CHAPTER 23

11.2K 280 4
                                    


Ruby:

"Jacob eto oh dinala ko talaga para sayo yan para hindi ka magutom gawa ni Tata yan." Sabi ni Iscah at may maliit na parang lunch box na iniabot sa asawa ko. Kasalukuyan na kaming nasa plaza at nag sasayawan nagiinuman at nagkakasayahan na ang mga tao dito.




"Nako nag abala kapa maraming salamat pakisabi kay tata." Tugon ng asawa ko. Tila na oout of place nanaman ako sa dalawa kaya nawawalan na ako ng gana at parang gusto ko ng umuwi. Ngunit di maaari dahil baka anong gawin ng babaeng to sa asawa ko mahirap na.





"Wife okay ka lang? Nagugutom kaba ulit? Tara ibibili kita ng pagkain." Pukaw sakin ng asawa ko.





"No. I'm okay. Mag enjoy ka lang dito lang ako." Sabi ko sabay upo ko sa upuan.




"No hindi kita pwedeng iwan alam mo namang ikaw lang ang pinag titinginan ng mga kalalakihan dito. Suotin mo nga to." Hinubad niya ang polo long sleeve niya na kulay puti at isinuot sakin. May pagkapossesive din kasi ang asawa ko at alam kong pinagdadamot niya ako. Ngayon ay nakasando nalang si Jacob at nakashorts.




"Tara Jacob sayaw tayo!" Hinila siya ni Iscah para makipagsayaw.





Hinawakan ko naman ang kamay ni Jacob.




"Dito lang ang asawa ko." Mariin kong sabi.




"Ah Iscah hindi din kasi ako marunong sumayaw at hindi ko pwede iwan si Sirena ko dito madaming Shokoy na nagtatangka eh." Loko talaga tong asawa ko.




"Ano ba yan payagan mo na kasi Ruby hindi ko naman aahasin ang asawa mo." Wow for the first time tinawag akong Ruby ng higad na to.




"Narinig mo naman ang sinabi ng asawa ko diba?" Pinandiinan ko talaga ang asawa aba naiinis nako eh bakit ba?




"Eh bakit natatakot kaba maagaw ang asawa mo e sasayaw lang naman kami." Aba nag hahamon pa ah makakatikim na talaga to sakin.





"No Iscah hindi yan ang iniisip ng ate Ruby mo at nag aalala din ako sakanya kaya ayoko siyang iwan dito ang daming nag iinuman oh. Tsaka di ka niya pinagseselosan wag kang mag alala parang kapatid na ang turing ko sayo." Sabi ng asawa ko na bahagyang ikinalungkot ng mga mata ni Iscah at tuloy tuloy na nag walk out na sa harap namin.




Napahinga naman siya ng malalim.




"Jacob." Pukaw ko sakanya.





"Yes my Wife?"






"I think she likes you. Hindi kuya ang tingin niya sayo. The way she act infront of you the way she talk." Halatadong halatado naman kasi.





"I know Wife hindi naman ako manhid but little sis lang talaga ang turing ko sakanya at alam mo naman nakakulong kana dito sa puso ko." At nag smirked siya sakin. Wow pampakilig ba to? Well galing naman kasi magpakilig ng asawa ko.




"Ang guwapo mo naman kasi halos lahat na ata ng babae dito nakatingin sayo." E halos lahat naman kasi nag papapansin sakanya.





"Wala naman akong pake sakanila e di ka nila malalagpasan." Nakatingin lamang ito sakin at talagang naaakit na ako.




Maya maya pa ay may lumapit na ngang isang babae. Naka black swimsuit ito at maputi mukhang dayo lang sa lugar nato.




"Hi handsome want to join me?" Wow ang liberated alam na ngang may kasama nilalandi pa jusko disperada si ate.





"Don't you see I'm with my Wife. Umalis kana kung ayaw mong masira lang ang itsura mo I'm warning you di mo magugustuhan magalit ang asawa ko." Tila namutla ang babae sa sinabi ng asawa ko. E tama naman talaga umisa pa siya at mahahanap niya ang hinahanap niya.




Ng makabawi ito ay hindi pa umalis at nag salita pa.





"Bakit? Ano bang gagawin sakin ng asawa mo sweetheart?" Sabay dikit niya ng malalaking dibdib niya sa asawa ko. Wow ang kapal talaga ng mukha e mas di hamak na maganda at sexy ako sakanya kaya di siya papansinin ni Jacob.





Tumayo na ako para mag pantay kami ng babaeng malanding to. Kung pagandahan lang naman ang labanan anong laban niya sakin? Partida nakapolo pa ako at agaw pansin padin ako sa mga kalalakihan dito.(sobrang ganda naman kasi talaga ni Ruby mga readers.) Hinubad ko ang polo longsleeve na puti ng asawa ko at humarap ako sakanya. Sinadya kong iharap ang umbok at mayayaman kong dibdib sa babaeng malanding to.





"I'm excuse me ang init na kasi pakiulit ulit yung sinabi mo?" Tanong ko sakanya at mukhang namangha siya sa angking kagandahan ko haha dapat lang kung bitch ka mas bitch ako sayo.






"I warned you kanina pa." Maloko lokong pag kasabi ng asawa ko na tila hinihintay kung anong magaganap samin ng malanding babaeng to.




Hinila ko ang asawa ko.





"Hey bitch look." Pilit na pinaparealized ko sakanya ang katayuan naming dalawa kung pagandahan lang ang labanan.




"Now tell me bakit hindi ka pinansin ng asawa ko? And bakit di ka man lang tinapunan ng tingin? Hindi kaba attractive like me dear? Kawawa ka naman kailangan mo pang mag paretoke ng lagay na yan pero di mo padin mapantayan ang tunay na kagandahan." Sarkastiko kong sabi. Ang babae naman ay halata ang pagkakapahiya at galit sa mukha dahil namumula na ito.





Napangisi naman ang asawa ko na mukhang enjoy na enjoy akong panoorin sa pagtataray ko. Well hindi pa tapos.





"Oh bat di ka makapagsalita? Umurong naba ang dila mo? Kanina lang todo talak ka diyan ahh." Sabi ko ng akmang sasampalin niya ako at hinawakan koto at ako mismo ang sumampal sakanya dahilan para mapaupo siya.




Tawa lang ng tawa si Jacob na tila hindi na kinayanan ang pagpipigil nito. Nakuha naman namin ang pansin ng iba at nakatingin na ito samin habang pinagtatawanan ang babae.






"Diyan ka nababagay! Wag ka magkakamali dahil di mo magugustuhan kung pano ako magalit." Pag didiin ko. At tila namutla siya at tumayo tsaka nagtatakbo paalis habang umiiyak dahil narin siguro sa pagpapaiyak ko.





"Tapos na ang palabas umalis na kayo." Pagbubugaw ng asawa ko sa mga taong nanonood sadyang suplado to sa iba kaya naman kinatatakutan ng nakararami.





"Wife grabe natakot sayo haha ang lakas mo." Loko to di ko alam kung nang aasar pa o ano e.




"Alam mo namang ayokong may lumalandi sayo." Nakasimangot kong sabi.




"Shhh kita mo naman diba di ko nga tiningnan kahit isang sulyap lang." Totoo naman ang sinabi ng asawa ko at natuwa ako don.




...

Lumalalim na ang gabi at dumating si Tata jose hinahanap ang apo niya.




"Iho tulungan mo naman ako kanina ko pa hinahanap si Iscah pero hindi ko siya mahagilap."




Nagaalala na si Jacob at tumayo.




"Tara iho hanapin na natin lumalalim na ang gabi."





"Sige ho tata."



Lumingon sakin si Jacob.




"Wife bumalik kana sa resort hindi makakabuti sayo na mag puyat pa at kami na ang bahala okay?"





"No sasama ako." Pagmamaktol ko.





"Hay Wife makinig ka naman sakin."





"Sasama nga ako sa ayaw at sa gusto mo tapos!" Sabi ko at napahilamos na lamang si Jacob sa mukha niya.




"Okay let's go." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko na parang ayaw niya akong mawala.

Seeking for Revenge | Book3[Under Editing] ✔Where stories live. Discover now