Chapter 8 (UPDATED)

4K 71 1
                                    


Another day at school, ganun parin ang daily routine ko dito. Nagkaayos na kami ng parents ko about sa agreement and they were so proud of me. I love it when they were like that, making my parents proud. I don't care about my selfishness, the important is that my parents were smiling.


Nandito kami ni katy sa loob ng basektball court, nanonood sa practice ni kurt.

"katy ba't ba kasi tayo nandito. Alam mo namang ayaw ko kay kurt eh" sabi ko sa kanya.

"oh shush dapat lang masanay kana sa kanya kahit ano man ang attitude nyan, matuto kang tumanggap. Starting today kailangan mo syang bantayan sa mga kinikilos niya" - katy

"ano ako babysitter? Alam mo wala akong paki kung ano yung mga  ginagawa niya kahit patago pa yan wala akong paki" i rolled my eyes at her.

"Kilala ko si kurt, shane, alam ko't mag babago rin yan para sayo. Malay mo mainlove siya sayo. Basta tulungan mo nalang kaming magbago si kurt. Plus, you should clean your image as his fiance" she winks.

Napanganga nalang ako sa mga sinasabi niya. Alam mo katy iba nasa isip ko. Gusto ko palagi lang ako nakatago at umisip na hindi ko naging fiance si kurt. Asawa lang naman kami sa papel eh. And in the future, hihintayin ko lang siya makakita pa nang ibang babae at makikipag divorce para may palusot ako kina mama't papa if ever buhay pa sila. Basta, mawala lang yung marriage contract namin.

"Sandali lang ha, mag c-cr muna ako" dali-dali siyang umalis at iniwan ako.

Pinanood ko lang si kurt with just a bored expression. Pansin kong tingin sya ng tingin sakin habang ng shoshoot ng bola. Nang naka successful sya mgshoot, lumingon nanaman siya sakin at nag smirk. I just scoff at his remarks.

Loko-loko talaga to, was he trying to impress me? Hindi naman sa nag assume ha pero EW. Inopen ko nalang yung cellphone ko just to distract myself from him.

"What are you doing here you trash?" biglang may nagsalitang babae sa harapan ko. Sa sobrang focus ko sa screen ng cp ko, hindi ko namalayan na lumapit pala siya sakin.

Tumingala ako kung sino ito. Mga tatlong sisiw nanaman. Nakapangsuot sila ng cheerleading outfit. Sarcastic smirk and raised eyebrow were plastered on their coloring book faces.


Ugh, here we go again. San na kaya yung katy na yun. Tumatae kaya sa CR? Ang tagal kasi.

"If you don't want your ass kicked maybe you should decide to go the other way. Katy is with me" pak! English yan mga te ah. Pagmamaldita kong sagot sa kanila. Nakakagigil na kasi.

"Oooh as if i was scared? Nagawa mo pang tapang-tapangan kami ah? Sabihin mo nga, nagpapansin kananaman kay kurt no? " kate started to raise her voice at me.

"oh please go get your guy if you want him" I said as i raised my hand acting surrender. Little did they know, na fiance ko na siya.

"Ang kapal mo talaga! -" akmang sasampalin na sana niya ako, pinikit ko ang mga mata ko waiting for the impact. Nung wala akong na tanggap na sampal, i slowly open my eyes and saw kurt cease her hand, gripping it.

"Stop bullying my wife" He growled.


"Your wife?!" kate shouts, shock was on her hilarious face.

"If you try to bully her again, i will kick you out of this school. Now leave" pagbabanta niya kay kate.

"But!"

"I won't say it twice"- kurt.

"Hmph! Let's get out of here ladies!" she huffed, stomping while leaving . Kasama yung dalawang sisiw na sunod ng sunod sa mother nila.

Tumingala ako kay kurt, hindi nakapaniwala sa nagawa niya para sakin. He said wife? Na flattered ako dun ng konti. I sighed in relief dahil pinaalis na niya yung mga sisiw.

"tsk! Galing ko talaga" tumingin siya sakin at ng wink.

"tsss" was all i said.

Bigla siyang tumabi sakin just to make  me irritate even more.

"Ano ba? Bumalik kana nga dun" pagtulak ko sa kanya.

"admit it, cool ako tignan kanina di ba?. Nainlove kana ba sakin? Oh, you're blushing!" sabi niya habang tinuro niya yung cheeks ko.

"that's just make up you dumbass!" sabi ko sabay hampas sa shoulder niya.

"Huli naba ako sa balita? Ayiee anung nangyayari dito?" biglang dumating si katy galing sa Cr.

"Wala" i huffed.

"Wait ang cute nyong dalawa tignan, picturan ko muna kayo ah" sabi ni katy sabay kuha sa cp at pinindot yung cam.

"Sige ba sis! Ayusin mo pag kuha ha? Send mo sakin after" - Kurt.

"bahala kayo jan, ayoko tumingin sa cam " - ako.

"hahaha palagi kana lang ganyan kay kurt nung bata pa kayo. Di ka talaga nagbabago" tawa ni katy

I just rolled my eyes at her as she took a picture of us.






-FORCED MARRIAGE- (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon