SMMMR 50 ~ Suspect

Start from the beginning
                                    

I fished out my phone on my pocket at tinignan kung may message na si Margarette pero wala pa rin. Nakalagay naman yun sa sulat ko para sakanya ah.

Margarette Babes,

Hello babes *insert kaway ni Boyfie. Hehe* Unang una sa lahat, gusto kong mag-sorry sayo kasi umalis na kaagad kami. Biglaan kasi babes, sorry talaga. Mianhae :( . Alam ko namang mami-miss mo ang gwapo kong mukha at ang abs ko eh ;) joke, naiimagine ko na tuloy kaagad yung itsura mo ngayon. Masama na yung tingin mo sakin tapos ako naman, naka-pout nalang at nagpapacute sayo. Hehehe. Uy, wag ka masyadong magsusungit diyan ah? Stay good girl :) wag mo na ibalik yung pagiging masungit ha? Promise, babalik ako para sayo :) pero sa ngayon, i-message mo nalang ako dun sa ginawa kong fake account sa Facebook. Search mo nalang, Jimin ni Margarette . Yan yung name :) chat mo ko ah? Hehhehe. Support mo rin ako sa comeback ko :) sayang lang at dimo ako mapapanood ng live, pero para sayo lahat ng ipeperform ko :) i love you Margarette Babes. Wait for me :)

~Boyfriend mong gwapo na may abszxzx

Napatulo tuloy yung luha ko habang tinitignan ko yung letter ko para sakanya na pinicturan ko muna bago ko ibigay sakanya.

"Chim, okay ka lang?"

Umiling ako sa tanong ni Taehyung. Hindi ako okay.

"Bakit?"

Imbes na sagutin ang tanong niya ay tinanong ko siya ng isang tanong.

"Palagay mo ba, nakuha nila yung mga sulat natin?"

Natahimik siya. Nag-iisip.

"Palagay ko hindi."

Napalingon kami ni Tae kay Yoongi hyung.

"Nung nilagay natin Taehyung yung box sa tapat ng bahay nila Elle, nakita kong nagtatago sa gilid si Cody. Binalewala ko nalang pero malakas ang kutob ko na may ginawa silang kagaguhan." Cold nitong sabi kaya napaisip din kami.

"Oo hyung, nakita ko rin si Aaron dun sa katabing bahay nila Mhargot eh. Palagay niyo?" Pagsingit ni Kookie sa usapan.

"Anong palagay?"

"Palagay niyo, kinuha nila yung boxes?"

Oh. Fck them.

"Kookie, may kopya ka ba nung letter mo kay Mhargot?" Tanong ni Hobi hyung at tumango naman si Kookie.

"Patingin." Sabi nito.

"Bakit hyung?"

"Baka kinopya mo yung akin eh."

"Grabe ka hyung." May kung ani siyang pinindot at binigay niya yung phone niya kay Hobi hyung.

Nakitingin nalang din ako at nakita kong sulat yun ni Kookie kay Mhargot na nakalagay pa sa notes niya.

Mhargot na mataba,

Hoy. Aalis na ko. Balik na kong Korea. Alam ko namang mami-miss mo ko eh. Wala na kasing manlilibre sayo no? K. Bye. JOKE! Mhargot, alam mong mamimiss kita ng sobra sobra. Eh sa magkalayo ba naman tayo pero hayaan mo, gagawin ko ang lahat para makita kita ulit. Napanood mo na siguro yung For You na MV namin no? Ganun. I'll work hard para makita kita ulit at para makaipon na ako para sa future natin ;) saranghae, jagi.

Kookie

"Wow! Ang galing." Nasabi ni Hoseok hyung. "Pero mas maganda sakin. Hehehe."

Anilyn koooo!

안녕! Naiintindihan mo naman na yan no? Siyempre tinuruan kita ;) . Yiiiee, kilig na yaaaaan. Wag masyadong kiligin, wala ako diyan para pakalmahin ka :( . Hays, wala na ko diyan. Mag-iingat ka palagi ha? Wag papagutom. Hehehehe. Saranghaeyooooo. Mwa!

Love,
Hobieu! Mwa mwa!

"Oh diba, nakakakilig?"

Napatango nalang kami kahit na hindi naman kami kinilig. Bakit, kami ba si Anilyn para kiligin?

"Pero paano nga mga hyung kapag hindi nila natanggap?" Naiinis na tanong ni Kookie.

"Isa lang ang solusyon diyan." Halos mapatalon naman kami sa gulat nang biglang magsalita ulit si Yoongi hyung.

"Ano naman hyung?"

"Tawagan natin sila."

×××××

Update! :)
Happy Birthday sa aking bebe elyen mah lab so swit KIM TAEHYUNG. HOHOHOHO. OMOOOOOOOOOOOO. SARANGHAAAAAE OPPPAAAAAAA

Save Me, My Miss Right • 방탄소년단 Where stories live. Discover now