"Let's get out of here!"
Inalalayan ko siyang makatayo. Tinulungan naman ako ng mga pulis.

Masayang nilapitan at kinuha ko ang anak sa mga bisig ng pulis na kumuha rito mula sa pagkakahawak ni Lianne. May tumalsik pang dugo rito.

"My baby!"
Lumuluhang niyakap ko ito. Pinahid ko ang mga nanunuyong dugo sa pisngi nito.

Napahiyaw ako nang biglang makarinig ng putok mula sa labas ng bodega.

Nagmamadaling hinila kami ng pulis at hinila papunta sa likod ng pader upang magtago.

"Nakatakas na 'yung iba pang rebelde! Pati na 'yung dalawa pang preso!"

Sinalakay ulit ako ng kaba nang marinig ang sinabi na ito ng pulis.

Ligtas na nakalabas kami ng bodega hanggang sa makauwi ng bahay. Pero nanginginig pa rin sa takot ang buong kalamnan ko dahil sa nangyari. Hindi rin mawala sa isipan ko ang ginawang pagpapakamatay ni Lianne.

Pati sa pagtulog ko ay nakikita ko kung paano niya binaril ang sarili.

Kaya lagi ko siyang ipinagdarasal.

Ang kapayapaan ng kaluluwa niya.

***FLASHBACK ENDS***

"Let's go home now?"
Napabalik ako sa kasalukuyan nang marinig ang boses ng kasintahan.
Nakangiting tinanguan ko ito.

Magkahawak-kamay na nilapitan namin ang anak na karga-karga ng yaya nito ngayon.

"Hey handsome! Still afraid of loud noises?"
Hinawakan ko ang maliliit nitong daliri.

Nakakalungkot isipin na sa murang edad nito ay kailangan na nitong magdusa. Nahihirapan kaming ilabas ito ng bahay kasi takot ito sa maiingay. Pero inilabas namin ito ngayon dahil pupunta na naman kami sa doctor nito pagkatapos namin dito. Nilagyan lang namin ito ng earplug ngayon.

"He will overcome it soon, hon."
Malungkot na nilingon ko si Ken.

Sana. Dahil nakokonsensya ako sa tuwing nakikita kong nagdudusa ang anak ko dahil sa'kin. Dahil sa'kin kaya siya nagkaganito eh. Pakiramdam ko tuloy isa akong walang-kwentang ina.

**

"Hon?"
Malambing na niyakap ako ni Ken mula sa likod.

"Hmm?"
Nakangiting tanong ko sa kanya.

"Wala lang. Gusto ko lang sabihin sa'yo na mahal na mahal kita, kayo ni Ethan."

Di ko napigilan ang pagtakas ng isang kinikilig na ngiti sa mga labi.

Humarap ako sa kanya.

"Mahal na mahal din po kita, honey ko."
Masuyong hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya.

"Ah Ma'am? Sir?"
Sabay naming binalingan si Mang Lito.

"Ready na po 'yung sasakyan, nailagay ko na rin po ang mga gamit niyo sa loob."

"Salamat ho, Mang Lito. Susunod na lang kami."
Nakangiting sabi ko rito.

"Ok po, Ma'am."
Yumukod pa ito bago umalis.

"Are you ready?"
Nakangiting tanong ni Ken sa'kin.

"SUPER READY!"
Nagniningning ang mga matang sagot ko sa kanya.

This is it!

"PARIS, FRANCE.... HERE WE GO!"
Pakantang sabi ko pa.

Natawa nalang si Ken sa'kin.

A Night With My Husband's BrotherWhere stories live. Discover now