Kabanata 20

29K 456 3
                                    

Ally pov

Nang magsawa ang taong ito sa pagsampal sa akin ang bigla nitong kinuha ang aking sing-sing.

"Anong gagawin niyo sa sing-sing ko ibalik nyo yan!"sigaw ko ngunit hindi ito nakinig.

"Isuot niyo yan sa babaeng pinatay nyo at pasabugin ang kotse gawin nyo ang lahat para mapaniwala na patay na si Allyza!"dinig kong utos nito sa kanyang tauhan.

"Bakit nyo ginagawa sa akin ito? Please pakawalan niyo na ako." umiiyak na pakiusap ko pero hindi sila nakikinig.

"Ang plano naman talaga ay pakakawalan ka namin, pero hindi pa ngayong dahil pahihirapan ka muna haha" sabi nito sabay hampas sa akin ng latigo.

Halos hindi ko na maimulat ang mga mata ko dahil sa pag-iyak at ramdam ko ang sakit ng aking likod dahil sa pagkakalatigo nito sa akin.

"Konting tiis nalang at pakakawalan na kita pero may gagawin lang ako!"sabi nito at naramdaman ko nalang na may binuhos ito sa aking mukha at hindi ko maipaliwanag na sakit ang nanuot sa aking mukha...

"Ahhhhhhh!!!!!!!!!!!!!"

Ian pov

"Condolence pre." malungkot na sabi sa akin ng kaibigan ko na si Rome na tinanguan ko lang.

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na wala na si ally sana hindi ko nalang siya tinuruan magdrive para hindi na ito nangyari.

Flashback

Habang nasa kalagitnaan kami ng meeting ay biglang may tumawag sa akin kaya sinagot ko ito dahil numero ng baby ko ang nakaregister.

"Hello!"malambing kong sabi pero nagtaka ako dahil lalaki ang sumagot...

"Ito po ba si Mr.Ian Caleb Andrews!"tanong sa akin nito kaya mas nagtaka ako.

"Oo ako nga! Bakit na sayo ang cellphone ng asawa ko?" nagtatakang tanong ko.

"May aksidente po kasing nangyari at nak....."

Hindi ko na pinatapos ang sinasabi niya dahil bigla kong tinanong kung saan ba nangyare at pinuntahan ko ito.

Pagdating ko ay nakita kong maraming pulis at nakaagaw ng pansin ko ang isang tao na nakabalot sa puting kumot kaya unti-unti ko itong nilapitan.

Pagbukas ko ay halos hindi ko na makilala ang asawa ko kaya nagkaroon ako ng pag-asa na sana hindi siya ito.

Pero nang makita ko ang sing-sing na suot nito ay gumuho ang pag-asang iyon.

End of Flashback

Ang sabi ng mga pulis ay mabilis ang pagpapatakbo ng kotse kaya nahulog ito sa bangin at sumabog.

Malakas ang kutob ko na may mali! Pero sila na mismo ang nagsabi kaya wala akong nagawa pa.

"Bakit ganun? Kung kelan ok na ang lahat saka mo ako iniwan, Allysa." umiiyak na sabi ko habang hawak-hawak ang aking sarili dahil sa sakit.

Authors note.

Madaming nagsasabi sa akin na malayo daw sa katotohanan ang mga nangyayari sa story na ito😊😊😊. Totoo naman talaga malayo sa katotohanan kasi gawa lang siya ng imagination ko😊. Wag magreklamo kung ano man ang nagyayari sa story na ito kasi masyadong malupet ang mga naiisip ko haha. Hindi ko din alam kung saan sila galing basta naiisip ko nalang sila. Siguro baliw na si author🤣🤣🤣🤣

My Gay Friend Turn To My Heartless HusbandWhere stories live. Discover now