Chapter 8

25.5K 522 2
                                    

Ally pov

"Rachel linisin mo nga ang kwarto ni Lian." utos sa akin ni Macey.

"Hindi pwede baka matakot siya sa akin." sabi ko sabay iling.

"Wag ka na ngang maarte. At bilis-bilisan mo ang kilos maliwanag ba?" utos nito sa akin kaya agad akong pumunta sa kwarto ni Lian dala ang panlinis ko.

Habang nagvavacuum ako ng sa sahig. Nagulat ako dahil biglang pumasok si Lian buti nalang dala ko ang balabal ko kaya agad ko itong tinakip sa sunog kong mukha.

"Wag niyo na pong itago ang mukha niyo sa akin hindi na po ako matatakot sayo. At sorry po dahil sa nasabi ko sa inyo." malungkot na sabi nito sa akin.

"Ok lang yun totoo naman na mukha akong monster pero wag kang mag-alala hindi ako masamang tao." sabi ko kay Lian kaya napangiti ang bata.

"Hindi ka po mukhang monster nagulat lang po ako kaya nasabi ko sa inyo yun. At alam ko maganda ka po dati kung hindi nasunog ang kalahati ng mukha mo at kung walang malaking pilat sa pisngi mo po." sabi nito sa akin pero nginitian ko lang ito.

"Pagkatapos mong mag clean Ate Rachel laro tayo ha?"sabi nito sa akin.

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" nagtatakang tanong ko.

Ang alam ko hindi pa niya alam ang pangalan ko lalo na at bago pa ako.

"Kay daddy po saka play na po tayo. Malinis naman na po yung carpet eh. "sabi nito at agad kumuha ng laruan.

Habang naglalaro kami ay hindi ko mapigilang maging masaya dahil nakasama ko ang anak ko at masasabi ko nga na maganda ang pagpapalaki ni Ian sa anak namin dahil sa sobrang bait na bata ni Lian at matalino pa.

"Alam mo ba Ate Rachel mas gusto pa kitang kalaro kaysa kay Tita Laurine."sabi nito habang naglalaro.

"Bakit mo naman nasabi yan?" tanong ko.

"Kasi po pag si Tita ang kalaro ko tatarayan niya po ako  pero pag nandyan si daddy ang bait bait niya. Tapos kayo naman po ang gaan ng loob ko sa inyo feeling ko kayo ang mommy ko. "sabi nito kaya nagulat naman ako.

"Ang pangit ko kaya para maging mommy mo." biro ko sa kanya.

"Hindi po kaya? At sa ayaw at sa gusto mo mommy na ang itatawag ko sa inyo." sabi nito at ngumiti pa.

"Baka magalit ang Daddy at Tita Laurine mo." mahinang sabi ko.

"Alam ko pong hindi magagalit sa akin si Daddy. At kahit naman ikakasal si daddy kay tita hindi ko parin siya tatawaging mommy dahil ang bad niya."nakangusong sabi nito.

"Sige pumapayag na ako !"

Sabi ko rito

Kaya agad ngumiti si Lian at niyakap ako ng nahigpit....

Hay!!! Ang sarap sa feeling na mayakap ka ng anak mo:)

My Gay Friend Turn To My Heartless HusbandWhere stories live. Discover now