CHAPTER 15

14.3K 387 13
                                    


Lucy:

"Baby ano ba? Kausapin mo ako."



"Not now Lucy."


Bigla na lamang nanlamig sakin si Jacob. Hindi naman ako masamang tao sadyang mahal ko siya kaya nagkakaganto ako ngunit tila nagbago na siya ang pakikitungo niya sakin.



"Ganyan kaba Jacob? Dadalhin mo ako dito para mag relax at sabi mo sakin babawi ka pero ano? Anong ginagawa mo sakin ngayon?"



Maiiyak na ako sa sakit na ginagawa sakin ni Jacob. Naguguluhan ako kung ano nga ba ako para sakanya.



"Ano? Di kaba talaga magsasalita? Kinakausap kita Jacob ang unfair mo alam mo yon?"




"Lucy please let's not take about it for now."



Tumayo na si Jacob at akmang lalabas ng kuwarto namin ng pigilan ko siya.




"Ano aalis ka? Iiwan mo ako dito? Jacob I'm your fiance iparamdam mo naman sakin na kahit minsan mahalaga ako sayo yung totoong halaga."



Nilingon niya ako at lumapit sakin habang tuluyan ng nagsipaglaglagan ang mga luha ko.



"I'm sorry Lucy but i don't think na kaya ko siyang mawala. Mahal ko padin si Ruby."



Sinampal ko siya sa sobrang sakit ng binitawan niyang salita.




"Ang sama mo! You used me! You're fucking liar!"



"No Lucy i tried so hard na maibigay sayo ang pagmamahal na gusto mo. I know na unfair ako pero hindi ko pwedeng dayain ito." Sabay turo niya sa dibdib niya. "Siya padin talaga Lucy I'm sorry."




"I hate you! I hate you! Ang sama mo! Paano naman ako?! Ako ang kasama mo ng mga panahong halos mabaliw ka sa pagiwan sayo ng babaeng yon. How dare you Jacob?!"





"I'm sorry." Iyon na lamang ang huli niyang sinabi at tuluyan na niya akong iniwan.



•••

Ruby:

"Jen bilisan mo na sa pag'eempake aalis na tayo."




"Mam sayang naman po ang 2 araw pa na pag stay natin dito kung aalis na agad tayo." Malungkot na sabi ni Jen.



Busy ako ngayon sa pag aayos sa anak kong si Gav dahil maya maya ay magccheck out na kami sa hotel.




Ng biglang...




Knocking...



"Jen hawakan mo muna si Gav baka nandiyan na yung pinatawag kong housekeeper." Sabay dahan dahan kong pinakarga ang anak ko kay Jen.





Pag bukas ko ng pinto ay tila napako ako sa kinatatayuan ko. Di ko alam ang mararamdaman ko ng mga oras na yon. Halo halong emosiyon ito. Pananabik, pagmamahal at nandun narin ang sakit na dulot ng nalaman ko kani-kanina lamang.




"Anong ginagawa mo dito Jacob?"




Mapanuyong titig lamang ang ginanti niya sakin ng mga oras na yon.




"Kung wala ka ng sasabihin pwede ka ng umalis." Akmang isasara ko na ang pinto ng pigilan niya ito.





"What?" Iritableng sabi ko.





Seeking for Revenge | Book3[Under Editing] ✔Where stories live. Discover now