Chapter 25: Reality

Comenzar desde el principio
                                    

"Okay ka lang ba? bakit parang may tinatago ka sakin?" tanong ko sakanya. Pero hindi naman siya sumasagot, nakatingin lang siya ng deretsyo sa mga mata ko pero bakit ganun parang ang lungkot lungkot talaga ng presensya niya sakin? Hinawakan niya yung dalawang kamay ko at pinipindot pindot ito.


"Mahal na mahal talaga kita andrea" sabi niya habang pinipindot ang mga palad ko.


"Eh ano nga yon kenneth?" tanong ko, naguguluhan na ako kaya yung boses ko parang naiinis na. Tumingin siya sakin at niyakap ako ng mahigpit. Nilapit niya yung mukha niya sakin at dahan-dahan akong hinalikan. Dinikit niya yung bibig niya at ang tagal lang magkadikit ang bibig namin hanggang sa maramdaman kong ang lalim ng buntong hininga niya, inilayo niya na yung bibig niya sakin at saka tumungo ulit. Yung halik na yun, may kakaiba sa halik na yon. Tumayo mga balahibo ko at ramdam na ramdam ng katawan ko. Natahimik muli ng ilang segundo. Nakatingin lang ako sa kawalan at tumingin sakanya. Ngayon ay nakatulala lang ako sakanya habang siya naman nakatungo lang.


"Andrea" napalingon kami pareho ni kenneth at nakita namin si mama na binubuksan yung pinto. Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa kama at binuksan ng tuluyan yung pinto.


"Ma, bakit po?" tinignan ako ni mama at tinignan kung nasan si kenneth.


"Okay ka lang? hindi ka na bumaba pagkatapos natin kumain"


"Huh? Hindi pa naman talaga ako bumababa ma, nagulat nga ako andito si kenneth pagkagising ko" nakita kong napatingin ulit si mama kay kenneth bago magsalita


"Ay oo nga baka nga nagkamali lang ako. Sige bumaba na kayo ni kenneth at mag meryenda" napatingin ako kay kenneth at yung tingin niya kay tita parang kakaiba, pinagmamasdan niya lang eto hanggang sa makababa na kami. Kumain kami ni kenneth at si mario at mama naman lumabas, mag gogrocery daw. Tahimik lang kami pareho, iniisip ko pa din yung dapat sasabihin niya. Inaantay ko na siya ang unang magsalita tungkol sa sasabihin niya kaya lang wala pa din talagang lumalabas sa bibig niya na kahit ano. Pumunta ako sa ref at kumuha ng tubig, Binuksan ko yung freezer at walang kalaman laman kundi dalawang yelo at isang lalagyanan ng ice cream na isda lang naman yung laman paasa. Pero may mga bakas ng chocolate dito na namuo na sa sobrang tigas.


"Bakit may mga mantsa ng tsokolate dito sa freezer namin?" sabi ko habang kinakapa yung mga tsokolate.


"May tatlong natirang ice candy diyan kanina tas kinain namin ni mario" ice candy?


"Bakit hindi niyo ako binigyan?" andaya ng mga to, ansarap sarap kaya ng ice candy tapos hindi nila ako binibigyan.


"Tinirhan ka namin ng isa, ewan ko kung bakit wala ng natira. Baka kinuha din ni mario yung isa hehe" sabi niya habang nakatingin lang sa pagkain niya. Kumuha na ako ng tubig at lumapit na sakanya, tahimik na naman siya. Nakakabinge na din. Pinagmamasdan ko lang siya at parang ayaw niya tumingin sakin. Magsasalita na sana ulit ako para magtanong kaya lang bigla akong may naamoy na kakaiba, ang baho ah! Napatapik ako sa ilong ko at siya nakatungo pa din.


"Umutot ka ba kenneth?!" bahong-baho na tanong ko.


"Oo" seryoso niyang sagot. Seryoso lang siya pero hindi ko napigilang tumawa. Tinapik ko siya ng lakas


"PFFFT. Seryoso ka pa talagang sumagot. Ang baho kenneth HAHAHAHAHA" sumakit na tiyan ko kakatawa hanggang sa hindi nagtagal, tumawa na din siya ng tumawa. Pagkatapos nun bumalik na ulit siya sa pagkaseryoso at tumingin na siya sa mga mata ko.


"Sorry kung nagiging weird mga kinikilos ko netong mga nakakaraan, natatakot lang ako mawala ka" ayan na naman yung linyang yan.


"Bakit ba takot na takot kang mawala ako eh lagi lang naman ako nandito, hindi naman ako nagkakagusto at magkakagusto sa iba? Ano bang kinakatakot mo?" niyakap niya ulit ako ng mahigpit atsaka nagsalita habang nakatapat yung bibig niya sa tenga ko.


"Sorry. Babawi ako promise" 



KENNETH'S POV

Bago ako umuwi galing kayla andrea, tineks ko si tita para pumunta sa bahay. At dun kinausap ko silang dalawa ni tita. Dala-dala pa ni tita yung mga pinang grocery niya at si mario naman nakipaglaro muna kay cyrus sa taas. Nakaupo kaming tatlo sa sala, alas otso na ng gabi yun. Kakauwi lang ni daddy galing trabaho kaya tinawag siya ni mama para tabihan siya. Nagtataka silang tatlo kung ano yung dahilan kung bakit gusto ko silang makausap. Nag-antay muna ako ng tiyempo bago tuluyang ikwento sakanila ang tunay na dahilan kung bakit iba ang kinikilos ko netong mga nakaraang araw.


"Hindi ko po alam kung paniniwalaan ko pero ayun po talaga yung nakita ko, natatakot akong sabihin sakanya kase baka iwanan niya lang ako at layuan" malungkot kong sinasabi habang si mama at daddy naman gulat na gulat at si tita parang alam na niya. Tahimik lang siya.


"Tita? hindi po ba kayo naniniwala sakin? Mahal na mahal ko po yung anak niyo pero sana wag niyo po tong ipaalam sakanya" nag iiba na yung tono ng boses ko pero pinipigilan ko pa ding maluha.


"Matagal ko ng alam yan kenneth, wala akong pinagsasabihan. Ako at ang asawa ko lang ang nakakaalam. Nangako kaming hindi to sasabihin sa iba, hindi kami naniniwala na mangyayare yun sakanya. Mas mabuti pang wag nalang natin sabihin para hindi na lumalala" matagal ng alam ni tita? tahimik lang kami pagkatapos niyang magsalita. Pero paano niya natitiis yun? Napagdesisyunan naming apat na wag na ulit pag-uusapan yon at bumalik nalang ulit sa dati ang lahat.

730 Days with Andrea SantosDonde viven las historias. Descúbrelo ahora