Chapter 21

27.5K 750 14
                                    

Warning:Rated SPG

LUMIPAS ang buwan na masasabing masaya ang pagsasama nila Sefh at Yasmin. Nagpatayo narin si Sefh ng bahay para sa bubuoin nilang pamilya kasabay nito ang paghahanda ng nalalapit nilang kasal ni Yasmin. At sa mga araw na lumipas ay hindi nila namamalayang mag-iisang taon na pala ang anak nila. At dahil first baby nila si Sylvan at first birthday nito ay pinaghandaan nila ang birthday party nito.

"Hubby, ang bata-bata pa ng anak natin pero inispoild niyo nang lahat. Kapag nasanay yan e sakit sa ulo paglaki niya." Nakapuot na ani Yasmin kay Sefh. Agad naman itong kinintalan ni Sefh sa labi ng halik.

"Hayaan muna, saan pa mapupunta ang pag-aari ko kundi sa kanya. Wala akong pakialam kung ilang million ang magagasto ko sa anak natin. Ang mahalaga ay malusog at masigla siyang lalaki. Paglaki niya ay matutoto rin naman siya. Kailangan niyang eenjoy ang buhay niya. Hindi lahat ng bata ay kayang ibigay ng magulang niya ang naibibigay natin kay Sylvan. Kaya maswerte ang anak natin at naibibigay natin ang gusto niya." Seryosong paliwanag ni Sefh kay Yasmin. Napabuntong hininga na lang si Yasmin tanda ng pagsuko nito.

"Bahala ka nga, ikaw naman ang nagtratrabaho." Anitong nagsumiksik sa dibdib ni Sefh. Maya't maya ay bigla siyang napabalikwas ng meron siyang maalala. At dali-dali siyang bumangon at isinuot niya ang damit ni Sefh. Hindi kasi niya alam kung saan naitapon ng binata ang mga damit niya ng isa-isa iyon hubarin kanina ni Sefh sa katawan niya. Katatapus lang kasi ng mainit nilang tagpo.

Agad na binuksan ni Yasmin ang bag niyang dala niya mula Italy at meron siyang kinuha doon. Matapus niya itong makita ay agad siyang lumapit sa kinalalagyan ng mga pabangong gamit ni Sefh.

At doon nakita niyang meron kagaya ng perfume na hawak niya sa mga perfume ni Sefh. Agad niyang ipinakita yun kay Sefh.

"That is my favorite perfume, hugo boss." Ani Sefh na kinangiti ni Yasmin. Agad niyang inilapag ang hawak niyang pabango at muling bumalik sa tabi ni Sefh. "Bakit meron kang ganung perfume, it's only for a man perfume?" Kunot nuong tanong sa kanya ni Sefh.

"Uhm! noon kasing pinagbubuntis ko pa si Sylvan ay hirap ako sa tuwing madaling umaga. Nagsusuka ako ng wala namang naisusuka at tuwing madaling araw lang umaatake ang ganun sa akin. At pakiramdam ko ay may gusto akong amoyin na hindi ko naman alam. Kaya ang ginawa ko ay naghanap ako ng iba't ibang klase ng perfume at tinesting kung amoyin ang mga yun isa-isa. At sa dami ng natesting kung amoyin na pabango ay ang perfume lang na yan ang nagustuhan ko ang amoy. Kaya bumili ako nun at inispray ko sa mga damit ko. After kung gamitin ang perfume na yan ay napapanatag agad ang loob ko. At hindi na ako nagsusuka tuwing madaling araw basta maamoy ko lang ang amoy ng perfume na yun. Nakakatulog na ako ng maayos." Pagkwekwento nito kay Sefh na napangiti.

"Ibig sabihin kahit wala ako sa tabi mo ay parang kasama mo parin ako sa pamamagitan ng pabangong yan. At ibig lang din sabihin niyan ay ako ang pinaglihian mo kay Sylvan." Natutuwang ani Sefh sa kanyan.

"Yeah! at kahit anong pag-iwas kung wag kang isipin ay bigla ka na lang pumapasok sa isip ko. Kahit itaga ko sa utak kung hindi ka na namin makikita ni baby at makakasama ay hindi ka parin mawala," Anito sabay simangot kay Sefh. "At naisip ko na siguro sadyang malakas ang pakiramdam ni baby na magkikita parin tayo. Kaya ganun ang nararamdaman ko." Dugtong pa ni Yasmin sa kwento nito sa binata. Napangiti naman si Sefh na agad niyang kinubabawan ang nobya.

"Hey! wala kana atang kapaguran Mister." Kunwari ay sita dito ni Yasmin. Pero sa sarili niya ay gusto rin niya ang ginagawa ni Sefh. Mukhang pati siya ay nahawaan narin ng kalandian ng binata.

Ng siilin ni Sefh si Yasmin sa labi ng halik ay agad naman niya itong tinugon ng walang pag-alinlangan. Kapwa sila nagpapalitan ng mainit na halikan at ang isang kamay ni Sefh ay nasa batok ni Yasmin at ang isa naman ay nasa baywan nito.

LOVE AND PAIN(Completed)Where stories live. Discover now