Chapter 29

25.1K 692 13
                                    

SUMAPIT ang araw na pinakahihintay nila Sefh at Yasmin. Ang pag-iisang dibdib nilang dalawa sa harap ng dambana. At gaya ng sinabi ni Yasmin kay Lara ay ito ang nag-ayus sa kanya. At makikita mong mas lalong lumutang ang ganda ni Yasmin sa suot niyang wedding gown.

"You look more beautiful." Ani Lara na bahagyang ipinatong niya ang mukha sa balikat ni Yasmin. "Thank you." Nakangiting tugon dito ni Yasmin na agad hinawakan ang kamay ni Lara.

"Nagkausap na ba kayo?" Maya ay tanong ni Yasmin kay Lara. "Oo, binantaan mo daw kasi siyang dodos por dosen mo kung hindi siya nakinig sayo." Ang natatawang ani Lara na kinatawa rin ni Yasmin.

"Yow! Girls, let's have a group selfie. Titingnan natin kung sino ang susunod na magsusuot ng wedding gown next time. At dapat magkaroon din tayo ng group selfie sa susunod na ikakasal. Kapag hindi ako inivite ng susunod na ikakasal ay isasabutahe ko ang kasal niya." Ang mataray na ani Alexa sa kanila. Kaya natatawa silang pinagbigyan ang gusto nito.

Agad silang nagroup selfie gaya ng gusto ni Alexa. Magkatabi si Yasmin at Lara, napapagitnaan naman ni Yasmin at Alexa si Cevgie.

"Oh! Napagbigyan kana namin. Kailangan na natin pumunta sa simbahan at baka himatayin si Sefh sa paghihintay ng brides niya." Ani Cevgie sa kanilang tinulungan si Yasmin sa suot nitong wedding gown.

SAMANTALA habang hinihintay ng lahat sa simbahan ang pagdating ng brides ay halos pagpawisan na si Sefh. Panay tingin nito sa bungad ng simbahan. Natatawa naman sa kanya ang mga kaibigan at mga pinsan.

"What?"

Pasuplado nitong tanong sa mga ito habang natatawa silang nakamata sa kanya.

"Bro, calm down. Darating si Cinderella mo. Nakadeposit kana nga sa kanya e, kaya hindi ka tatakbuhan nun." Pampakalma sa kanya ni Renz.

"Kinakabahan ako, ilang minuto na silang late." Nakasimangot nitong aniya. Kaya tinapik siya ng kuya niyang si Lexx sa balikat.

"Relax bro, kung nahintay mo nga siya noon e ngayon pa kayang minuto lang o oras lang ang bibilangin mo." Saad sa kanya ni Lexx na kinahinga niya ng malalim.

Maya't maya lang ay sinabihan sila ng wedding organizer na maghanda at dumating na ang brides. Kaya naman agad na pomosition ang mga sponsor ng kasal nila.

Matapus ang wedding sponsor's march ay agad namang nagplay ang napiling kanta ng ikakasal. Nakatayo ng tuwid si Sefh na nakamata sa bungad ng malaking pinto kung saan papasok ang brides.

Parang slow motion ang pagpasok ni Yasmin sa bungad ng simbahan. Nakaalalay sa kanya ang mga kaibigan niya hanggang marating niya ang pinakabungad ng pinto kung saan kita niya ang lahat ng tao sa loob ng simbahan.

Agad natanaw ni Yasmin si Sefh na nakatayo sa harap ng altar. Napakakisig nito sa suot niyang black american suit.

Halos hindi maikurap ni Sefh ang mga mata niya ng makita na niya si Yasmin na dahan-dahang naglalakad patungo sa kinatatayuan niya. Wala siyang masabi sa ganda ng babaeng mahal niya. Sino ang mag-aakala na isang gaya ni Yasmin ang bibihag sa puso niya.

Habang naglalakad si Yasmin ay nakatuon lang ang kanyang mga mata kay Sefh. Naisip nitong siguro nga ang lahat ng bagay sa mundong ito ay mayroon dahilan kung bakit natin kailangang harapin. Gaya na lang ng nangyari sa buhay niya na kung hindi siguro siya niluko ni Rex noon ay hindi niya makikilala itong lalaking naghihintay sa kanya ngayon sa harap ng altar. Ang ama ng mga anak niya na makakasama niya hanggang sa siya ay nabubuhay sa mundong ito. Magpagayon pa man ay hindi parin maiwasan ni Yasmin na hindi maging emosyonal. Dahil sa pinakamahalagang araw ng buhay niya ay wala ang magulang niya. Kung pwede nga lang siguro siyang humiling na sana buhay pa ang mga magulang niya at sila ang maghahatid sa kanya ngayon sa harap ng altar ay ginawa na niya. Ngunit alam naman niyang malabo mangyari yun.

LOVE AND PAIN(Completed)Where stories live. Discover now