CHAPTER 9

11.8K 374 33
                                    

Ruby:

Ilang araw ko ng pinapahirapan si Jacob at tila di padin ito tumitigil sa ginagawa niya.

Tinawagan ko si Jane na ibigay sakin ang lahat lahat na mga papeles na dapat ay gagawin pa sa susunod na linggo. Ipapagawa ko lahat kay Jacob yon dahil ayokong makitang nakaupo ito at gusto kong nahihirapan ito.


"What Ma'am?" Tila nagulat pa ito.


"May reklamo kaba?" Tanong ko sakanya.


"Ahm Ma'am hindi po kakayanin ni S-sir I mean Mr. Aguierre to dahil isang linggo pa ang kakailanganin para matapos anv lahat ng files na to."




"3 araw dapat tapos na siya. I need that as soon as possible. Wala akong pake kung mag overtime siya naiintindihan mo ba?"



"Y-yes Ma'am."


Ibinaba ko na ang tawag at pinatawag ko si Jacob.


Agad naman itong pumasok sa loob ng office ko at nakangiti.



"Wag mo akong ngitian make me some coffee." Pagkasabi ko ay bumalik na ang atensiyon ko sa laptop ko.


Agad naman siyang sumunod at pinagtimpla ako.


"Oh Mr. Aguierre i forgot ayoko na pala ng kape, bilhan mo naman ako ng tea sa *****shop."



Kinuha niya ang kape at tumango sakin ngumiti parin siya at umalis na para ikuha ako ng tea.



Maya maya pa ay dumating na siya at inilapag na ito sa mesa.


Ininom ko to...



"What's this?!"


Nagulat siya sa naging reaksiyon ko.



"Bakit mo pinalagyan ng gatas tong tea? Tanga kaba? Hindi ako umiinom niyan!" Pagkasabi ko ay itinapon ko sa harapan niya ang baso at nabasa naman ng tea ang pantalon niya. Wala akong pake naiinis ako ng mga oras na yon.



"Im sorry hindi ko kasi alam ang tea na gusto mo." Katwiran niya at saka kumuha na ng panlinis pati mop at sinimulan niyang linisin ito.




"Ano pabang alam mo? E wala ka naman atang ibang alam! Please get out! May mga files ka na dapat tapusin umalis ka sa harapan ko!" Pagtataboy ko sakanya.


Tumango naman ito at tsaka umalis na ng opisina. Kitang kita ko ang ginagawa nila sa labas habang tinted naman ito kaya di nila ako nakikita sa loob.



Nakita kong inisa isa na ni Jacob ang mga papers at talagang tambak ito.



6pm na at nagsipaguwian na ang iba habang si Jacob ay nakatutok padin sa ginagawa niya.


Lumabas na ako ng pinto at tumingin siya sakin habang nakangiti.


Inirapan ko naman siya sabay sabing
"Mag overtime ka hindi kapa pwedeng umuwi hanggat di mo nagtatapos ang 1st batch."

5 batch lahat yon at sa sobrang dami ay nakaka 1st batch lang muna siya sa mga papel.



Iniwan ko na siya at tinungo na ang kotse ko sa parking lot.


Sumakay na agad ako at pinaandar ng mabilis ang kotse ko.



...

Kinaumagahan ay nakita ko nanaman siya sa kusina ko at nagluluto.


Seeking for Revenge | Book3[Under Editing] ✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora