CHAPTER 10

12.5K 313 19
                                    

"Pano naman ako Ruby? Ano bang kalokohan to? Ginamit mo lang ako!"


Galit na galit si Arthur ng makipaghiwalay ako sakanya.



"Sorry Arthur hindi ko na kayang lokohin ka at pati narin ang sarili ko. Mahal na mahal ko padin ang asawa ko."




"Pagkatapos ano? Iiwan mo ako? Itatapon na parang basura? Pagkatapos ng lahat Ruby! Pagkatapos kitang tulungan itatapon mo nalang ako basta basta?!"




Umiiyak na ako ng sandaling yon. Ayokong lokohin pa si Arthur dahil mahal ko padin si Jacob.




"Ano?! Wag mo akong iyakan! Magsalita ka!"




"Arthur nasasaktan ako!"





"Talagang masasaktan ka! Makakatikim ka sakin!"





"Bitawan mo ako!"




Kinaladkad niya ako papasok ng kuwarto.



"Bitawan mo sabi ako eh! Hindi kita mahal!"




"Pagkatapos ng gagawin ko sayo mamahalin mo na ako!"




"Hayop ka!"



Tumawa siya ng malakas na malakas.




"Oo hayop talaga ako!"




"Aray!"



Iginapos niya ang dalawang kamay ko. Kinuha niya ang sinturon niya at saka ihinagpas sakin.



"Etong sayo!"


Puro latay ang katawan ko.



"Maawa ka! Tama na yang ginagawa mo!"




"Hindi ka nagtatanda etong sayo!"



Isang napakalakas na paghagpas ng sinturon ang pinakawalan niya.




"Hayop ka! Wala kang puso! Hindi ko akalaing ganyan ka kademonyo!"



Tumawa pa siya ng malakas na parang nababaliw.



"Hahahahah! Demonyo talaga ako Ruby kaya kung ayaw mong patayin ko si Jacob sumunod ka sa mga sasabihin ko!"




"Walang hiya ka! Napakawalang hiya mo!"




"Etong sayo!"




"Ahhhhhh! Tama na hindi ko na kaya."



Puro galos at latay na ang buong katawan ko. Nanghihina na ako at nanginginig na ang buong katawan ko.





Maya maya pa may kinontact si Arthur sa phone niya.



"Magpaalam kana sa lalaki mo! Hahahahaha!"




"Hayop ka! Wag mong sasaktan si Jacob!"




"Hahaha madali lang naman ako kausap Ruby. Iiwan mo siya o papatayin ko siya? Mamili ka!"




Isang malakas na suntok sa sikmura ko ang pinakawalan niya. Hinang hina na ang katawan ko at nagsimula ng kumawala ang mga luha ko.




"Ano?! Magsalita ka!"




"Wag mo siyang sasaktan. Sasama na ako sayo."



Hirap na hirap na akong magsalita ng mga oras na yon.


"Napagsasabihan ka din pala pinagirapan mo pa ang sarili mo." Sabi niya na malumanay na ang tinig.



Seeking for Revenge | Book3[Under Editing] ✔Where stories live. Discover now