Kabanata 19

29.5K 472 1
                                    

Ally pov

Kasalukuyang papunta ako sa opisina ni Ian dahil naisipan ko siyang dalhan ng pagkain.

Iniwan ko muna si Lian sa bahay kasama si Manang para hindi siya mapano.

At habang nagdadrive ako ramdam ko na may hindi magandang mangyayari ewan ko ba kung bakit?

Habang nagdadrive ako ay biglang may van na huminto sa tapat ng kotse ko kaya agad akong nagpreno. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa nangyari.

At kinabahan ako sa nakita ko dahil may mga armadong lalaki na bumaba sa van ay kumatok sa bintana ng kotse ko.

"Kung gusto mo pang mabuhay miss ay sumama ka muna sa amin kung ayaw mong pumutok ang bungo mo sa lugar na ito!"sigaw nito kaya agad akong bumaba at hinarap ito.

"Ano bang kailangan nyo sa akin? Wala akong kasalanan sa inyo!"takot na sabi ko at ramdam ko na tumulo na ang mga luha ko sa aking mata.

"Sa amin wala kang kasalanan pero sa boss namin malaki!" sabi nito at may pinaamoy sa akin kaya nawalan na ako ng malay.

Nagising ako dahil naramdaman ko na may nagbuhos ng malamig na tubig sa akin. At pagtingin ko sa paligid ay sobrang maalikabok at mainit feeling ko dito na ako mamamatay..

"So gising ka na pala Mrs.Allyza Dela Cruz Andrews!" sabi ng isang tao na nakamaskara at hindi ko malaman kung babae o lalaki ito dahil parang sa robot ang pananalita nito.

"A..anong kailangan niyo sa akin? ...bakit nyo ito ginagawa!"takot na sabi ko  pero wala itong naging tugon kundi isang nakakatakot na halakhak....

"Tsk. Tsk. Ts! Hanggang ngayon masarap ka paring paglaruan." sabi nito sa akin at lumapit at bigla akong sinampal.

"Pls...pakawalan niyo na ako may anak akong naghihintay sakin!"takot na sabi ko habang lumuluha.

"Wala akong pakielam! Bakit ba maraming lalaking nagkakagusto sayo? Wala namang espeyal sa itsura mo." sabi nito sa akin at naglabas ito ng matalim na kutsilyo.

"Anong gagawin mo sakin ilayo mo yan!"takot na sabi ko habang umiiyak.

"Ano kaya kung dumihan ko ang maganda mong mukha!"sabi nito at bigla nitong nilapit sa akin kaya nadaplisan ako sa pisngi at ramdam ko ang hapdi dahil idiniin pa nito ang kutsilyo sa aking kanang pisngi.

"Tama na maawa ka sakin hindi ko na kaya!"umiiyak na sabi ko dahil ramdam na ramdan ko ang sakit sa ginawa nito.

Pero kesa maawa ay tumawa lang ito at sinampal ang pisngi ko na may sugat.

My Gay Friend Turn To My Heartless HusbandWhere stories live. Discover now