CHAPTER 24

11.3K 247 8
                                    

Ruby:

Nagbangka pa kami sa kabilang isla dahil may nakapagsabing nakita daw nila si Iscah na may kasamang lalaki. Sino naman kaya yon? Nagaalala na si Tata at maging ang asawa ko.



Binilisan ni Tata at ni Jacob ang pagsasagwan hanggang sa makarating na kami sa nasabing Isla. Dahil sa bilog at malaki ang buwan ay hindi naman ganon kadilim bagkus ay may nakita pa kaming apoy don banda sa nasabing isla kaya naman napag alaman naming may tao dito.



Naunang bumaba si tata at inalalayan naman ako ng asawa ko. Binuhat ako nito sa may bewang ko at dahan dahang ibinaba.



"Iscah? Apo asan kana? Nandito na si Lolo." Sigaw ni Tata. Mapuno ang Isla na to na parang isang malaking oasis.




"Iscah?"



"Iscah?" Paghahanap naming lahat.




Maya maya lamang ang nakarinig kami ng sigaw.




"Tulong!"





"Tulungan niyo ko!" Boses babae ito at di ako nagkakamali dahil sariling boses ni Iscah yon kaya naman napatakbo kami upang hanapin siya. Hindi binitawan ng asawa ko ang kamay ko habang magkasama kaming tumatakbo. Nauna naman samin si tata at nakasunod kami.



Maya maya pa ay...




"Anong ginagawa mo?! Bitiwan mo siya hayop ka!" Sinuntok ng malakas ni Jacob ang isang lalaking nakapatong kay Iscah na halatang may gagawing masama dito. Agad namang inalalayan ni Tata ang apo at tinulungan ko din ito habang siya ay iyak lamang ng iyak.




"Hayop ka itong dapat sayo!" Suntok at sipa ang natamo ng lalaki kay Jacob.




"Tama na! Siya naman ang sumama sakin eh bakit kaba nagagalit? Kasintahan kaba niya?!" Sabay ngisi ng lalaki.



Nag-igting ang panga ni Jacob at lumamig ang mga tingin nito.




"Anong sinabi mo!" Nako ang asawa ko ngayon ko lang ito nakitang galit na galit at mukha siyang papatay ng tao.



Tumawa ang lalaki..



Nag init ang ulo ni Jacob kaya pinag sususuntok niya ito ng walang kalaban laban.





Duguan na ang lalaki at nawalan ito ng malay. Maya maya pa ay may dumating na tulong samin ito ang kaninang kausap ni Tata bago kami umalis. Kaya naman ay dinampot na ng mga ito ang lalaki na wala paring malay dala ng malalakas na suntok ni Jacob.



"Jacob!" Agad na tumakbo si Iscah sa asawa ko at niyakap ito habang umiiyak.



Hinawakan naman ni Jacob ang mga pisnge nito.




"Bakit ka sumama sa lalaking yan ha? Hindi mo ba alam na kamuntikan ka ng mapahamak? Pano nalang kung hindi kami dumating? Pano kung wala ako? Iscah naman alagaan mo ang sarili mo! Wag kang sumama sa mga taong hindi mo lubos na kilala." Pag aalala ng asawa ko.



Umiyak lamang ito at yumakap ulit kay Jacob.



"Shhh tama na nandito na ako ligtas kana." Pag papatahan ng asawa ko habang nakayakap din ito.




Ako naman at si Tata ay pinapanood lang sila.





"Tara na uwi na tayo." Sabi ni Jacob at akay akay padin niya si Iscah.





Nasa bangka na kami at katahimikan lamang ang namayani dito at tanging dagat at hangin lamang ang maririnig sa bawat katahimikan.





Ako naman ay hindi na pinansin ang asawa ko. Bakit ba? Sobra sobrang concern naman niya sa babaeng to at ngayon nakayakap padin sakanya si Iscah wow lang parang walang asawa ah kung makayakap ang babaeng to nasarapan ata.





Nakasimangot ako buong byahe namin pabalik at si Jacob naman ay nakatingin sakin alam kong ramdam niya ito kaya iniirapan ko lamang siya.




Ng kami ay makarating na ay agad kong hinawakan ang asawa ko sa kabilang braso nito habang ang malanding babaeng yun ay nasa kabila at nakayakap padin tila na magnet na ata at ayaw himiwalay sa asawa ko kaya agad ko ng hinila to dahilan para mapabitaw siya at mapatingin sakin.





Ako naman ay nag taas na ng kilay sakanya dahil sobrang pagkainis ko dito. Naramdaman naman ito ni tata kaya nagsalita na ito.





"Maraming salamat talaga Jacob malaki ang utang na loob ko sayo. Pwede na kayong umuwi ng asawa mo ako ng bahala dito sa apo ko alam kong pagod na kayo."





"Walang anuman ho tata basta tawagan niyo lang ako nasa resort lang naman po kami ng misis ko makakaasa po kayo palagi."





"Aalis na kayo? Pano kung balikan niya ako? Jacob natatakot ako please wag kana muna umuwi sa bahay ka nalang matulog." Wow nag salita na ang takot na takot na si Iscah. If i know nag dadrama dramahan nalang to.





"Iha wag kang mag alala andito ang lolo hindi kita pababayaan. Pagpahingahin mo na sila."





"Ayoko! Dito ka lang Jacob! Wag mo ako iwan natatakot ako." Sabay yakap sa asawa ko dahilan para mapabitaw ako dito ng pagkakahawak sa braso niya.




Ang kapal talaga nakakarami na siya.





"Iscah tama ang sinabi ng lolo mo di ka niya pababayaan tsaka kelangan din namin magpahingang mag ASAWA." sabi ko at talagang pinagdidiinan ko na ang asawa dahil sa kapal ng mukha niya.




"Bakit? Si Jacob lang naman ang pinapatulog ko sa bahay namin. Umuwi kana hindi ka kasama." Sabi nito. Wow ah mapapamura kana sa inis dapat sana nalate kami konti para narape nato e nakakainis na kasi.





"Shhh Iscah uuwi muna ang kuya Jacob kailangan din kasi namin magpahinga mag asawa wag ka mag alala bibisitahin kita bukas ng umaga." Sabi ng asawa ko.





"Ayoko! Hindi ka naman marunong tumupad eh."





Napakamot na lamang sa ulo ang asawa ko habang nakayakap padin sakanya ang babaeng yon. Ako naman ay sasabog na talaga sa sobrang inis.





"Apo ano ba? Wag ka ngang madamot kailangan nga nilang mag pahinga tara na at malalim na ang gabi." Medyo naiinis na ang tata sa inaakto ng apo niya.





"Kahit anong sabihin niyo ayoko! Kay Jacob lang ako sasama." Nag init ang tenga ko at akmang sasabog na ako ng hawakan ako ng asawa ko sa kamay ko upang mapakalma ako. Saglit kaming nag titigan at mukhang alam ko na ang mangyayare.
Dahan dahang tinanggal ni Jacob ang pagkakayakap ni Iscah at humarap ito sakin.




Mukhang may sasabihin ito at alam ko na.





"Wife?"





"Tigilan mo ako sa kakawife mo. Ano pabang magagawa ko? Basta kinabukasan alam mo na." Sabi ko at umirap ako dito.





...

Ang ending ay napagkasunduan na matutulog na muna si Iscah sa resort kung san ang kuwarto naming mag asawa. Malaki ang kwarto naming mag asawa at may isa pang pintuan na kwarto din kaya don na muna siya sa maliit na silid.

Seeking for Revenge | Book3[Under Editing] ✔Where stories live. Discover now