Chapter 20

29.3K 737 12
                                    

DINALA ni Sefh ang mag-ina niya sa MAV restaurant. Pagkapasok pa lang nila ay agad na nitong nakita ang may ari ng MAV restaurant na si Mark Villagas. At mukhang pati ang mga kaibigan nito ay naroon din.

"Hey! Bro, ang bilis natin ah! Nakaisa na pala tayo." Ani Mark sa kanya. "Ganun talaga tayo bro." Natatawa naman nitong sagot kay Mark.

"By the way, Cinderella my friend Mark. Bro, Cinderella, Yasmin Perez. At ang bugoy namin si Sylvan." Pakilala niya sa mag-ina niya kay Mark.

"Hello Yasmin. Hey! buddy." Ani Mark sabay gulo nito sa buhok ni Sylvan. "Prepared table for two at upoan para sa makulit na 'to." Utos ni Mark sa waiter na malapit sa kanya.

"Yes! Sir."

Segundo lang ang dumaan ay muling bumalik sa kinatatayuan nila Sefh ang waiter. "Sir, the table is ready." Anito. Kaya agad na inakay ni Mark sina Sefh sa mesa nila. Nakahanda narin ang upoan para kay Sylvan.

"Kayo na ang bahala sa kanila," ani Mark sa waiter na nagstema kina Sefh. Tumango naman ito bilang sagot. "Bro, maiwan ko na muna kayo, kailangan kung sunduin si Misis." Paalam ni Mark kay Sefh.

"Sige, bro. Thanks." At agad namang nagkamayan ang dalawa bago umalis si Mark.

Agad na umorder sina Sefh ng makakain nila at habang hinihintay nila ang order nilang pagkain ay may biglang lumapit sa mesa nila.

"Hi! Excuse me, magkakilala ba tayong dalawa?" Anang babae kay Yasmin. Tila natatandaan niya ito pero hindi lang niya alam kung saan sila nagkakilala.

"I don't know?" Hindi siguradong sagot ni Yasmin. Natawa naman ang babae sa sagot sa kanya ni Yasmin.

"Huor Ledesma Alvarez, nga pala." Pakilala nito kay Yasmin na kinalapad ng ngiti niya. "Langya ka, kaya pala pamilyar ang mukha mo." Ani Yasmin sabay tayo niya at nakipagbeso-beso dito.

"My God. Mas lalo kang gumanda Yasmin. Look at you, ang sexy mo." Puna ni Huor sa kanya.

"Gaga ka talaga. Pero thank you." Ani Yasmin na hindi makapaniwalang magkikita sila ni Huor. College bestfriend niya ito at nagkahiwalay lang sila after nilang makagraduate ng college.

"Oh! Wala ka bang plano na ipakilala ako sa hubby mo." Ani Huor na binalingan si Sefh. "Oh! Yeah! Si Aivan Sefh Guerrero, my partner in life. At ito naman ang anak namin si Sylvan." Pakilala niya sa kanyang mag-ama.

"Magbestfriend nga tayo, magaling pumili." Ani Huor sabay kindat niya kay Yasmin. Napalingon naman sila ng may biglang tumikim sa likod nila.

"Bro, anong ginagawa mo dito?" Tila gulat na si Sefh sabay tayo nito. Napakamot naman ng ulo ang bagong dating sabay yakap nito kay Sefh.

"May kadate ako bro, by the way buti naman at nagising ka na. Kakauwi ko lang kahapon kaya hindi kita nadalaw sa hospital." Anito kay Sefh na naiiling.

"Dada da-da daaaaah..." naagaw naman ang atensyon nila kay Sylvan na nagpapabuhat kay Sefh. Kaya natatawa itong kinuha ni Sefh sa kinauupoan niya. "My son, Sylvan. And my Cinderella, Yasmin Perez Guerrero. Mia Regina, my cousin Alick John Guerrero Sandoval." Pakilala ni Sefh kay Yasmin sa pinsan niya.

"Hi! Yasmin, it's nice to met you. Just call me Jack short my name." Anitong natatawa.

"It's my pleasure to met you too, Jack. So, nasaan ang kadate mo?" Tanong dito ni Yasmin na kinatikim ni Hoor. "Oh! so, kayo ang magkadate?" Paniniguro ni Yasmin sa dalawa.

"Uhm! Parang ganun na nga." Ang natatawang ani Hoor na agad inakbayan ni Jack.

"Kung ganun naman pala e bakit hindi na lang kayo magjoin sa amin dito. Dahil marami kang ikwekwento sa akin." Ang bagdudumilat na ani Yasmin kay Hoor.

LOVE AND PAIN(Completed)Where stories live. Discover now