Chapter 22

26.5K 791 18
                                    

SUMAPIT ang araw ng first birthday ni baby Sylvan. At dahil first baby si Sylvan ay ginawang magarbo ang birthday party na gaganapin sa mansyon ni Senyor Guerrero. Nakiusap ang senyor na sa kanyang tahanan ipagdiriwang ang unang kaarawan ng apo niya sa tuhod. At dahil mahal nila ang matanda ay pinagbigyan nila agad ang kahilingan nito. Wala rin naman silang problema sa venue ng birthday party ni baby Sylvan dahil malawak ang bakuran ng mansyon ni Senyor Guerrero.

"Cinderella, tama na yang pagpapaganda mo. Dahil alam kung maganda kana," Ani Sefh kay Yasmin. Abala kasi si Yasmin sa pagpapaganda samantala ang mag-ama niya ay naghihintay sa kanya. "Nagsidatingan na ang mga besita ni baby Van." Dugtong pa nito na binalingan ang tahimik nilang anak na nakaupo sa tabi niya. Nasa mansyon sila ni Senyor Guerrero nagpasyang matulog bago ang party dahil sa marami silang mga bagay na dapat asikasuhin bago ang birthday party ni baby Sylvan.

"Wag kang maingay, dahil kunti na lang at matatapus na ako. Gusto kung maganda ako sa mata nilang lahat. Dahil alam kung maraming babae ang pumunta sa birthday party ng anak natin para makita ka. Kaya gusto kung ipakita sa kanilang lahat na maganda ako na sexy ako, kaya wala na silang pag-asang akitin ka pa." Anitong kinailing ni Sefh. Nitong nagdaang araw ay hindi niya maintindihan ang ugali ni Yasmin. Lagi nitong sinisipat ang sarili sa harap ng salamin. Hindi niya mawari kung ano ang tumatakbo sa isip nito.

"Cinderella, kahit ano pa ang isusuot mo ay alam kung maganda ka. At kahit maghubad pa sa harapan ko ang mga babaeng gusto akong landiin ay wala akong pakialam. Dahil ikaw lang ang mahal ko. Nag-iisa ka lang dito sa puso ko." Muling ani Sefh kay Yasmin. "Alam ko, kaya nga gusto kung mas maganda pa ako lalo. Para ang mga babaeng nagbabalak na landiin ka ay matakot. Dahil mas maganda ako sa kanila. At mahal na mahal din kita." Dahilan nitong mas lalong kinailing ni Sefh.

At matapus nga makuntinto ni Yasmin sa ayos niya ay pagkatamis-tamis niyang binalingan ang mag-ama niyang naghihintay sa kanya. Agad niyang nilapitan ang dalawa na nakaupo sa ibabaw ng kama at walang kakurap-kurap ang mga mata. Ng tuluyan niyang malapitan ang mag-ama niya ay biglang pumalakpak si baby Van.

"Mum, memmie." Anitong pumapalakpak. Natatawa namang binalingan ni Sefh at Yasmin si baby Van dahil sa hindi nila maintindihan ang sinasabi nito. "Memmie." Muli nitong aniya sabay turo kay Yasmin.

"Mommy sweety hindi memmie." Pagtatama ni Yasmin. "Memmie, mimmi." Pag-uulit din ni Sylvan. Napailing na lang si Sefh na binuhat niya ang anak at ipinulupot ang isa niyang kamay sa baywang ni Yasmin.

"So, shall we?" Aya ni Sefh sa nobya. "You look gorgeous, mia regina. And your making me horny right now." Pabulong na ani Sefh. Bahagya naman itong kinurot ni Yasmin sa balikat dahil kahit sa pamamagitan lang ng pagkakadaiti ng balat nila ay nabubuhay na ang dugo niya sa katawan. Kunting seduce lang ni Sefh sa kanya ay bumibigay na agad ang buong sestima ng katawan niya. Ganun kalakas ang dala ng isang Sefh sa pagkatao niya.

Gaya ng inaasahan nila ay maraming darating na besita mula sa iba't ibang sektor ng Lipunan. Ang bawat mata ng naroon ay biglang natuon sa kanilang mag-anak.

Habang naglalakad sina Yasmin ay kita ng mga mata niya ang inggit mula sa mata ng mga kababaihang nandoon. At proud na proud naman siya sa ama ng anak niyang tila siya lang ang nakikita nito. Iyon ang bagay na ipinagpapasalamat ni Yasmin dahil mula ng dumating siya sa buhay ni Sefh ay hindi na ito bumaling sa iba ang tingin niya. Tila siya lang ang tanging babaeng nakikita nito.

"Wow! Look at this, naggagandahan ang mga partner niyo mga gwapo kung pinsan." Ang kaylapad na kumento ni Haide sa mga pinsan niya. Ang bawat isa kasi sa mga ito ay dala ang mga asawa at nobya.

Natatawa naman nilang binalingan si Haide na kaylapad ng pagkakangiti. "Eh! Ikaw kailan ka kaya mag-aasawa rin pangit?" Tanong naman ni Wayn kay Haide na biglang tumulis ang pagkakanguso.

LOVE AND PAIN(Completed)Where stories live. Discover now