"Aba, oo naman."sagot ko sa kaniya. Inihatid na nila kami sa labas kung nasaan ang sasakyan ni Charles.

Muli kaming nagpaalam at saka tuluyan nang umalis.

Ilang oras ang tinahak namin bago kami nakarating sa airport, iniuwi na ni manong ang sasakyan ni Charles. Naalala niyo ba na may helicopter sila Charles? Ayaw niya doon, gusto niya raw sa eroplano para may makasalamuha kaming ibang tao.

Sumakay na kami ng eroplano.

"Happy birthday bae."nakangiting bati ko sa kaniya nang maupo na kami.

"Akala ko, hindi mo na naalala eh."umiiling na sagot niya. Sinapo ko ang magkabilang pisngi niya at iniharap sa akin. Ngumuso ako ng bahagya.

"Ano, ayaw mo?"kunwaring dismayang sabi ko. Ngumisi lang saka ako hinalikan. Ilang sandali pa at bumitiw ako.

"Bakit?"takang tanong niya.

"May bata, nakatingin sa'tin."sagot ko. Nakita naman niya ang bata. May kinuha si Charles mula sa ilalim.

"Ano 'yan?"tanong ko. Hindi niya ako sinagot at hinalikang muli, saka itinaklob ang blanket. Ang tibay diba? Laging may paraan.

Ilang sandali pa ay tumigil narin kami.

"Uhaw na uhaw ka ba?"natatawang tanong ko sa kaniya.

"Oo. Isang linggo rin akong hindi nakahalik sa'yo ng ganito."nakangising sagot niya.

Makalipas ang isa't kalahating oras...

"Waaah. Ang ganda pala dito."manghang sambit ko nang makababa ng eroplano.

"Anong nangyayari don?"takang tanong ni Charles, mukhang may nangyayari sa di kalayuan. Inaninag ko rin ito. Ang daming tao eh, tapos mukhang maingay.

"Ano kaya 'yon?"tanong ko rin.

"Baka kung ano lang 'yon."sambit nalang ni Charles, at nagpatuloy nalang kami sa paglalakad.

Hanggang sa...

"Hulihin niyo 'yon!"

"Takbo!"

"AAAAAHHHHHHH!"

Sigawan nila, napansin ko nalang na may tumatakbong lalaki. Saka, may mga pulis.

THIRD PERSON'S POV

Hindi na pinansin nila Charles ang kaguluhan, bagkus ay naglakad na sila papunta sa loob.

Nang biglang...

BANG!

"Mahal ko...mahal ko..."gising ni Charles kay Camille. Natumba ito dahil sa tama ng bala. Siya ang tinamaan. Mabilis na kumalat ang dugo.

"Tumawag kayo ng ambulansyaaaa!"galit na sigaw ni Charles. Hindi na nito alam kung ano ang gagawin niya. 

Ilang sandali pa at dumating na ang ambulansya, isinakay na nito si Camille kasama si Charles.

"Mahal ko, gumising ka..."pagmamakaawa ni Charles habang taban ang kamay ni Camille na ngayon ay nakalatay sa higaan.

"Sana hindi nalang tayo pumunta dito..."sambit pa ni Charles, at sa pagkakataong ito ay tumulo na ang mga luha niya.

Ilang sandali pa at nakarating na sila sa ospital. Naunang bumaba si Charles sumunod ang mga nurse at ibinaba na si Camille.

Hanggang sa...

"Saan niyo 'ko dadalhin?"gulat na tanong ni Charles nang may tumaban sa kaniya na dalawang tigasin na lalaki.

Isinakay siya sa sasakyan ng dalawang lalaki at pinaamoy ng pampatulog.

--

"Saan niyo 'ko dadalhin?! Kailangan kong puntahan ang girlfriend ko! Anong kailangan niyo sa'kin?!"galit na sigaw ni Charles habang nakapiring ang mga mata.

Tinanggal na ng mga lalaki ang kaniyang piring sa mata at...

CHARLES' POV

"HAPPY BIRTHDAY CHARLES!"

Para akong statwa ngayon, nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa kanila. Lalong-lalo na kay Camille. Hindi ko maintindihan.

"Happy Birthday Bae Ko."nakangiting bati sa akin ni Camille saka ako dinampian ng halik sa labi. Hindi parin ako makapagreact.

"Happy Birthday Brad."

"Happy Birthday Captain.

"Hapoy Birthday Charles."

Sunod-sunod na bati nila sa akin.

"Bae, huy."tawag sa akin ni Camille. Tinatapik-tapik niya ang pisngi ko.

Hinawakan ko ang magkabilang braso niya at sinuri siya.

"Ayos ka na ba?"tanong ko sa kaniya.

"Oo naman. Wala akong sakit o kung ano man."nakangiting sagot niya sa akin.

"Eh...ano 'yong kanina?"tanong ko sa kaniya. Hinila niya ako at pinaupo sa upuan. Lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan ang dalawang kamay ko.

"Bae, 'yong mga nakita mo kanina, plinano ko ang lahat ng 'yon. Plinano namin ng mga kaibigan mo."sagot niya.

Bumalik na ako sa huwisyo ko, nakahinga na ako ng maluwag. Dahil hindi totoo ang mga nangyari kay Camille.

Niyakap ko siya. "Thank you mahal ko."pasalamat ko sa kaniya.


THE END.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 26, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDWhere stories live. Discover now