C h a p t e r 70: Everything will change

Start from the beginning
                                    

"Miss, yung seatbelt niya maluwag" tawag ko sa isang flight attendant.

"Uh, sir, ganyan lang po siya pero okay naman po yan" sabi niya tapos umalis na.

"Hindi talaga eh. Gusto mo palit na lang tayong upuan?" Tanong ko sa kaniya pero umiling lang siya.

"Di na oppa, hayaan mo na lang hehe. Hindi naman magtatumbling tong eroplano eh" sabi niya sabay ng pagdaan ng NCT.

"Hi noona!"

"Halloo Mark hihi! Hallo Taetae! Hallooo sa inyong lahat!" Masigla niyang sabi tapos si Taeyong inabutan siya ng madaming candy at umalis na sila.

"Bakit? Nahihilo ka ba?"

"Hindi hehe! Gusto ko lang talaga kumakain habang nasa eroplano"

"Eyy, dapat bumili tayo kanina. Kilalang kilala ka talaga niya noh?"

"Oo naman kabisado niya nga name ko eh! Ilang taon ako, saan ako nakatira, kilalang kilala talaga! Hehe kayo din naman diba?" Tumango na lang ako sa kaslowan niya. Nagsimula nang lumipad yung eroplano, hay, matagal tagal din na byahe to ah!

"Tulog ka muna, 19 hours pa ang byahe natin hanggang dun" pero pagtingin ko kay Frixie nahilik na. HAHAHAHAHA aigoooo~ isinandal ko na lang yung ulo niya saakin.

Mabuti na lang talaga at mabilis lang din nawala yung sakit niya, kasalanan ko naman kasi kung bakit siya nagkasakit eh. Tapos, si Jiyong, ilang araw na tumatambay sa labas ng bahay para makausap si Frixie. I feel bad, sila hyung ayaw siya ipakausap kasi baka daw masaktan si Frixie. Eh masaya nga daw siya para kay Jiyong at Nana eh, pero kahit na daw /iling-iling/ pero walang alam si Frixie about don dahil tuwing pupunta siya ineentertain nila ng sobra si Frixie.

Sila manager, pinagbawalan din muna kaming lumabas-labas kaya lahat kami nagstay lang sa bahay. Kung may bibilin sila manager na lang ang bumibili.

Yung mga kababata naman ni Frixie na sila Jeonghan, Junhui at Yixuan eh bumibisita din sa bahay. Syempre kasama si Dhen, pero si Taeyong lang talaga ang kulang sa kanila. Kaya kahit nasa bahay kami ang ingay-ingay namin dahil sa knila eh. Pero ang EXO, hindi pa ba maingay? HAHAHAHAHA

Paglipas ng dalawang oras, yung mga ilaw sa eroplano nagblink kaya ang dami nagsigising at tumayo sa upuan nila.

"Ano yun?" Tanong ni Minho sunbae sa likod ko. Nagkibit balikat ako dahil mismong ako walang alam. Gusto ko man tumayo pero si Frixie, magigising.

Nagulat ako at halos lahat kami eh! Ng biglang mag sibabaan yung mga oxygen mask. Mukhang hindi na maganda to ah.

"Nasaan ba yung flight attendant? Dapat gumagawa na sila ng paraan para iexplain saatin to." Sabi naman ni Siwon sunbaenim.

"Frix, Frixie! Gising ka muna saglit ah" minulat niya yung dalawa niyang mata tapos tumingin saakin.

"Bakit? May problema ba?"

"Hindi ko pa alam eh" sabi ko tapos hinawakan ko ng mahigpit yung kamay niya.

"Bakit naka baba yung mga oxygen mask? Oppa, anong nangyayari?" Natatakot niyang tanong.

"Wag kang mag-alala nandito naman ako eh" tumayo ako pero hawak ko yung kamay niya, sobrang higpit na ng hawak ko sa kaniya na parang ayoko ng bitawan.

"All passengers please back to your seats. I repeat all passengers back to your seats and wear your seatbelt. " hinatak ako ni Frixie pabalik sa upuan ko, sinuot ko yung seatbelt ko. Kasunod non ang paglabas ng mga flight attendants at chinecheck yung mga seatbelt namin. At bumalik din kung saan sila.

Tapos-- tapos biglang namatay lahat ng ilaw. Namatay at nagbukas, lahat ng ilaw ngayon nagbiblink na, karamihan sa mga babae sumisigaw yung iba nagagalit na kung anong problema at hindi sinasabi saamin.

Hindi ko malaman kung nananaginip ba ako o ano, yung mga sumunod na nangyari, biglang nakaramdam ako na para bang natanggal yung kaluluwa ko sa sarili kong katawan. We are falling.

Lahat ngayon ay nagsisigawan na, si Frixie, hindi ko makita yung mukha niya, pero hawak ko yung kamay niya.

"O-Oppa" humahagulgol na ng iyak si Frixie. Yung mga ilaw, patuloy pa din sa pag blink yung eroplano nahuhulog pa din.

"OH MY GOD!!!!!!" Sigaw sa di kalayuan saamin. Lahat ng tao ngayon, wala kang ibang maririnig sa kanila kung hindi sigaw, iyak. Nakakabingi.

"OPPA!!!!!" Biglang sigaw ni Frixie at yung pagkahawak ko sa kaniya biglang bumigat. Wala na siya sa upuan niya.

"FRIXIE!!!! WAG KANG BIBITAW KAHIT ANONG MANGYARI" sigaw ko, yung mata ko nag-iinit na, natatakot ako hindi para sa sarili ko pero para sa kaligtasan niya.

"OPPA!! HINDI KO NA KAYA," sigaw  niya habang humahagulgol parin ng iyak. Hinawakan ko siya ng sobrang higpit, dalawang kamay ko.

"FRIXIE!!" Sigaw ni Minho sunbae ng mapagtanto niya kung anong nangyayari. Sa sobrang lakas ng sigaw niya, at takot na takot, lahat sila kahit hindi maaninag dahil sa ilaw, nagsitinginan saamin. "SI FRIXIE!! WALA NA SA UPUAN NIYA!!" Malakas na sigaw nanaman ni Minho hyung. Lahat sila ngayon humahagulgol na, sila hyung naririnig kong sinisigaw ang pangalan ni Frixie. Si Taeyong, si Mark.

Nadagdagan pa ng biglang pagsabog ng gilid ng eroplano. Dahilan para magkaron ng butas ang eroplano.

"Oppa! Mian" nagulat ako ng biglang dumulas yung kamay ni Frixie sa pagkakahawak ko

"FRIXIE!!!!!! FRI-FRIXIE!!!!!!!!!!" Biglang namatay lahat ng ilaw kaya wala na akong makita, hanggang sa isang malakas na splash ng tubig. Bumagsak kami sa dagat, wala na siya, kasalanan ko ito.

-------

HI GUYS!! Omg kelm dewn! I miss you all!!!!! Sorry sa sobrang tagal na update ni author ha?? Tapos ngayon na nga lang ako nag-update, tragic pa huehue!

And may potterheads ba dito? May pinublish akong Harry Potter Fanfiction guys so kung gusto niyo basahin, basahin niyo hekhek! Sana suportahan niyo!

So ayun, Happy Christmas and Happy New Year! Sana masaya kayo! So, uhm, kamusta naman ang update ko?

Newest Member of EXO is a girl [EXO-FF]Where stories live. Discover now