Chapter 15 (UPDATED)

3.6K 66 1
                                    

Shane's POV

Mag alas dose na at narito parin kami nakaupo at nakapalibot sa isang bonfire. Masyadong malamig ang klima dito sa gubat na kahit sobrang lapit ko na sa siga ay hindi ko parin mapigilan manginginig sa lamig.

"ingat baka mapaso ka" sabi ni Kurt katabi ko habang tinitipon ang mga natirang kahoy sa siga upang hindi mapatay agad ang apoy.

Hindi ako nagsalita sa sinabi niya bagkos ay umurong ako ng konti palayo sa siga. Kaso, nag dodoble ang lamig saking katawan at tinitiis ko na lamang ito.

Umalis si Kurt sa tabi ko at lumakad papunta sa tent namin na parang may ikuha siya sa loob. I rolled my eyes dahil sa iniisip ko na ni hindi man lang niya ako napansin sa kalagayan ko.

I murmured to myself something na pagsisira kay kurt. Nagulat nalang ako na hinagis niya sakin ang kumot mula sa ulo. Lumingon ako sa kanya at nagtaka kung bakit niya ginawa ito.

"what? You were shaking, i can't help myself" at tumabi ulit siya sakin.

"thank you" nalang ang nasabi ko. Kinain ko nalang yung sinasabi ko sa sarili ko kanina.

"eto na ang hinihintay nyong hotdogs at marshmallows~" pagkanta niya habang bitbit yung tray na may hotdog and marshmallow sticks at nilapag sa maliit na lamesang gawa sa kahoy.

Kumuha narin si kurt at binigyan niya rin ako. Hindi ako umimik dahil nagtako ako na bakit biglang nag-iba ang kinikilos niya. Bakit napaka caring niya ngayon? Dahil ba sa nandito ang parents nya?. Umiling nalang ako sa isipan ko dahil sa hindi ako makapaniwala.

Sinimulan na naming isunog ang hotdog at marshmallows sa apoy at kumain ng tahimik.

Magkatabi pala sina mama at tita irish sa isang troso. Sina katy at tito evan naman sa kabila at panghuli kami ni kurt ang magkatabi.

"ang sweet nyo talaga tignan, sana lahat may asawa. Eh ako dad kailan ako magkakaroon? " ngiting sabi ni katy kay tito evan na parang batang nanghihingi.

"Marami naman nag court sayo eh ikaw lang naman ang umayaw" seryosong sabi ni tito habang kinakain ang hotdog.

"hahaha oo nga pala. Wala pa akong nakita na type ko talaga" pakamot na sabi ni katy.

"hahaha okay lang yan anak. Makikita mo rin ang gusto mo" wika ni tita irish.

Doon ako na disappoint sa sinabi ni tita irish. Sinilip ko ng konti si kurt mula sa gilid ng mga mata ko kung ano ang magiging reaksyon niya. Dahil di ba parang unfair naman yata sa part ni kurt. Ganun din naman sakin pero ano paba ang magagawa ko? Mag-iisa lang akong anak na babae.

Nakisandal nalang ako sa balikat ni kurt dahil sa mabigat ang pakiramdam ko. Eto nanaman tayo, magkaka deep thoughts ulit.

"kwento naman kayo ng kababalaghan diyan" pagbasag sa katahimikan ni katy dahil naman siguro napansin niya yung pagkatahimik naming dalawa ni kurt.

"may kwento ako" sabi ni mama

agad kaming napatingin kay mama para pakinggan siya. Gusto ko rin naman ng horror stories tapos ganito pa yung palibot namin. Feel na feel mo talaga ang thrill.

"Sabi nila may isang babaeng naligaw daw dito sa gubat, tumatakbo, dahil sa palagay niya na may humahabol sa kanyang lalaki. Nagtagumpay na makawala ang babae sa lalaking iyon ngunit sa kasamaang palad ay nahuli siya ng lalaki at tinangkang rapein yung babae. Dahil sa malakas ang pagsigaw at pumiglas ng babae bigla itong sinaksak ng lalaki sa kanyang gilid. Iniwan ng lalaki ang namatay na babae dito mismo sa gubat. Pagka bukas ay nagsimula ng search and rescue ang mga kababayan mula sa lugar ng babae ngunit nawala yung bangkay sa kinaroroonan nung patay na babae, tanging dugo lamang ang natira. Sabi daw ng iba, tuwing gabi ay may nagpapakitang babaeng nakaputi na humihingi ng tulong sa kanila, kaso takot na takot lumapit yung lalaking nakakita sa kanya. Ang sabi ng babae sa kanya ay "kung hindi moko tutulungan mamamatay ka kasama ako" kaya hinabol ng babae yung lalaki at pinatay niya ito para daw may kasama siya dito sa loob ng gubat. Lalaki lamang ang gustong target nito kaya wala ng lalaki pa ang magtangkang maglakad dito sa gubat" kwento ni mama.

"yun na yun?" sabay kaming na pa tanong ni katy kay mama. Hindi naman nakakatakot at lalaki pa talaga ang target kaya hindi kami na thrill.

"yes, totoong storya kaya ito. Ewan ko kung nagpapakita pa ang babae dito. Sabi daw nila ay natahimik na daw ito dahil sa napatay na niya ang lalaking pumatay sa kanya" sagot ni mama.

Napapa 'ahh' nalang kami ni Katy.

Sinilip ko si kurt kung ano ang reaksyon niya sa kababalaghan ni mama, napansin kong nanigas siya sa tabi ko. Hindi talaga gumalaw pati rin yung kanyang mata niya parang malalim ang iniisip. Tinutusok-tusok ko siya gamit ang hintuturo ko wondering kung okay paba siya.

"huy, okay ka lang?" tanong ko.

Hindi niya ako sinagot at hindi parin siya umimik. Parang takot ata to sa multo.

"hala kurt anu yan sa tabi mo?" sabi ko sa kanya.

"ha?! anu? shit!" bigla siyang tumalon. Yun naman pala eh. Akala ko ba matapang siya? Takot naman pala.

I snorted at his sudden reaction. Tumawa narin sina tita irish.

"tssss mauna na ako! pasok na ako sa tent. Bahala kayo jan" iritang sabi niya saamin at napadabog papunta sa tent namin.

Damn ngayon lang ako nakakitang gwapong mayaman na lalaki na matakutin pala

"hahaha since bata pa siya shane, he hates ghosts. May nagpakita kasi sa kanya" wika ni tita irish.

"hahaha kaya naman pala"

"kaya nga palagi ko siyang tinatakot eh nung bata pa kami hahaha" tawa ni Katy.

"hahaha nung bata pa sila palagi yan silang Nag-aaway " dagdag rin ni tito evan

lahat kami tawa lang ng tawa habang si kurt ay nasaloob ng tent nagnanais na sana kainin nalang siya ng lupa. Napansin naming malapit na mawala ang apoy at ubos na ang aming kinakain.

"Mukhang masyado ng malalim ang gabi. matulog na tayo " sabi ni tita irish.

Lahat kami ay sumang-ayon sa sinabi ni tita at nag goodnight na lang kami sa isa't-isa tsaka pumasok na sa loob sa kanya-kanyang tent.

"masaya na ba kayo?" iritang tanong ni kurt.

"aba syempre. nakakatawa ka kasi" ngising sabi ko.

"tssss whatever"

"wag kanang magsalita dahil matutulog na ako" sabi ko tsaka humiga sa tabi niya.

Kurt was facing at my back while im facing at the side of the tent. Nahihiya parin ako kapag kami na dalawa ang magsosolo.

nagulat na lang ako ng pinulupot niya ang kamay niya sa bewang ko habang amoy na amoy ang aking buhok.

"face me shane" bulong niya sa tenga ko.

"huy wag ka nga! sige ka isigaw ko talaga na manyak ka" I blushed at his sudden action.

"Ang OA mo naman, humarap ka lang sakin ang hinihingi ko. Di kita gagalawin hangga't gusto mo" seryoso na sabi niya na kinabigla ko. Kaya pumayag na akong lumingon sa kanya.

kahit medyo madilim na kitang-kita parin namin ang isa't-isa dahil sa ilaw ng buwan. Namula ako dahil sa nagtama ang mga mata naming dalawa.

"you're beautiful" Nagulat ako sa sinabi niya na syang napadagdag sakin ng pag pula. Yumuko ako para takpan ang mukha ko mula sa matigas niyang dibdib.

"na-nagbibiro ka ba?" utal na sabi ko

"hinde"

"matulog na nga tayo" pag tapos ko at sinimulan kong pinikit ang aking mata.

"sige" at hinalikan niya ako sa noo.

Kinikilig ako ng todo na parang kinikiliti. Eto nanaman ang sinasabi niyong butterflies. Ngumiti ako ng patago sa dibdib ni kurt. Niyakap rin ako ni kurt ng mahigpit para mainitan ang katawan ko kasama ang nakatabon naming kumot.

Hindi ko na talaga mapigilan ang feelings ko para kay kurt. Kung alam mo lang sana kung gaano ako na hulog sayo ngayon.

-FORCED MARRIAGE- (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon