Chapter 13

25.7K 865 30
                                    

SUMAPIT ang araw ng paglipad ni Sefh patungong Italy. Bitbit nito ang dala niyang travelling bag habang pababa ng hagdan sa bahay ng magulang niya.

"Bro, gusto mong ihatid kita sa airport?" Ani Lexx sa kanya.

"Nhaaaaa...no need, bro." Sagot nito.

"Anak, mag-iingat ka." Boses ng kanilang ina na lumapit at niyakap si Sefh. Hindi alam ng kanilang ina kung bakit tila kinakabahan siya na ewan.

"Mom, three days lang po ako doon. Pagkatapus ng meeting namin ni Mr. Di Vaio ay babalik din po ako agad dito." Nakangiti nitong saad sa ina.

"Oh! siya umalis kana at baka malate ka sa flight mo." Anang kanyang ina. "Okey! Mom." Sagot nitong nakangiti.

Matapus makapagpaalam ni Sefh sa kanyang magulang at kapatid ay agad nitong tinungo ang kotse niya. Inilagay ni Sefh sa backseat ng sasakyan ang dala niyang gamit bago siya gumawi sa driver seat. At bago nito inistart ang sasakyan ay kinuha muna nito ang kwentas ni Yasmin na lagi niyang dala-dala.

"Kailan mo kaya ito babawiin, Cinderella?" Nakangiti nitong tanong habang hawak-hawak niya ang kwentas.

Makalipas ang ilang segundo ng buhayin niya ang makina ng sasakyan at pinatakbo ito. Habang nasa kamay niya ang kwentas ni Yasmin ay ngingiti-ngiti itong nakatuon ang mga mata daan.

Habang binabaybay ni Sefh ang daan patungong airport ay wala siyang kamalay-malay sa nangyayari sa likod niya. Dahil ang atensyon niya ay nakatuon lamang sa dinadaanan niya ay hindi nito nakita ang ilang sasakyang nasa likod niya ay inararo na pala ng isang six wheeler truck. Namalayan na lang ni Sefh na lumipad na ang kotse niya sa ere ng bumangga sa likod niya ang isang SUV. Dahil lakas ng pagkakasalpok ng SUV sa bumper ng kotse ni Sefh ay ito ang naging dahilan upang lumipad ang Nexus car nitong gamit sa ere. Bumagsak ang kotse ni Sefh sa relling ng highway bago ito bumaligtad.

"Yasmin."

Bago pinikit ni Sefh ang mga mata niya at nawalan ng malay tao ay ang mukha ni Yasmin ang tumatak sa isip niya. Ang maamo nitong mukha na kailan man ay hindi nabura sa kanyang alaala.

Dahil sa nangyaring aksidente ay mabilis naman rumispunde ang mga kinauukulan. Ang bawat sasakyang inararo ng six wheeler truck ay nagkapira-piraso ang mga ito. Kaya malabong may makita kang buhay sa mga sakay nito.

"Dito-dito, humihinga pa ito. Dalhin niyo dito ang stretcher." Anang isa sa mga rumispundi sa nangyari.

"Aivan Sefh Guerrero." Basa nila sa nakita nilang driver license. "Itawag niyo sa pamilya niya ang nangyari." Anang mga ito at maingat nilang inilabas sa sasakyan si Sefh. Maingat nila itong isinakay sa stretcher ng maalis nila sa loob ng sasakyan niya si Sefh bago nila isinakay sa ambulance.

Mabilis na itinakbo ng ambulance sa Guerrero hospital si Sefh. Nasa labas pa lang ng hospital e naroon na ang mga nurse na naghihintay. Ng maibaba ng mga ito ang stretcher na kinahihigaan ng walang malay taong si Sefh ay patakbo nila itong itinakbo sa loob ng emergency room.

"Sefh....," tawag ni Lexx sa kapatid niya ng makita niya itong naliligo sa dugo. "What happen?" Kalmado nitong tanong habang sinusuri niya ang kapatid.

"Sabi po ng mga police, doctor Guerrero ay meron daw ng isang six wheeler truck na nawalan ng preno at bawat sasakyan nasa unahan niya ay inararo niya at ang kotse ni sir Sefh ang isa sa mga sasakyang naararo nito." Paliwanag ng nurse.

Matapus masuri ni Lexx ang kalagayan ng kapatid niya ay agad nila isinagawa ang opirasyon. Kinakabahan man siya para sa kapatid ngunit dahil isa siyang doctor ay kailangan niyang maging kalmado.

Dahil sa nangyari ay napasugud sa hospital ang ama't ina ni Sefh. Maging ang mga pinsan nito ay napasugud din ng matanggap nila ang balita tungkol sa nangyari kay Sefh.

LOVE AND PAIN(Completed)Where stories live. Discover now