Kabanata 16

34.7K 570 5
                                    

Ally pov

"Baby, ano yang niluluto mo?"tanong sa akin ni Ian at yumakap sa aking likuran.

"Nilagang baboy."masayang sagot ko sa kanya.

"Pero bakit may suka?"tagtatakang tanong nito sa akin siguro nakita niya kanina na nilagyan ko ng suka ang niluluto ko.

"Gusto ko eh! Saka kung ayaw mo wag kang kumain ok?" naaasar na sabi ko.

Weird na talaga ang mga trip ko na pagkain. Dati naman hindi ganito ang panlasa ko eh! Siguro sa pagbubuntis ko at kasalukuyang walong buwan na ang tyan ko at isang buwan nalang lalabas na ang baby girl namin kaya hindi ko mapigilang maexcite.

"Kakainin ko yan baby kahit gaano kaweirdo ang luto mo, para sakin masarap yan." sabi nito sa akin at hinalikan ako sa pisngi..

"Hay!Naku Ian alam mo talaga kung paano mawawala ang galit ko."natutuwang sabi ko at hinalikan ito sa labi.

"Napapansin ko baby inaabuso mo na ako. "pang-aasar nito sa akin sabay ngisi.

"Paanong inaabuso?" nagtatakang tanong ko  habang nagsasandok ng kanin.

"Paano kasi lagi mo akong hinahalikan tapos mawala lang ako sa tabi mo galit na galit kana sakin,diba pang-aabuso na iyon?" sabi niya sa akin sabay taas ng kaliwang kilay nito.

"Fine kung abuso na iyon para sayo, wag kang mag-alala! Dahil kahit kelan hindi na kita hahalikan." galit na sabi ko at kumain na

"Uy!!!! Sorry na baby jowk lang yun." sabi nito sa akin at niyakap ako mula sa aking likuran.

"Wag mo nga akong yakapin dahil kumakain ako."masungit kong sabi kaya tumabi na ito sa akin.

"Ang sungit mo naman baby pero ang ganda mo sobra." pambobola nito sabay kindat kaya hindi ko mapigilang mamula at tumawa.

Baliw talaga!

Someone's pov

"Sige magpakasaya kalang Ian, dahil kukunin ko sa iyo ang mag-ina mo"

Nakangiting sabi nito habang pasimpleng nakatingin sa bintana ng bahay Ian.

Ian pov

I'm so fucking happy, because magiging tatay na ako at naayos na namin ni ally ang aming relasyon. Pero nararamdaman ko na parang may hindi magandang mangyayari.

Pero hindi ako papayag na may manakit sa mag-ina ko dahil gagawin ko ang lahat para maging misirable ang buhay niya pati ng pamilya niya.

"Panget. Ang lalim naman ng iniisip mo?" tanong sa akin ni ally habang nakayakap.

"Wala lang ito baby." sabi ko at hinalikan ito sa noo.

"Anong wala? Kanina pa ako dakdak nang dakdak hindi ka naman kumikibo dyan! Siguro iniisip mo ang babae mo ha?" galit na sabi nito sa akin sabay kirot sa pisngi kaya hindi ko mapigilang humiyaw ...

"Ang sakit naman niyan baby ko. At saka wag kang mag-alala ikaw lang ang babae sa buhay ko kasama si baby Lian."malabing na sabi ko at niyakap ito ng mahigpit.

"Promise yan ha?"sabi ni Ally kaya tumango ako at sumagot.

" Promise baby ko. "

My Gay Friend Turn To My Heartless HusbandWhere stories live. Discover now