One year ago, napagdesisyonan na umalis ni Milliseth at mag-ibang bansa. Hindi nagtagal ay umalis rin si Lawrence.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
--
Kinabukasan...
INAT
INAT
INAT
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pagmumukha ni Charles sa tabi ko. Nakatagilid ito at para bang model kung makapose. Nakangiti pa sa akin.
"Gulat na gulat ka sa gwapo kong mukha ah?"pagyayabang nito, pero hindi ako nagsasalita. Syempre, kakagising ko lang. Wala pang toothbrush. Dalawang taon nang ganiyan ang ginagawa ni Charles. Tuwing magigising ako sa umaga ay nandito na siya, ayos na ayos na, handa nang pumasok. Samantalang ako, gulo-gulo ang buhok, may muta pa, at siyempre bad breath pa. Noong una sobrang hiyang-hiya ako sa kaniya, ngayon kaunting hiya nalang.
Akma niya akong hahalikan pero pinigilan ko siya. Sumenyas ako ng hindi. Tumayo na kaagad ako at pumunta sa cr.
"Hintayin mo 'ko, maliligo lang ako. May kiss ka sa'kin mamaya."sambit ko sa kaniya at ini-lock na ang pintuan, saka naligo na.
Bago pa man ako lumabas ng tuluyan, sinilip ko muna kung nandoon si Charles. At nang makita kong wala ay lumabas na ako.
Ang higaan ko ay ayos na ayos na, niligpit na niya.
"Ayos na ba ang mga gamit mo?"tanong sa akin ni papa.
Tumango ako. "Opo."sagot ko. Tuluyan na akong bumaba, naabutan ko sa sala sina Charles at Cholo na nanonood ng tv. Nakataas pa ang mga paa.
"Andito na pala ang mahal ko."nakangiting sambit ni Charles nang makita akong pababa ng hagdan. Tumayo na ito at lumapit sa akin. Humalik sa pisngi, saka kinuha ang mga gamit ko.
Pupunta kami ngayon ng Cebu, mamamasyal muna ng kaming dalawa lang.