Chapter 31: (UPDATED)

3.3K 53 4
                                    



"Hon, pano nato? Tignan mo nga anak natin?" turo sakin ni mama na ngayo'y kinausap niya si papa.

Wala akong pakialam sa mala e-stress na namuo sa kanilang dalawa dahil lang sa batang nasa sinapupunan ko. Ang tanging focus ko lang ngayon is ang masarap na pagkain na nasa harapan ko.

Nung pauwi kami ni mama galing sa hospital, nag request muna ako ng maoorderin sa krispy kreme dahil nag c-crave nanaman ako ng donuts tapos nasagip nanaman ng mga mata ko ang candy shop umorder na rin ako lahat ng sour candies. Di bale ng mag ka diabetes basta mahigop ko lang itong laway ko. Mahirap na mag mukhang aso.


At ngayon dito sa bahay, nakatingin lang silang dalawa saakin na ako ngayo'y pinapares ang sour candy sa donuts bago isubo. Tinignan ko rin silang dalawa at nagtaas ng kilay.

"What?" mala sosyal kong boses na tanong ko sa kanila.

"Alam niyo, hindi ito pwede na wala kang asawa, kailangan niya ng ama. Bumalik ka doon sa pinas at kausapin mo si kurt" mala istriktong sabi ni papa pero hindi naman sa nagagalit.


Bigla akong nabulunan sa sinabi niya, gulat ng tinignan ko si mama hanggang sa kay papa.

"Pero pa?! Alam mo naman di ba na may asawa nayun? At pano ko naman mabalik si kurt huh aber?" sabi ko sa kanya.

"Oo nga hon pano nga ba?" sulpot ni mama.

"You have the right to bring him back, kasi si kurt ang ama niyan tapos hanggang ngayon hindi pa sila nagka-anak ng asawa niya" sagot ni papa.

Natameme ako sa sinabi niya. Ano raw? Wala pang anak sila maxine? Biglang sumaya ang loob ko yung parang nakatanggap ka ng premyo.
Gulat rin si mama sabay takip sa kanyang bibig.


"Bumalik ka sa pinas tapos agawin mo si kurt. May paraan ako bago ka pumasok sa pamilya nila. Nakita ko ang pangalan ng kompanya nila sa buyers document at mukhang kailangan nila bumili ng teknolohiya natin. Ang gawin mo lang ay pumunta ka sa kompanya nila at ipa pirma mo ito sa CEO nila which is si kurt then you will ask something in return" inabot niya sakin ang brown folder na may konting papeles sa loob. Ito siguro ang ipakita ko sa kanila.


"ano po yun pa?" bumilis yung tibok ng puso ko sa pagka bitin ng scenario niya.

"A partnership" pag tapos niya.


Jusko malaki pa yun bilang shareholder ah? Akalain mo? Napakswerte niyan ng company ni kurt makipag partnership sa company ng one of the most famous here in america?

Pumalakpak ako sa sinabi ni papa dahil hanga ako sa solusyon niya.


"Wow papa, namangha ako sayo" sabi ko at nag thumbs up. Tumigil na ako sa pag kain ng donuts ko at nagsimulang maglakad papuntang kwarto para makapaghanda ng gamit ko.

Hindi na natin to pag intayin pa ng mga ilang araw, dapat uuwi kaagad at agawin ang ex-husband ko. Na motivate ako sa mga sinabi ni papa pati na rin sa rights ko bilang magiging ina.


"Tulungan na kita anak para hindi ka mapagod" ngiting excited na sabi ni mama. Napansin ko rin ang kumikinang niyang mata.

Dahil siguro gusto niya kami talaga ang magkatuluyan ni kurt at sa imahinasyon niyang future naming dalawa. Nakita kasi niya na masaya at safe ako sa bisig ni kurt. Dahil diyan gusto niya kami lang. Wala naman sigurong parents na hindi gusto magka-happy ending ang anak nila di ba?

I hope successful itong plano namin.









-FORCED MARRIAGE- (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon