CHAPTER 16

13.1K 335 4
                                    


Ruby:

Nasa mansiyon na ako ngayon ni Jacob nakatira kasama ang anak namin pati narin si Jen. Kinuha ko talaga siya dahil mapagkakatiwalaan siya para kay Gavin.




"What?! Kuya wag mong sasabihin na papaalisin mo ng ganon ganon nalang si Lucy dito? Sinakripisyo niya ang lahat lahat kuya para sayo. Magising ka naman sana iniwan niya ang marangyang buhay niya sa States para sumama sayo dito sa pilipinas!" Saad ni Megan na ngayon ay nakikipagtalo kay Jacob dahil sa paaalisin na nito si Lucy sa mansiyon at pababalikin sa American.




Ako naman ay kasalukuyang nakatayo sa likod ni Jacob habang hawak ko ang anak ko kaya naman ay napagdesisyunan ko ng ibigay muna ito kay Jen para makapagpahinga narin.




"Hindi mo naiintindihan Megan, at hindi mo maiintindihan. Paulit ulit nalang ba tayo dito? Akala ko ba pumapayag kana ngayon Lucy?" Sabay tingin niya kay Lucy na kasalukuyang nagpapatulong kay Megan para hindi siya mapauwi ng America.





"Kuya naman wala namang ginawa sayong masama si Lucy. Ate Ruby? Ano nanaman ba to? Parawarin mo ako kung mapangahas man ang sasabihin ko pero iniwan at pinaglaruan mo lang si Kuya. Hindi kaba naaawa sakanya? Sisirain mo nanaman ba ang buhay ng kapatid ko? Hindi na ako makakapayag pa ate dahil ako na ang makakaharap mo."





"Shut up Megan! Wala kang alam! Wag na wag mong pagsasalitaan ng ganyan ang asawa ko kung ayaw mong magkalimutan na tayo!" Galit na galit na si Jacob kaya naman ay napahawak na ako sa balikat niya.




"Totoo naman Jacob diba? Niloko ka ng babaeng yan! Pinaglaruan niya ang puso mo! At ako? Nasa tabi mo ako noong mga panahong halos mamatay kana! Ipinaglaban kita kay Daddy kahit pa ayaw niya sayo dahil may asawa kana! Lahat Jacob iniwan ko para sayo! Kahit ang sarili kong ama! Tapos ano? Ganto ganto nalang ba lahat ng yon? Jacob mahal kita. Mahal na mahal kita at handa akong higitan pa ang pagmamahal na nabibigay sayo ni Ruby." Humahagulgol na iyak ni Lucy.




"Tignan mo kuya?! Gumising kana! Hindi ka parin nadadala!"





"Putang ina sabi ko tumahimik ka! Kapatid lang kita Megan at kayang kaya kitang kalimutan ngayon! Wala akong pagsisisihan sa desisyon ko ngayon dahil pinili ko lang ang kasiyahan ko! Hindi kayo ang magdidikta sa puso ko! Akala ko ba Lucy malinaw na sayo? Hindi ko kayang ibigay sayo ang pagmamahal na hinihinge mo. Please wag mong sayangin sakin ang pagmamahal mo."







"No no no Jacob hindi padin ako susuko sayo. Alam kong matututunan mo din akong mahalin. Hindi man ngayon pero darating din ang araw na yon. Aalis ako Jacob pero babalikan kita at aagawin kita sa babaeng yan!"






Akmang susugurin na sana ni Lucy si Ruby ng pigilan ito ni Jacob at maitulak dahilan upang mapaupo ito sa sahig.



"Ano ba kuya?! Huwag mo siyang saktan!"



Inalalayan agad ni Megan si Lucy para makatayo ng itulak naman ni Lucy ito.



"Isa kapa! Alam kong nagkukunyare ka lang! Kakampi mo naman yang si Ruby e! Bibibida mo pa nga sakin dati yan! Magsama kayong magkapatid! Mga walang hiya kayo! Niloko niyo lang ako! Pinaglaruan niyo ako!"





"Hindi totoo yan ate." At sinampal ni Ruby ng malakas si Megan dahilan para mapasandal ito sa pader.





Sasampalin pa ulit niya ito ng hawakan ko ang kamay niya.




"Wag na wag mo siyang sasaktan! Kung walang hiya kami anong tawag sayo! Hindi kaba nahihiya Jan sa sarili mo na mismong kapatid ni Jacob ang pinagbubuhatan mo ng kamay?! Ang kapal din ng apog mo ano?! Ayaw na nga sayo ng asawa ko pinagsisiksikan mo pa yang sarili mo!" Sabi ko sakanya sabay tulak sakanya palabas ng mansiyon.






"Bitawan mo ko! Ang kapal ng mukha mong agawin sakin si Jacob! Makakatikim ka talaga sakin!"




Sinampal niya ako ng malakas dahilan para mapatakbo si Jacob sa gawi naming dalawa. Pinigilan ko naman agad ito.




"Binabawi ko lang ang sakin! Asawa ko siya kaya ako lang ang may karapatan sakanya!" Sinampal ko din siya ng mga asawang sampal. Aba napaka taray din pala ng Lucy nato kanina pa ako nag titimpi sa pagkamataray niya. Hinding hindi ko na mapapalagpas ang pangaakit niya kagabi sa asawa ko kaya ako na mismo ang magpapalayas sakanya.

...

(Flashback)

Pinapatulog ko na si Gavin dito sa nursery room niya. At ng makatulog na to ay nagpasiya na akong dalawin ang asawa ko sa library room dahil sigurado akong pagod na pagod na ito sa trabaho kaya naman ay gumawa na ako ng meryenda niya.




Naabutan kong nakaawang ang pintuan ng library niya kaya naman dahan dahan ko munang inilapag ang tray sa mesa na nasa labas nito at dahan dahan akong pumasok sa loob.





Madilim ang buong library kaya nagpasiya akong pindutin ang switch ng ilaw. Laking gulat ko ng makita ang isang babaeng nakapatong sa asawa ko habang hinahalikan niya ito. Walang kamalay Malay si Jacob na halatang malalim ang tulog.




"Walang hiya ka! Pagkatapos kong maging mabait sayo at pakiusapan si Jacob na dito ka muna pansamantala ganito ang igaganti mo?!" Sabi ko sabay hawak ng buhok niya palayo sa asawa ko.




Nagising bigla si Jacob ng makarinig ng nag aaway at nagbabasag sa loob ng library niya. Puro vase ang nabasag ng mga oras na yon.




"Ruby Lucy tama na yan! Ano bang ginagawa niyo!"




"Ang walang hiyang to nakita kong hinahalikan ka habang natutulog ka!" Sabi ko sabay sabunot muli kay Lucy at gunantihan niya ako.





"Ikaw ang walang hiya Ruby mang aagaw ka! Inagaw mo ang dapat at sakin!"





"Tumigil na kayo!" Sabay hawak ni Jacob sa bewang ko para magkahiwalay na kaming dalawa.





"Tama na Lucy! Sino ang nagsabi sayong pwede mong galitin ang reyna ko! Sinong nagsabi sayong pwede mong saktan ang reyna ko?! Wala! Kaya bukas na bukas din aalis kana sa mansiyon ko! Uuwi kana ng America!"

Sigaw ni Jacob kay Lucy at dahilan para magtatakbo ito papalabas ng kuwarto habang umiiyak.




"Okay ka lang ba wife?" Tanong sakin ni Jacob habang sunusuri ang buong katawan ko kung may natanggap akong pasa o galos.


Tumango na lamang ako sakanya.



Bigla na lamang itong nag smirked na nakakaloko.





"Anong nginingisi ngisi mo diyan?! Masaya kaba na nakikipagaway ako?"




"No hindi yon. Masaya lang ako na pinagdadamot mo ako my Wife." Sabay halik niya sakin at ginantihan ko naman iyon.





"Mahal na mahal kita Ruby at walang sinumang babae ang puwedeng makasira ng pagmamahal ko sayo." Iyon ang huli niyang sabi bago ako tuluyang hinalikan sa mga labi ko.





(End of flashback)




"Umalis kana." Huling sabi ko hanggang sa tuluyan na siyang umalis si Jacob naman ay nakahawak lamang sa kanang kamay ko.






________

Seeking for Revenge | Book3[Under Editing] ✔Where stories live. Discover now