"And now, the valedictorian, with the average of 98.54. Camille Ocampo!"anunsyo ni Ms. Bas. Nagpalakpakan muli ang mga tao, tumayo na si Camille at pumunta sa entablado kasama ang kaniyang mga magulang. Dito na tuluyang bumuhos ang luha ng kaniyang ina.
"Unang-una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa ating Panginoon. Maraming salamat po sa lahat ng ito. Kung hindi po dahil sa gabay ninyo, hindi ko matatahak ang daan patungo sa tagumpay na inaasam ko. Gayon din sa aking mga guro na walang sawang nagtuturo sa amin para maintindihan at mai-apply sa aming pang-araw-araw na buhay ang mga leksyon na inyong itinuturo. Sa aking mga magulang na talagang sinuportahan ako sa mga hakbang na ginagawa ko, at nagbibigay ng pangaral sa akin. Sa aking mga kaibigan, mga kaklase, sa inyong lahat, maraming salamat. At ang isa pang tao na hindi ko pupwedeng malimutan, ang aking kaagapay sa kahit anong bagay. Na nagsilbing inspirasyon sa akin. Charles Andrada, bae ko, maraming salamat sa'yo. Maraming nagtatanong kung bakit ang perpekto ko raw, ang talino ko, ano raw ba ang ginagawa ko. Ang sagot ko naman, matalino ho ako, pero hindi ako perpektong tao. Matalino ako, pero slow ako pagdating sa ilang mga bagay. Ilang minuto muna bago ko matumpok ang sagot. Huwag lang susuko. May nagsasabi rin na, ba't daw sila ang bobo, mahina ang utak, samantalang ako matalino. Ang nais ko lang sabihin, lahat ng tao sa mundo, o ma pa hayop man ay may sariling talino. May utak tayo. Hindi lang natin pinapagana o ginagamit ng maayos, subukan lang ng subukan at lalabas din ang talinong inaasam niyo. Magsipag, huwag sumuko, manalig sa Panginoon, makinig sa payo na makabubuti sa iyo. Sa mga nagtatanong din kung paano namin napagsasabay ang pag-aaral at lovelife. Hindi naman masamang magkaroon ng lovelife, basta't alam natin ang tamang gawin ay puwedeng-puwede. Puwede natin silang makabonding sa pag-aaral, at sa paraang iyon ay matututo pa tayo. Kung mahina ang isa sa ganitong bagay ay puwedeng turuan ang isa. Magtakda kayo ng goal na aabutin niyo, sa gayon ay sabay kayong magsisikap. Walang iwanan. Iyon lamang po at maraming salamat. Para sa inyo ang mga natanggap kong ito."mahabang salita ni Camille na talagang pinakinggan ng maraming tao, lalo na ng mga estudyante. Nagpalakpakang muli ang mga tao.
CAMILLE'S POV
"Wah. Ang sarap sa pakiramdam na graduate na tayo ng high school."sambit ko kay Charles habang naglalakad palabas ng hotel, magkahawak kami ng kamay.
"Oo nga. Saka mahal ko, ang ganda ng speech mo. Tumatak sa isip at puso ng maraming tao."bahagyang ngiting sagot ni Charles. Bago pa man silang tuluyan na makaalis, binati pa sila ng mga guro at iba pang estudyante.
"Lawrenceeeee!"malakas kong tawag saka nagtatakbo papalapit sa kaniya.
"Congrats!"masiglang bati ni Lawrence.
"Salamat."nakangiting sagot ko.
"Valedictorian ka na naman ah."sambit pa niya. Ngumiti lang ako.
"Brad!"tuon ni Lawrence kay Charles ng makita ito. "Congrats din sa'yo."sambit nito.
"Salamat."sagot ni Charles. Nagkuwentuhan muna kami hanggang sa...
"Ba!"rinig naming sambit ng isang babae mula sa di kalayuan, tumatakbo ito papalapit dito.
"Wow. What's the meaning of this?"nasambit ko nalang nang makalapit rito ang babae. Si Milliseth.
Hinawakan ni Lawrence ang kamay ni Milliseth. "Kami na."nakangiting sagot nito.
"Oy!"rinig naming sambit nina Nadine, James, at Sky. Lumapit sila rito sa amin.
"Kayo na?"tanong ni James kina Lawrence. Tumango naman ang dalawa. Hindi kami makapaniwala na silang dalawa na. Nagkuwentuhan pa kami, saka sila inaya na kumain sa labas.
ESTÁS LEYENDO
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Novela JuvenilDate created: September 2016 ©Bianczx
EPILOGUE
Comenzar desde el principio
