Chapter 11

25.8K 796 18
                                    

DAHIL sa nakita nilang nangyari kay Sefh ay kinausap ni Brexx ang mga pinsan niyang ipagkatiwala ng mga ito sa kanya ang tungkol sa pamilya Salazar. At dahil kilala nila si Brexx ay sinang-ayonan naman nila agad ito.

Matapus makausap ni Brexx ang mga pinsan niya ay agad din siyang umalis. Mabilis niyang pinakilos ang mga taohan niya magkaroon lang agad ang mga ito ng information tungkol sa family Salazar.

Habang nasa sasakyan si Brexx kasama ang driver niya ay biglang tumunog ang tawagan niya. Kaya agad niya yun tiningnan kung sino ang nasa kabilang linya. Ng mapagsino naman niya ito ay agad niyang sinagot ang tawagan.

"Kumusta ang pinapagawa ko sayo?" Tanong niya agad sa nasa kabilang linya ng sagotin niya ang tawagan.

"Boss, nasa kamay ko na po ang lahat ng kailangan niyo." Sagot sa kanya ng kausap. "Good. Dalhin mo sa bahay, I'm on my way now." Utos nito sa kausap bago pinatay ang tawagan.

SAMANTALA si Greg naman ay agad din nitong pinakilos ang mga taohan niya. Agad nitong pinaalam kung sino ang reporter ng isang pahayagan ang gumagawa ng fake news tungkol sa pag-iisang dibdib umano nila Sefh at Vivian Salazar. At dahil malakas ang kapit niya sa mundo ng midea industry ay agad nakuha ni Brexx ang information kung sino ang nasa likod ng kumakalat na balita.

"I swear, magbabayad kayo sa ginawa niyo. Wala akong pakialam kung magsara ang kumpanya niyo. You ruin my cousin's life at ganun din ang gagawin ko sa inyo ngayon." Kausap nito ang sarili.

Mabilis na ginamit ni Greg ang kakayahan niya bilang isang Guerrero hindi bilang isang succesful business man sa mundo ng showbiz. Aanhin niya ang pera niyang hindi niya ginagamit kung nangangailangan ngayon ang isa sa myembro nang pamilya ng tulong niya.

"Boss, pinatawag niyo daw ako?" Boses na nagpabalik sa isip ni Greg sa realidad. "Yes! maupo ka." Utos niya dito. Agad naman tumalima ang kausap niya.

Bago pa man magsalita si Greg kung bakit niya pinapunta doon sa opisina niya ang isa sa mga taohan niya ay biglang tumunog ang tawagan niya.

Brexx calling......

Ang nakita ni Greg sa screen ng phone niya. Kaya ng makita niya ang pangalan ng tumatawag ay agad niyang sinagot ito.

"Hello, anong nangyari dyan bro?" Agad niyang tanong kay Brexx.

"Bro, nasa mga kamay ko na ang lahat ng information na kailangan natin. At ngayon din ay sinisigurado kung patatahimikin ko ang buong angkan ni Moran Salazar." Sagot nito. "Dyan, anong nangyari. Nalaman muna ba kung sino ang may gawa ng mga fake news about kay Sefh?" Tanong naman nito kay Greg.

"Oo, alam ko na kung sino ang nasa likod ng fake news bro. Pinagkakitaan nila nang malaki ang naturang balita. Pero, sinisigurado kung magbabayad din sila ng mahal sa pamilya natin." Anitong biglang nag-igting ang mga ngipin niya sa galit.

"That's good bro, by the way kaya ako napatawag ay meron akong gustong ipagawa sayo." Saad ni Brexx kay Greg.

"Okey! ano yun bro?" Tanong nito. "Ipapadala ko sayo through email ang kunting backround ng pamilya ni Moran Salazar na ama ni Vivian. Ikaw na ang bahalang magbigay ng information sa mga kakilala mong Advertising Company. Pero kunti lang ang ibibigay kung information." Anito kay Greg.

"Sige-sige bro." Sagot nito. Matapus nga silang mag-usap na magpinsan ay saka binalingan ni Greg ang taohan niya.

"Here, gusto ko sa lalong madaling panahon ay mawalan ng trabaho ang taong yann ipablock list mo rin siya sa lahat mga kumpanya dito sa Manila. At ang advertising company na pinagtratrabahuan niya ay gusto kung magsara sa lalong madaling panahon." Ma autoridad nitong utos sa kanyang taohan.

LOVE AND PAIN(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon