Chapter 28: (UPDATED)

3.2K 46 1
                                    

Isang buwan ng lumipas, isang buwan narin kaming opisyal na hiwalay ni kurt. Sa mga araw na iyon palagi siyang nag tetext at tawag saakin ngunit hindi ko siya pinapansin. Pumunta na nga raw dito sa bahay namin pero pinapaalis ko lang siya kay mama.

Ayoko kasing makita siya na malungkot at ayoko rin makita niya ako sa ganitong sitwasyon na halos araw-araw akong umiyak. Hindi naman ako disappointed sa mga magulang ni kurt. Dapat lang talaga makinig siya sa kanila.

Tinatawagan na rin ako ni katy pero hindi ko rin ito tinanggap kumbaga ghinost ko silang lahat. Wala eh, pinutol ko na kaagad ang relasyon namin baka naman kasi mag ka cause pa ako ng issue dun sa kabila, yung bagong asawa ni kurt. Baka makasira pa ako.

Tumigil na rin sila sa pag kontak saakin, ngayon ko pa tuloy na miss si kurt at gusto ko pa siyang makita one last time pero wala na. Naubos na ata ang pasensya. Sumikip tuloy ang dibdib ko ngayon dahil feeling ko ganoon lang kadali para sa kanya na mawalan ng feelings.

Alam ko parin na mahal pa ako ni kurt pero tama na yung ganito na lang kami para wala ng problema.

Biglang may kumatok sa labas ng pintuan ko at pumasok si mama. Lumapit siya sakin na may bahid na lungkot sa mukha niya.

"nak, wag ka naman parating ganito, mag hanap kana lang ng bago" sabi niya.

"ayoko ma wala ako sa mood. Sa tingin mo ganoon lang kadali? " sabi ko sa kanya habang nakatalikod.


"alam ko anak pero nasasaktan ako makita ka sa ganitong sitwasyon. Palagi ding tumatawag si tita irish mo para kamustahin ka at paulit na nag sosorry saakin. Wala daw silang magagawa dahil kontrolado iyon lahat" sabi niya.

Hindi ako umimik. Pinilit ko na lang ang aking sarili na hindi maiyak dahil ayokong makita ako ni mama ng ganito. Kinagat ko na lang ang aking labi para hindi tutulo ang luha ko dahil pag once na tumulo, tuloy-tuloy na itong bumuhos.

"ayaw mo bang magpaalam sa kanila? Dahil lilipat na tayo ng america next week" nabigla ako sa sinabi ni mama at nilingon ko siya.

"america? Bakit?" tanong ko.

"Nagkaroon ng partnership ang dad mo sa isang malaking kompanya doon. Magiging mayaman na tayo anak. Baka magawa mo pang tigilan ang kasal nila kurt" sabi niya na may malungkot na ngiti.

Ganun na rin ang reaksyon ko at niyakap siya. "Ma, wag na natin pilitin at isa pa bago pa lang ang big news na ito. Baka magulat yung may ari ng kompanya na hihingi tayo ng malaking pera sa kanila. Syempre maghintay pa tayo niyan ng taon" sabi ko habang hinawakan ko ang dalawang balikat niya.

"Pasensya na nak ha, gusto ko lang kasi kayo ni kurt ang magkatuluyan. Alam ko naman na mahal mo rin eh. Kaya alam ko ang pakiramdam na malayo sa minamahal"

Umiling ako "ano ka ba ma, okay lang talaga ako. Madali lang naman mag move on kaso it will take time to heal kaya hayaan mo na kami. Tapos na po ang usapan" ngumiti ako para hindi na siya malungkot pa.

"osige kung yan ang decision ng anak ko, hindi na kita pwersahin pa at hindi na rin ako maging malungkot ulit" ngumiti siya ng matamis habang nakatingin sa mga mata ko. Hinalikan niya ang aking noo

I sighed in relief dahil feeling at ease na rin si mama. Nagsimula na kaming mag impake ng mga gamit namin.

Napaisip ako kung bibisitahin ko pa ba si kurt at magpaalam. Baka busy siya. Nasasaktan rin ako dahil huminto siya sa pag punta sa bahay namin. Kasalanan ko rin to pero wala na akong magawa.

Ngumiti na lang ako ng mapait habang pinagmasdan ang sunset mula sa aking bintana.














-FORCED MARRIAGE- (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon