Chapter 16 (UPDATED)

3.6K 60 2
                                    

I was bothered by something hard where i was currently laid side-faced. Then i felt and hear this calm rhythm which was beating to where I was laying. It was relaxing to hear but I felt that I need to wake up because I can feel that my neck is already stiff.

I opened my eyes and adjusted my vision. Hindi pala ako nananaginip, hindi parin ako makapaniwala na nag ka-camping kami ngayon. I smiled to myself feeling the moment.

"ahem!" bigla kong narinig mula sa tenga ko ang vibration galing sa matigas na hinihigaan ko.

"gising kana pala, pwede ka ng tumabi kasi ang bigat mo" sabi niya na ikinagulat ko.

Napatayo ako nung nalaman kong nasa ibabaw pala ako ni kurt. Kaya pala matigas kasi nasa dibdib niya ako humihiga. Namula din ako at tinakpan ang sarili ko dahil hindi ako bobo para pag-isipan na hindi rin na feel ni kurt ang dibdib ko.

Napa smirk si kurt sa reaksyon ko ngayon at alam niya kung ano ang nasa isipan ko.

"Kyaa! Bastos!!" tinapon ko sa kanya ang maliit kong unan.

"Goodmorning din, mamaya kana sana bumangon. Feel ko rin kanina yung moment eh" at nag wink pa si gago.

Sinabunutan ko ang sarili ko dahil sa hiya at lumabas sa tent. Baka kung ano pa ang magawa kong hindi maganda kay Kurt. Nakakabwiset kasi yung pagmumukha niya. Today was a huge embarrassment. Sana kainin na ako ng lupa.

"GISING NA KAYOO! KAKAIN NA! MAG HIKING PA TAYO!!" sigaw ni katy sabay pokpok sa kaldero para mag-ingay.

"Oh shane gising kana pala, halika't tulongan mo ako mag-ingay." aya niya.

"hayaan mo na't kumain na tayo, gising na yan sila sa una mong pag-ingay" lumapit ako sa kanya para kunin ang kalderong dala niya.

"sige gutom na rin ako sa kakahintay sainyo eh" sabi niya.

Nagpwesto na kami sa lamesang gawa sa kahoy at nagsimula ng kumain.
Lumabas na rin si kurt at agad tumabi saakin para kumain. Umurong ako ng konti malayo sa kanya dahil tumatayo ang mga balahibo ko kapag dikit ang mga balat namin.

Hanggang ngayon hindi niya parin inalis ang nakakaloko niyang ngiti habang tumitingin sakin. Inirapan ko lang siya at nagpatuloy kumain.

"uuyy, parang iba yung tension dito ah.. kamusta ang tulog niyo? may milagro bang nangyari?" sabi ni katy sabay hagikhik.

Muli nanaman akong namula sa sinabi niya. Kahit walang milagro na nangyari, hindi ko talaga maiiwasan ang hiya na nagawa ko kanina. Big deal na yon sakin no!

"h-hoy! anung pinagsasabi mo j-jan walang nangyaring milagro samin " utal na sabi ko pero totoo naman. I just can't find the right words because of my situation.

"meron kaya" he teased.

Laking mata akong tumingin kay kurt dahil sa sinabi niya. The nerve of this guy!

"ayieeeee, can't wait to meet my niece" kilig na sabi ni katy.

"anong kasiyahan ang naganap dito hmm?" sumulpot sina tita irish, tito evan at mama galing sa kanilang tent sabay upo sa tabi namin.

"W-wala tita! Uwi na tayo, ayoko na dito!" Lumayo ako kaagad sa kanila dahil ayokong makita nila akong ganito at para maiwasan narin ang pag usapan ang tungkol don sa sinabi ni katy. Baka mag wiwish nanaman yan sila ng another step eh hindi pa nga kami kasal.

" Joke lang naman shane! Bumalik kana dito at ubusin mo itong pagkain mo! Magha-hike pa tayo "sigaw ni kurt.

"Ayoko nga! " sigaw ko pabalik mula sa tent.

"Bahala ka jan!"

"bahala ka rin" bulong ko sa huli.

~~~~~~~~~

Nandito ako ngayon parang sinasakluban ng langit at lupa, sumusunod sa likuran ni Kurt. Bored at nairita dahil hindi kami umuwi kaagad.

I really love to hike honestly pero depende sa sitwasyon kagaya ngayon, hiling ko na lang na sana mawala ako na parang bula.

"malapit na ba tayo sa finish line?" bored na sabi ko.

"mukhang nasa palagitnaan pa tayo shane" sabi ni katy sa unahan ni kurt.

"ughhhh!" i groan in annoyance.

Hanggang ngayon nandyan parin ang nakakalokong ngiti ni kurt habang tinatanaw ang sitwasyon ko. Hindi ko siya tinignan dahil baka mas maiirita pa ako lalo. I sighed at nagpatuloy nalang sa paglakad.

Bigla nalang may dumaan na puting koneho sa paanan ko na syang ikinagulat ko. Tinignan niya ako saglit na tila parang may ibibigay na mensahe sakin tsaka umalis agad.

Dahil sa curious at gusto kong kuhanin tong koneho, sinundan ko ito. Parang mala alice in the wonderland lang? Napatawa nalang ako sa gawa-gawa kong imahinasyon

Pilit kong hulihin ang koneho pero hindi ko mahuli dahil sa mabilis itong pag talon. Lalo ko pa itong sinusundan at naghahanap ng perfect timing para mahuli ko kaagad to.

"gotcha!" sabi ko nung nahuli ko na.

"guys, may nakita akong kone-" pagputol ko, nalaman ko na wala na pala sila sa paningin ko. Shit! Mukhang naligaw na yata ako.

"ma? Katy? Kurt?" tawag ko sa kanila ngunit wala akong natanggap na tugon mula sa kanila.

Bigla na akong nag-aalala at natakot dahil nasa palagitnaan ako ng gubat. Naisip ko tuloy na baka sakaling may mga mapanganib na hayop na naglilibot dito sa gubat at papatayin ako.

" ikaw kasing koneho ka ba't kasi ang cute2 mo!" gigil na sabi ko sa koneho.

"Kurt! Katy! Nasan kayo!" sigaw ko muli habang mangigiyak na. Binalikan ko yung daan kung saan ako nanggaling ngunit mas lalo pa akong lumalim sa loob ng gubat.

Nagpatuloy pa rin ako sa paglakad at pagtawag sa kanila, kahit mahina man lang tugon ay wala akong natanggap. Maingat akong maglakad ngunit may naapakan ata akong nakatambak na dahon at ako'y nahulog.

"AAHH!" hindi ko napansin na may malaking butas pala don at sa kasamaang palad medyo malalim rin ang kinaroroonan ko.

I groan in pain mula sa pwetan ko at sa likod ko. Buti nalang hindi na untog yung ulo ko sa malaking bato. Natapon ko pa yung koneho bago ako mahulog dito.

Naiyak ako sa sakit ng aking binti dahil mukha yata akong napilayan.

"TULONG!" bumuhos ang maraming luha ko kasi natatakot na ako ng sobra kasama narin itong masakit kong katawan.

"KURT!" sigaw ko muli.

~~~~~~~~~~~

Kurt's POV

"MOM! SI SHANE NAWALA!" tarantang sigaw ko sa kanila. Nalaman ko kasing wala na pala siya nakasunod nung lumingon ako saglit sa likod ko. Lahat sila ay nagulat sa pabiglaan kong pag sigaw at nataranta rin.

"shit! lets find her! alam nyo naman diba kung saan palabas? lets separate" sabi ni dad

We all nod as we went deeper into the forest.

"SHANEEEE!!" sigaw ko ngunit wala akong narinig na tugon mula sa kanya.

Saan na ba yung babaeng yun, imposible namang mawawala siya dahil sinusundan nya lang ako. Nanginginig ako sa pag-aalala sa kanya ng sobra, baka kasi kung anu pa mangyari sa kanya.

Hindi ako tumigil sa pag takbo at pagtawag kay shane. Nawala narin sa paningin ko sila ni dad. Wala rin akong pakialam kung may mga mangagat na reptilya sa daanan ko. Isa lamang ang iniisip ko na ay mahanap ko lang si shane ng ligtas.

Suddenly i finally heard a faint scream coming from the left side of me.

"SHANEE! IKAW BA YAN?!" sigaw ko muli pero di siya sumagot.

Sinusundan ko kung saan nagmula yung pag sigaw niya if I heard it right.

"TULOONG!!" lumakas yung pagsigaw na narinig ko na ito'y nagmula sa malaking butas, i sighed in relief when i knew that its shane's voice screaming.


-FORCED MARRIAGE- (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon