ang isa nitong kaibigan at nagpasundo kami.

Habang kumakain kami ay hindi ko mapigilang ma out of place, dahil wala ni isang kumakausap sa akin tapos ang mga girlfriend naman ng kaibigan ni Ian ay hindi ako pinapansin at sa tingin ko maaarte ito.

"Hay!!! Sana naman makasurvive ako!"bulong ng isip ko at kumain nalang.

"Caleb, may pag-asa pa ba kayo Laurine?"tanong ng kaibigan ni Ian na medyo singkit ang matam

Pero hindi naman sumagot si Ian kaya nagtanong ako sa kanya.

"Sino ba si Laurine?" nagtatakang tanong ko. Hindi ito sumagot kaya ang babae nitong kaibigan ang sumagot.

"Dimo ba kilala? Si Laurine ang first girlfriend ni Ian at kung hindi kalang siguro nanggulo sa buhay ni Caleb siguradong kasal na sila."prangkang sabi ng isang kaibigan na babae ni Ian kaya hindi ko mapigilang masaktan.

"Tsk! Bakit ganun hindi ko alam na nagkagf si Ian. Ang alam ko pupunta dito yun siguradong hindi na talaga ako mapapansin lalo na ni Ian dahil hindi naman ako welcome sa rest house na ito. Bakit pa kasi ako sinama eh!" sabi ko sa aking sarili.

"Sige, aalis muna ako Ian."

Sabi ko pero hindi naman ako nito pinansin at nagpatuloy ito sa pagkain.

My Gay Friend Turn To My Heartless HusbandWhere stories live. Discover now