Chapter 10

27K 818 21
                                    

HALOS basagin ni Sefh ang lahat ng mahawakan niyang gamit sa loob ng kwarto niya matapus niya mapanood sa TV news ang balitang nalalapit di umano niyang engagement kay Vivian Salazar. At dahil sa takot ng kanyang ina ay tinawagan nito ang kuya ni Sefh na si Lexx maging ang iba nilang mga pinsan ay napasugud din.

"I will kill the person who made that bullshet news. I swear God, mapapatay ko." Anito sabay laklak niya ng alak sa buting hawak niya. Pawis na pawis na ito dahil sa pagwawala niya.

"Lexx, gumawa ka naman ng paraan para mapatahan mo ang kapatid mo. Natatakot ako, baka mapano ang kapatid mo." Halos makaawa ng kanilang ina kay Lexx. Kaya nayakap agad ito ng binata sa takot na mapano ang kanilang ina.

"Tita, don't worry. Hahanapin ko po ang taong nasa likod ng bullshet news na yan. Wala kaming pakialam kahit tanggalan kami ni lolo ng mana. Kung susuwayin namin siya sa kagustuhan niya. Hindi namin pinangarap na maikasal sa taong hindi namim mahal." Ani Greg. Aaminin nitong playboy nga siya pero hindi niya pinangarap maikasal sa babaeng hindi niya gusto at lalong-lalo ay hindi niya mahal. Kaya nga ng makita niya si Sarah ay hindi na niya ito pinakawalan pa. Dahil sa unang pagkakataon ay tumibok ang puso niya sa dalaga.

"Pinaimbistigahan ko na rin ang buong backround ng pamilya ni Moran Salazar. Wag lang talaga siya magkakamaling gumawa ng bagay na pagsisihan niya sa tanang buhay niya." Ang nakakuyom na saad ni Lexx sa mga ito.

"Kailangan natin magtulungan. Ayaw kung makita si Sefh ng ganyan. I know at ramdam kung mahal niya yung tinutukoy niyang si Cinderella." Sabat naman sa mga ito ni Wayn.

Ang pag-uusap nila ay biglang natigil ng lumabas si Sefh sa kwarto niya at pasuray-suray ito dahil sa kalasingan. Kaya mabilis itong tinakbo ni Aus mula sa hagdan upang wag ito mahulog.

"H-he-ey....I'm g-gey-tting e-eng-gaged w-with th-that b-bitch." Anitong nabubulol sa pagsasalita dahil sa kalasingan niya.

"Y-yasmiiiiin."

Ani Sefh at bigla naman nagkatinginan ang magpipinsan. Ang lahat ay nagtatanong ang mga mata kung sino si Yasmin.

"Cinderella, I'm g-getting e-engaged. Kaya ba h-hindi kana nagpakita kasi alam muna rin?" Kausap nito ang kawalan sabay kuha niya ulit ng alak na siyang naratnan ng kanyang ama na kasama ang pinsan nilang si Haide.

"Bro, enough. Lasing kana." Awat ng kuya niya sa kanya.

"H-hindi p-pah a-ako lash-sing k-kuya. T-tingnan mo." Anito sabay tayo niya ngunit muntik na siyang matumba mabuti na lang ay nahawakan agad ito ni Ryne at Brexx.

At dahil sa nakikita ni Brexx sa pinsan niya ay biglang nag-igting ang mga ngipin niya sa galit. Hindi naman makapagsalita si Haide dahil sa naratnan niyang kalagayan ng pinsan niyang si Sefh.

Dahil sa namumuong galit sa dibdib ni Brexx ay mabilis itong umalis at lumabas ng bahay. Agad nitong tinawagan ang mga taohan niya. Siya si Brexx Guerrero at wala itong sinasanto kahit sino. Wala itong takot pumatay kung kinakailangan. Ayaw niyang nakikita si Sefh na nasasaktan. Pinsan niya ito kaya handa niya itong tulungan. Aanhin niya ang lakas niya kung hindi niya magamit para sa taong kadugo niya.

"K-kung kai-lan, you feel in love with someone. Your in a complicated situation." Ani Sefh na tila nahimasmasan ng painumin ni Jaiden ng black coffee. "May-be, kaya ako tinakbuhan ni Yasmin dahil masasaktan lang siya sa akin kung nanatili siya." Anitong tila doon lang niya maiibsan ang sakit na nararamdaman sa pamamagitan ng pag-amin niya ng nararamdaman.

At dahil sa narinig ay biglang natutup ni Haide ang bibig. Sinasabi na nga ba niya e. Tama ang pakiramdam niya noong nakita niya si Yasmin.

"Sefh, may itatanong lang ako sayo ha." Ani Haide na agad lumuhod sa harapan ni Sefh sabay hawak niya ng magkabilang pisngi ng pinsan. Tumango naman ito bilang sagot kay Haide.

LOVE AND PAIN(Completed)Where stories live. Discover now