Wakas

35.3K 526 20
                                    

Ally pov

Masasabi ko ngang masaya na ako dahil kasama ko na ang mag-aama ko at wala nang  sisira sa pamilya namin.

At nalulungkot parin ako dahil sa nangyari kay Laurine. Alam ko naman na nabulag lang siya ng galit kaya nagawa niya sa akin iyon kaya pinatawad ko na siya dahil alam kong siya ang naging tulay upang maging matatag ang relasyon namin ni Ian.

"Baby, tulog na ang mga bata."malambing na sabi sa akin ni Ian at tumabi sa akin.

"Tumigil ka nga Ian at may ginagawa pa ako." suway ko sa kanya habang nagtutupi.

"Baby! Tigilan mo na yan. Please."sabi nito pero tumawa lang ako..

"Bakit natatawa ka dyan?" inis na tanong nito sa akin.

"Wala lang.Hindi kasi ako makapaniwala na bakla ka dati."natatawang sabi ko at sumimangot ito.

"Hindi naman talaga ako bakla. Ginawa ko lang yun para mapansin mo ako at mapalapit sakin." asar na sabi nito pero hindi na ako nagsalita at tumawa nang tumawa.

"Hindi ka ba talaga titigil?" pagbabanta nito sa akin pero hindi ko ito pinansin at nagulat nalang ako dahil bigla ako nitong dinaganan at hinalikan ng mapusok..

"Sa wakas tumigil ka rin." nakangiting sabi nito pagkatapos niya akong halikan.

"Pwede na ba tayong gumawa ng bagong baby? Sundan na natin si Jelo."malokong tanong nito sa akin kaya tumango ako.

At nasa kalagitnaan kami ng sarap nang biglang kumatok si Jelo ay Lian. Kaya naaasar na nagkamot ng ulo ang asawa ko at nagbihis pati narin ako..

Ngayon hindi parin ako makapaniwala na napangasawa ko ang kaibigan kong bakla na hindi naman pala talaga bakla dahil nagpapansin lang siya sa akin haha.

Hay!! Ang tadhana talaga hindi mo masasabi kung maayos ba o magiging kumplikado ang buhay mo, dahil nasa tao rin yan. Siya mismo ang gagawa ng sarili niyang kapalaran at nasa kanya din ang desisyon kung ano ba ang plano niya sa buhay niya.

At ako nga pala si Allyza Dela Cruz Andrews at dito na nagtatapos ang huling kabanata ng aming kwento.

Author's note.

Alam kong sabaw ang ending wag na pong mag comment ng masama haha. Matagal na ang story na ito at masyado pa akong bata kaya mababaw talaga haha. Salamat❤️


My Gay Friend Turn To My Heartless HusbandМесто, где живут истории. Откройте их для себя