Chapter 27

22.8K 707 20
                                    

HALOS hindi mapakali si Rex sa kinauupoan niya habang hinihintay niya ang pagdating ng panauhin. Ng may biglang kumatok sa opisina niya ay bigla siyang napaupo ng tuwid. Pigil nito ang hininga hanggang sa bumukas ang pintoan.

"Sir, nandito na po ang besita niyo." Malumanay na anang secretary niya. Agad namang tumango si Rex biglang sagot.

Habang nakatingin si Rex sa nakabukas na pintoan ay halos hindi na siya kumurap. Nakangiting Yasmin ang bumungad sa kanya. Hindi na ito gaya ng huli silang magkausap na daig pa niya Lion sa bangis.

"Hi..."

"Hi! Have a sit." Alok ni Rex kay Yasmin. Agad naman naupo si Yasmin sa upoang nasa harap ng mesa ni Rex.

"Where is Mr. Guerrero?" Tanong ni Rex ng hindi niya makita si Sefh. "Uhm! meron daw siyang meeting, kaya ako lang ang pinapunta niya dito." Sagot dito ni Yasmin na kinatango ni Rex. Sinadya talagang hindi sumama ni Sefh kay Yasmin. Dahil gusto nitong bigyan ng privacy ang dalawa para magkausap ng masinsinan. May tiwala naman siya kay Yasmin kaya panatag ang loob niyang kausapin ng nobya ang dati nitong katipan.

***flashback***

Gaya ng pakiusap ni Yasmin kay Sefh ay agad niya itong pinagbigyan. Agad nilang tinungo lugar kung saan makikita ang kumpanyang pag-aari ni Rex. Ngunit bago pa man sila magtungo doon ay ipinaalam muna nila ito kay Rex na darating sila doon ni Yasmin.

"Akala ko ba e sasamahan mo ako?" Kunot nuong tanong ni Yasmin kay Sefh ng marating nila ang kumpanyang pag-aari ni Rex.

"Cinderella, gusto kung magkausap kayo ng masinsinan ni Rex. Don't worry may tiwala naman ako sayo. Isa pa may meeting akong kailangan puntahan." Saad ni Sefh kay Yasmin na ipinagbukas niya ng pinto ng sasakyan.

"Okey! sinabi mo e." Nakapuot na ani Yasmin. Kaya agad itong dinampian ni Sefh sa labi ng halik. "Trust me, mas makakabuting hindi muna ako haharap kay Rex sa pagkakataong ito." Paliwanag nito sa nobya na napabuntong hininga.

"Come on, ngumiti kana mia regina." Pangungulit nito sa dalaga na agad napangiti. Hindi talaga ito matitiisbkahit magtamputampuhan siya dito ay siya rin ang unang bibigay. "Fine." Pagsuko na lang nito.

"That's my girl. I love you kaya may tiwala ako sayo. Isa pa mas gwapo ako kay Rex at meron na tayong anak at magkakaanak ulit." Saad dito ni Sefh na inismiran ng nobya. Dahil hindi talaga mawawala ang pagbubuhat nito ng sariling upoan.

Kaya matapus magpaalam ni Yasmin sa nobyo ay agad siyang pumasok sa gusaling pag-aari ni Rex. At ang hindi alam ni Yasmin ay hindi pala umalis kung saan niya iniwan si Sefh. Nanatili ito doon at doon niya hinintay ang nobya.

***End of flashback***

"I see. What drinks do you want?" Tila nahihiya pang tanong ni Rex kay Yasmin. "Fresh juice na lang." Sagot naman dito ni Yasmin. Kaya agad na nagpahatid ng fresh juice si Rex sa opisina niya.

Hindi rin naman nagtagal ng dumating ang pinahatid ni Rex na juice sa opisina niya. Nakangiti naman iyong inabot ni Yasmin ng iabot sa kanya ng secretary ni Rex ang fresh strawberry juice.

Lumipas ang segundo at tila hindi alam ng dalawa kung sino ang unang magsasalita. Biglang nagkaroon ng pagkailang ang dalawa sa isa't isa. Ngunit agad din naman binasag ni Rex ang namumuong katahimikan sa pagitan nila ni Yasmin.

"Congrats nga pala sa inyo ni Sefh, magkakababy ulit kayo." Ani Rex.

"Thanks," tipid na sagot ni Yasmin. "Uhm! Thank you nga pala sa pagdala sa akin sa hospital. Kung hindi dahil sayo ay baka tuluyan akong nakunan." Buong pusong pasalamat nito kay Rex.

LOVE AND PAIN(Completed)Where stories live. Discover now