Kabanata 5

40.1K 786 12
                                    

Ally pov

Hindi ko nga alam kung bakit ako pinakasalan ni Ian?

Pero ang sabi sa akin ni Ian kaya lang daw niya ako pinakasalan dahil ito ang huling hiling ni lolo kaya pinagbigyan niya. Para sa akin parang hindi parin kami mag-asawa dahil ang turing niya sa akin ay katulong at kahit kelan wala pang nangyari sa amin pero siya ang nakakuha ng first kiss ko nung kinasal kami sa huwes.

At nagpapasalamat ako kay lolo dahil gumawa siya nang paraan para makasama ko ang apo niya.

Kaso nalulungkot ako dahil nasira ang friend ship namin pero hindi ako susuko dahil ang main goal ko ay magkaayos kami pero hindi ko alam kung paano??

"Mag-ayos ka at may pupuntahan tayo."galit na sabi nito sa akin kaya agad akong pumunta ng kwarto para mag-ayos.

"Saan ba tayo pupunta?" nagtatakang tanong ko dito.

"Pwede ba tumigil ka sa kakatanong? Nakakairita!" pikon na sabi nito kaya nanahimik nalang ako.

Maya-maya maya pa ay naramdaman ko na huminto na ang aming sasakyan at pagbaba ko ay nakita ko na huminto kami sa tapat ng isang sikat na bar.

"Wag kang lalandi sa loob. Maliwanag ba?"galit na bilin at sabi nito sakin kaya tumango nalang ako.

Masakit isipin na yung dati mong kaibigan na mahal na mahal ka ngayon parang basura nalang ang turing sayo....

Habang nagsasaya si Ian kasama ang kanyang mga kaibigan na barako at mga pogi napapaisip ako bakla ba talaga ito kasi parang hindi eh! Ewan ang gulo.

"Miss mag-isa kalang?" tanong sa akin ng isang chinitong lalaki.

"Hindi. Kasama ko yung amo ko." malungkot na sabi ko..

Dahil hindi ko man lang maipagmalaki na asawa ko si Ian kasi ayaw na ayaw nito siguro dahil galit talaga ito sa akin at kinahihiya niya ang isang tulad ko...

Saka tanging kaming dalawa lang ang nakakaalam na kasal na kami.

"Hmmm!!! Gusto mo sa labas tayo para hindi ka mainip saka ang balita ko may fireworks mamaya tara nuod tayo."pag-ayaya na sabi nito sa akin.

"Gusto ko sana, kaso baka magalit ang boss ko." sabi ko at napakamot sa ulo.

"Hindi naman siguro magagalit yun, at saka para hindi ka mainip." sabi nito sakin sabay hila sakin papuntang rooftop kaya hindi na ako nakapalag pa.

"Wow!Ang ganda pala kuya." natutuwang sabi ko habang nanunuod ng fireworks.

"Sabi ko sayo magiging masaya ka, at saka wag kuya ang itawag mo sakin Martin nalang." nakangiting sabi nito.

"Salamat ulit Martin."masayang sabi ko. Matapos naming manuod ng fireworks ay nagpasya kaming pumasok na sa loob.

At papasok na sana kami sa loob pero nakita ko si Ian na masama ang tingin sa aming dalawa ni Martin.

"Naku! Lagot ako nito."

Author's pov

SHORT STORY LANG ITO GUY'S. Wag sana akong ibash. Salamat❤️

My Gay Friend Turn To My Heartless HusbandМесто, где живут истории. Откройте их для себя