"Excited na ako!"masiglang sambit ni Camille habang nakayakap sa tagiliran ni Charles.
"Excited ka nang pakasalan kita?"pagbibiro ni Charles. Tumigil sa paglalakad si Camille, saka binatukan ng mahina si Charles.
"Ang ibig kong sabihin, sa graduation."umiiling na sagot ni Camille. Nginitian lang siya ni Charles, saka niyakap.
"Edi pagkatapos ng graduation saka kita pakakasalan."hindi parin tumigil si Charles.
"Hay nako bae."sambit nalang ni Camille.
"I love you."pahabol pa ni Charles. Bumitaw na siya mula sa pagkakayakap kay Camille, saka sila sabay na pumasok sa loob ng hotel.
"Before we begin this ceremony, let me remind you to turn your cell phones to silent mode and be courteous around you. The Williams Academy 2014 Graduate Commencement Exercises are about to begin..."panimula ni Ms. Quintos. Ang lahat ay nanatiling nakaupo at tahimik na nakikinig.
"Ladies and gentlemen, will you please stand for the academic procession."pagpapatuloy ni Ms. Quintos. Isa-isa nang tinawag ang pangalan ng mga graduates. Nagpatuloy na ang programa ukol sa pagkasunod-sunod nito.
Habang patagal ng patagal, nagiging kabado na ang mga estudyante, kung sila ba ay mabibilang sa mga honor students.
"It has been said that the quality of person’s life is in direct proportion to his or her commitment to his excellence, which results to the sweetest fruit of their success, AWARDS..."ito na ang pinakahihintay ng lahat. Isa-isa nang binanggit ang pangalan ng mga estudyanteng may awards.
(Credits to the owner ^^^ kinuha ko lang sa google 'yang lines na 'yan sa itaas. About sa graduation.)
"Bago ko tawagin ang ating valedictorian at salutatorian, nais kong magbahagi ng mensahe tungkol sa dalawang ito. At sana ay ma-inspire kayo."pagpuputol ng panandalian ni Ms. Bas.
"Ang ating valedictorian at salutatorian ay may koneksyon sa isa't-isa, noong una ang akala ko ay makasasama sa kanilang pag-aaral, ngunit nagkamali ako. Maganda pala ang maidudulot nito. Silang dalawa ay talagang nagsikap, binibigyan nila ng tamang oras ang pag-aaral, at ang pag-iibigan. Hindi mo makikita sa kanila na magkasintahan sila sa loob ng paaralan, para lang silang magkaibigan. Silang dalawa ay nagtutulungan sa pag-aaral. Hindi katulad ng iba na, wala nang pakialam kung ano na ang nangyayari sa grado nila, puro lovelife nalang. Talagang humanga ako sa dalawang ito. Hindi naman sila nabigo, at nakuha nila ang puwestong nararapat sa kanila at ang inaasam nila."mahabang mensahe ni Ms. Bas.
"The salutatorian this year, with the average of 96.33. Is....Charles Andrada!"anunsyo ni Ms. Bas. Nagpalakpakan ang mga tao at ang ibang estudyante ay naghiyawan. Tumayo na si Charles mula sa kaniyang kinauupuan at pumunta sa entablado kasama ang kaniyang mga magulang.
"Nagpapasalamat ako sa Panginoon at sa taong kasama ko sa loob ng tatlong taon na talagang nakatulong sa akin. Kahit ako ay nagulat sa aking sarili, dahil hindi naman talaga ako ganitong klaseng estudyante. Dati rati ay okay na sa akin ang makapasa, pero ang lahat ng 'yon ay nagbago. Inaasam ko na makakuha ako ng line of 9 sa lahat ng subject. Pinagpursigi ako ng taong ito na magsipag sa pag-aaral, ginawa ko naman. Dahil kahit ako ay humanga sa kaniya, dahil talagang masipag siya. Nagpapasalamat din ako sa mga gurong nagturo sa amin, sa mga magulang ko na sumuporta sa akin. Sa taong tumulong sa akin, Camille Ocampo. Mahal ko, maraming salamat."mahabang mensahe ni Charles.
"Magpursigi ka kung gusto mong makamit ang inaasam mo. Para sa inyo ang mga natanggap kong ito. Maraming salamat."dagdag pa nito saka ito nagbow. Nagpalakpakan ang mga tao.
BINABASA MO ANG
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Teen FictionDate created: September 2016 ©Bianczx
EPILOGUE
Magsimula sa umpisa
