CHAPTER 20

12.3K 271 10
                                    

Ruby:

"Hi Sofie kamusta naman kayo? Hindi ba makulit si Gavin?"



"Nako okay na okay lang kami nakikipaglaro na siya kila Adam at Eve nako tuwang tuwa nga ang mga bata e ang cute naman kasi ni baby Gav."




"Mabuti naman kung ganon pwede ikiss mo nalang ako kay babay Gav? Pati narin kila Adam at Eve. Tell them na may pasalubong ako." Masayang sabi ko. Panatag naman ang loob ko dahil mapagkakatiwalaan naman sila Sofie at Nikko.



...

Pinatay ko na ang tawag at amoy na amoy ko ang mabangong breakfast namin ni Jacob nasa veranda kami ngayon ng resort at kasalukuyang kumakain ng umagahan. Tanaw na tanaw mo pa ang aliwalas at alon ng tubig.




"You wanna go there Wife?" Tanong ni Jacob sabay turo sa mga nag susurfing. Sa totoo lang ay gustong gusto ko din matutunan yun.



"Okay lang ba?" Tanong ko.





"Sure pagkatapos natin kumain." Masayang sagot niya.



Ng matapos na kami ay isinuot ko na ang pang surf ko pati si Jacob.


Tuwang tuwa akong pinagmamasdan ang mga taong nagsusurf at mga nag tuturo nito.




"Jacob?" Tinig ng isang babae kaya naman napalingon kami ng asawa ko.



Kumunot pa ang noo ni Jacob na tila inaalala kung sino ang morenang babaeng tumawag sakanya.



Maganda ito. Chinita at kayumanggi ang balat na pantay na pantay. Maganda din ang hubog ng katawan at balangkinitan. Tansiya ko ay nasa 20 ang edad nito na mas bata sakin dahil 27 na ako at si Jacob naman ay 34.





"Excuse me?" Tanong ng asawa ko.





"Oh my God ikaw nga!" Nag tatalon ang babae sa tuwa at niyakap ang asawa ko.




"Hey calm down don't touch me okay? I don't know you." Pagtataboy ng asawa ko.




"Hindi mo talaga ako makikilala kasi bata pa ako ng manggaling ka dito for business purpose. 13 lang ako non at that time!"


So 27 pala ang asawa ko ng makilala siya nito.




"Okay but I still don't know you." Pagsusuplado ng asawa ko.





"Ako to si iscah remember? Yung batang naging tour guide niyo dati dito sa boracay kasama ko pa si tata jose."




Napakunot noo ulit ang asawa ko at tila inaalala ang mga nangyare.




"Ohhh Iscah? Yung batang sunog? Of course I know you! I remember you! And pati si tata Jose kamusta kana? Kamusta si tata? Dalaga kana ah!"




"Alam mo Jacob okay na sana yung pang alala mo sakin pero sunog talaga? Grabe ah medyo pumuti na ako ngayon noh kita mo naman."





Tumawa ng malakas si Jacob halatang inaasar niya ito noon pa man.





"Haha oo na maputi kana ng konti." Pangloloko nito.




"Grabe ka talaga sakin ang sama mo! Porket mas gumwapo ka ah!" Hinagpas naman siya nito sa dibdib at tila mga bata kung mag harutan.




Tumikhim naman ako. Ano yun maoop lang ako dito? No way. Sabay silang napalingon sakin.





"Sino siya?" Tanong ng babae sakin.






Seeking for Revenge | Book3[Under Editing] ✔Où les histoires vivent. Découvrez maintenant