CHAPTER 28

12.7K 304 33
                                    


If My Life Were A Day

You are the moment before the sun sinks into the horizon. The transient
light__the ephemeral hues set against
the fading,

Until I am left only with the moon to refract your light. And in your absence, the stars to guide me__like a cosmic runway__steadily into the dark.

Hi guys! Kamusta na kayo? Pasensiya at ngayon lang ang update:) please vote and comment! Hindi ko na papatagalin pa enjoy! :)
______________________________________

Ruby:

Minulat ko ang aking mga mata at nasa madilim na lugar ako na hindi ko alam.

"Huh? Pakawalan niyo ko!" Nakagapos ang aking mga kamay sa upuan habang nakaupo. Nagiba din ang aking damit na di ko makita dahil sa dilim ng paligid.


"Pakawalan niyo ako!" Paulit ulit kong pagsisigaw habang pilit na kinakalagan ang sarili.


"Ang ingay mo naman Ms. Beautiful." Tining ng isang lalaki at kitang kita ko na papalapit ito sakin.



"Sino ka?! Anong kailangan niyo sakin?! Ano bang atraso ko sainyo? Pakawalan niyo ko!" Nagsisigaw ako hanggang sa mapagod ako.


"Wala kang atraso sakin Ms. Beautiful. Pero sa amo ko meron." Sabi nito.



Amo? Ibig sabihin pinlanong kidnapin ako? Sino naman?



"Wala akong pakialam sa amo mo! Ang sabi ko pakawalan mo ako! Hindi mo ba ako kilala?! Kaya ko kayong ipakulong kahit ang amo mo!"



"He he masiyado na po kayong maingay Ms. Beautiful baka dumating na ang big boss namin."




"Wala akong pakialam! Pakawalan niyo ako!"




Maya maya pa ay may dumating pang 3 lalaki na hindi din maaninag ang mga mukha dahil sa dilim ng lugar.



"Caloy gising na pala ang magandang bisita natin nako matutuwa si Big boss niyan." Sabi ng isang lalaki.




"Ang ingay nga ni Mam Beautiful e kanina pa kayo naman ang mag bantay dito Fred. Ikaw Samuel sumama ka sakin at may ipapagawa pa si Big boss satin." Sabi ng nag ngangalang caloy.



Sumunod naman ang isang lalaki dito at natira ang dalawa.


Lumapit ang isa.




"Hi Mam wag po kayo matakot hindi naman kami masama e napagutusan lang. Ako pala si Fred at ito si Bryan." Sabay turo sa isa pang lalaking kasama niya.




Seeking for Revenge | Book3[Under Editing] ✔Where stories live. Discover now