Chapter 11 (UPDATED)

4K 69 1
                                    


Shane's POV

Pumunta ako sa garage namin at ginamit ang mercedez na silver. Sabi ng parents ni kurt para saakin daw itong kotse nato, advance regalo na rin para sa wedding namin.

Marunong ako mag drive ha nakakuha na nga ako ng driver's liscence eh. Kaso nakakatamad nga lang mag drive kaya gusto ko kasama si kurt ngayon. Hindi sa gusto ko siya makasama, gusto ko ipagdrive nya ako kasi malayo ang downtown mula dito, nakakairita kaya yun pati sa manyak nyang mukha.

Tawagin ko na nga lang si katy para may kasama ako mg shopping. Kinuha ko ang phone ko mula sa bag tsaka dinial ang number ni katy.

"hello harley? libre ka ba? gala tayo"

"ah oo shane! saan tayo pupunta?" wika niya sa kabilang linya.

"punta tayo sa mall. Wala kasi akong kasama, Eh si kurt kasi ayaw sumama sakin " i said with a fake sad tone.

"ah ganun ba? oh sige , magkita na lang tayo sa harapan ng mall"

"ok Katy mag ingat ka ha "

"ikaw din!"

I hang up. Binalik ko narin yung phone ko sa bag. Chineck ko lahat ng dapat kong dalhin na kung wala na ba akong naiwan.

"perfect" at sinimulan ko nang pinaandar ang makina tsaka umalis.

~~~~~~~~~~~~

Nakaabot na rin ako sa mall at dumiretso magdrive papuntang parking lot. Pumarada ako malapit sa entrance para konting lakad nalang ang gagawin ko. Naka 2-inch heels ako kaya tinatamad rin ako maglakad haha.

Sinisilip ko ang paligid ni walang anino ni Katy ang nakita ko. San na ba yung babaeng yun? Ang tagal naman. Ako pa yung malayo, ako pa nauna.

Huminto sa harapan ko ang sasakyang itim at iniluwa nito si katy.

"waaah! Ang ganda mo today gurl! Kanina kapa ba? tara shopping na tayo lets gooo!" sigaw nya.

"nakakagulat ka naman katy jusko! " grabi na man tong babae nato. Aatakihin yata ako ng maaga. Buti nalang mahilig ako sa horror movies.

"saan tayo mauna shane?" tanong niya habang kumapit sa braso ko.

"ikaw bahala katy total napakahype mo ngayon" sabi ko.

"tara dun sa damit! Pipili ako ng sexy para sayo"

Hinayaan ko na lang si katy kung saan niya ako gustong hilain..

~~~~~~

"wow bagay yan sayo shane, ang sexy mo! " Isinuot ko ang ipinasukat ni katy na spaghetti strap baby pink dress.

"talaga ba? Hindi ba ako mukhang nerd or what?"

"hindi sexy nga eh! revealing ka kaya. Not to mention sa cleavage mo. I'm sure mapapalaway si kurt sayo" sabi niya habang nakatutok sa boobs ko sabay taas baba pa yung kilay at nagsmirk.

"che! As if naman papatol si kurt nito eh marami na siyang nakitang mas revealing pa sa ibang babae" i rolled my eyes.

"at least pure ka shane, sino ba naman aayaw sa fresh kesa sa used?"

"anong fresh ka jan, oh eto suotin mo rin nga ito. Mas revealing to tignan feel ko bagay sayo to, kung kaya mo" i challenged her.

"sus yan pa, bet ko yan mga ganyan te. Teka, susukatin ko" sabi niya na walang halong kaba at pumasok sa fitting room.

Lumabas siya kaagad pagkatapos niyang sinukat. Ipinakita niya sakin kung gano siya ka confident sa sinuot niyang mala bra na white long-sleeve crop top at baby pink na palda na abot hita lamang. Ako yata na challenge dito ah.

"oh ano? Bagay ba?" sabi niya sabay sexy pose sa harap ko.

"model yata nasa harap ko, penge byuti mo te! " ngiting sabi ko.

"hahaha ano kaba? pareho lang tayong magaganda no. sige kunin ko din to" sabi niya at pumunta na kami sa may counter para mag bayad.

Marami na kaming binili at nagsimula na naman kumulo yung tiyan ko.

"katy tara sa foodcourt nagugutom ako eh " pout na sabi ko.

" oo nga no, ako din eh"

hinila na niya ako sa may foodcourt at siya na rin ang mag order para saamin.

Pagkatapos naming kumain, dala-dala namin ang aming mga binili at drinks na aming iniinom ngayun habang naglakad palabas ng mall..

"shane ang saya-saya ko ngayon!" sigaw niya na parang baliw.

"ako din naman eh! ngayun lang kasi ako may kasamang kaibigan papuntang mall" nginitian ko lang siya.

"ah ganun ba? Well, sister-in-law mo na ako so sasamahan kita sa lahat ng kabaliwan ko! " sabi niya.

Tumawa lamang ako sa kanya. Napahinto ako ng nakita ko si kurt na may kasamang babae pagpasok pa lang ng mall. Biglang nanlabot ang aking kamay dahilan para mahulog yung juice ko.

" shane?" nagtakang tanong ni harley.

"p-pano? n-nandito si k-kurt?" utal na sabi ko. Teka kanina ayaw niya sumama sakin ah? kala ko tinatamad lang pero may iba pa lang gustong isama.

kumirot na naman ang puso ko, bakit nga ba iba yung feeling ko pagnakita ko may iba siya? Parang na betrayed yata ako kagaya ng dati.

Ang saya-saya pa nila oh? nagshoshopping tsaka napakagentleman niya sa babae.

Napansin ni katy kung saan ako nakatingin.

"What in a satan's name is he doing with that bitch, tsk jan ka lang shane ako ng bahala kay kuya" galit na sabi niya. Akmang isulong niya sana silang dalawa ngunit pinigilan ko siya.

"okay lang katy wag na" hinigpit ko yung kamay ko sa kanya at ngumiti ng malungkot.

"oh sige, tara na , uwi na tayo. Ayoko makita mo sila" sabi niya.

Pinigilan ko ang aking pag iyak at dumiretso na sa labas ng mall.

"sige katy dito na lang ako, nandun lang yung kotse ko sa harapan. Salamat sa lahat ah" ngumiti ako ng malambing sa kanya.

"sige mag - ingat ka shane ha? Hayaan mo na yun. Don't worry papagalitan ko yun mamaya sa phone" sabi niya, halata naman sa boses niya na ng worry siya sakin.

I just weakly smiled at her at pumasok sa loob ng sasakyan.
Nagpaalam na ako sa kanya at pinaandar yung kotse ko. Nagsimula na rin akong mag drive paalis ng mall.

Nagpatugtog na lang ako ng hype music para mawala yung bigat sa puso ko.

Mahirap pala kapag pinagtaksilan ka.





-FORCED MARRIAGE- (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon