Kabanata 15

36.8K 615 6
                                    


Ally pov

Sa mga lumipas na araw sobrang naging maalaga sa akin si Ian saka feeling ko bumalik na siya sa dati.

At sana naman pang matagalan na ang pagiging mabait sa akin ni Ian, at hindi na siya bumalik sa dati..

"Ally mag-almusal kana at may pupuntahan tayo."biglang sabi nito sa akin.

"Saan naman tayo pupunta?" nagtatakang tanong ko pero hindi naman niya ako sinagot ng malinaw.

"Basta!"sabi nito at hinalikan ako sa tungki ng aking ilong.

"Ian, mamamatay kana ba?" tanong ko sa kanya kaya bigla nitong nabuga ang kapeng iniinom nito.

"Bakit mo naman natanong yan?" nagtatakang tanong nito sa akin habang pinupunasan ang lamesa.

"Ang bait bait mo kasi sakin eh. Pero dati hindi naman." sabi ko sabay dila sa kanya kaya tumawa nalang ito.

"Hindi pa ako mamamatay. Saka gagawa pa tayo ng basketball team diba?" sabi nito sabay taas ng kilay.

"Ang syado mo naman. Basketball team talaga? Baka mamaya maging losyang na ako niyan at ipagpalit mo ako sa iba."biro ko dito.

"Wag kang mag-alala nag-iisa kalang sa puso ko." sabi nito at iniwan akong nakanganga sa lamesa.

"Bakit nasa SM tayo?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Mamimili na tayo ng gamit ni baby." excited na sabi nito.

"Masyadong maaga pa para mamili saka 4 months palang kaya ang baby natin"sabi ko at hindi pa nga namin alam ang gender. Masyadong nagmamadali haha.

"Mas maganda na ang maaga, saka ipapaayos ko na  ang magiging kwarto ni baby para handa na." sabi nito at inalalayan ako papasok.

Nang matapos kaming mamili at kumain ay agad kaming dumiretso pauwi,dahil sa pagod.

Sobrang saya ko dahil nagawa na naman namin magshopping magkasama pero hindi tulad dati na namimili kami ng damit namin kundi ang magiging gamit ni baby kaya hindi ko maiwasang maging maligaya sa mga nangyayari.

At siguro kaya nangyayari ito dahil pagod na ang tadhana na pahirapan pa ako sa buhay.

At nagpapasalamat din ako na hindi ko na nakikita si Rance. Dahil bumabalik na naman ang nangyari kung nakikita ko siya at siguro kung hindi dumating si baby siguradong nabaliw na ako sa depression.

Sa pagkakaalam ko nawawala raw si Rance pero buti nga sa kanya dahil sobrang galit na galit ako sa hayop na iyon pero syempre hindi ko naman hinihiling na mamatay siya dahil masama iyon. Sobra ang ginawa niya sa akin pero may Diyos naman na magpaparusa sa kanya at doon nalang ako kumakapit.

Saka ewan ko ba kung bakit bigla nawala ang isyu ni Ian sa akin na nanlalalaki ako siguro narealize niya na nagsasabi talaga ako ng totoo. Ang gulo talaga hays!

My Gay Friend Turn To My Heartless HusbandWhere stories live. Discover now