CHAPTER 13

12.5K 389 26
                                    

"Hi baby tara na sa kuwarto may ipapakita ako sayo." Mapang-akit na sabi ni Lucy.

Kakauwi ko lang galing trabaho at talagang pagod ako. Si Megan naman ay kasalukuyang nakatira sa condo ko doon na daw muna siya dahil gusto niyang mag-isa.

"Kumain ka naba?"

"Yes nagdinner na ako kasama si Nikko yung kaibigan ko." Sabi ko.

Ngunit ang totoo niyan ay pumunta ako sa bahay ni Ruby at nasa labas lamang ako ilang oras din akong nakatambay habang nasa loob ng sasakyan ko ngunit walang lumalabas na tao at bukas lamang ang ilaw.


"Okay tara na dali." Hila niya sakin.


Sumunod naman ako sakanya habang hinihila niya ako at tuluyan na kaming pumasok sa kuwarto.

Puro ilaw ng kandila, mga pulang petals ng bulaklak ang nakakalat at isang romantic music na pinapatugtog niya.

Namangha naman ako sa ganda ng ayos ng kuwarto.

"Gusto mo ba ulit kumain?" Malambing na boses niya. At bigla na lamang niya akong hinalikan sa leeg ko habang naghuhubad siya ng manipis niyang damit at tumambad sakin ang maganda niyang pangangatawan.

"Touch it." Sabi niya at inilagay ang kamay ko sa dalawang malulusog na dibdib niya.

Bigla na lamang nag flash ulit sa isip ko ang mukha ni Ruby. Ang katawan niya ang magaganda niyang legs ang mahubog niyang bewang at balakang ang malusog niyang kayamanan. Ang makinis at maputi niyang balat.

"What's wrong?" Tanong sakin ni Lucy ng pigilan ko siya at di sinasadyang naitulak.

"Magbihis kana hindi pa ako handa Lucy."

"My God Jacob! Until now? Ang tagal na natin pero wala paring nangyayare satin. Ano ba? Kailan mo ba mabibigay ang pangangailangan ko?!"


"Hindi sa ganon. Hindi pa tayo kasal." Palusot ko nalang sakanya.

"Oh oo nga pala kasal ka pa nga sa malandi mong asawa."

Naginit ang ulo ko sa sinabi niya kay Ruby.

"What? Pakiulit ng sabi mo?" Malalim at malamig kong sabi habang nakatingin sakanya ng masama.

"Ano? Sasaktan mo ako? Bakit mahal mo paba ha?! Tell me!"

Sununtok ko ang pader sa sobrang galit ko ng mga oras na yon.

"Tell me! Wag mo akong talikuran!"


"Shut up!" Sigaw ko sakanya at padabog na lumabas ng kuwarto.

Kinuha ko ang susi sa bulsa ko susi ito ng master bed room ang dating kuwarto namin ni Ruby.

Pagkapasok ko ay dala dala ko nadin ang baso at alak at nagpagdesisyunan kong uminom.

Umiinom ako ng alak habang nakatitig lamang sa napakaganda niyang litrato na nakadikit sa pader na malapit sa kama. Ito din ang litrato na dala dala ko sa condo ni Nikko at ng magkaayos kami noon ni Ruby ay dinala ko ulit dito.

"Bakit ikaw parin?"

Kausap ko ang litrato niya.

"Bakit sayo padin tumitibok ito?" Sabay turo ko sa dibdib ko.


"Iniwan mo na ako at niloko mo pinaasa lahat na ginawa mo pero bakit ikaw parin ang laman nito?"

Hindi ko namalayan na nakapasok na pala sa loob si Lucy at nakita at narinig niya lahat.

Seeking for Revenge | Book3[Under Editing] ✔Where stories live. Discover now