CHAPTER 18

13K 367 2
                                    

Ruby:

"Mam LQ kayo ni sir noong isang linggo noh? Nahihiya lang ako magtanong he he." Eto talagang si Jen ang daldal.




Natawa na lamang ako sakanya well feeling teenager lang ang peg ko.





"Mam pewede po ba ako mag paalam uuwi po kasi ako ng Bulacan magbibirthday na po kasi si Nana" (ang tawag niya sa ina niya.)





"Sure okay kelan ba ang alis mo?"





"Bukas po mam ng umaga he he kung ayos lang po?"





"Oo naman pakisabi kay Nana happy birthday ha o eto kunin mo na to regalo ko." Kinuha ko ang wallet ko at inabutan ko siya ng pera.




"Nako mam nasspoiled niyo na ako niyan ah."





"Di para sayo yan bumili ka ng regalo para sa ina mo." Sabi ko.





"Syempre joke lang mam para sakanya talaga to he he maraming salamat po."





"Osiya mag ligpit kana at papaliguan ko muna si Gav."





Hawak ko ang anak ko at dahan dahan na akong umakyat para paliguan siya. Nasa opisina ngayon si Jacob at balik na muli kami sa dati.

...

Maya maya pa ay natapos ko ng paliguan si Gav ng biglang mag ring ang phone ko.





Ring Ring!!!....

"Hello?"



"Hello Ruby si Sofie to kamusta na?"





"Hi okay naman Sofie grabe tagal din natin di nakapagusap ahh kamusta kana?! Sina Adam at Eve? Miss ko na sila."





"Ayun sumama sa dad nila nasa opisina nanggugulo eto naman kasing si Nikko e sinama pa yung dalawa. Linggo naman walang pasok kaya okay lang."




7years old na ang kambal nila Sofie at kasalukuyan itong nasa grade one.




"Kamusta si baby Gav? Laki na niya ah nako mana kay Jacob yan matangkad." Pabiro nito.




"Oo nga e bilis lumaki ni Gav pano ang lakas mag breastfeed haha pati pinapakain ko na siya puro mild foods lang like brocolli gustong gusto niya yun."




"Wow good to hear that kaya naman ang ganda ng skin mana sa mommy." Nako nambola pa e maganda din naman siya.




"Anyway malapit na ang bakasiyon gusto niyo bang pumunta ng boracay para naman makapagrelax?" Aya nito.





"Wow mukhang magandang ideya yan I'm sure matutuwa din ang kambal."




"Ah eh actually balak sana namin ni Nikko na kayo lang ni Jacob para naman may alone time kayo together kami na muna bahala kay baby Gav miss ko nadin yang cute na cute kong inaanak e." Sabi ni Sofie.





"Kakausapin ko muna si Jacob ah kasi hindi pa niya alam eh."





"No need na nakausap na siya ni Nikko. Sayang naman ang two tickets nabili pa namin to nong nakaraang buwan nasa Japan kami ni Nikko with the kids."




Napapayag din ako ni Sofie mukhang magandang ideya nga yon para naman makabawi din kami ni Jacob sa isat isa. Okay lang naman din siguro mag buhay dalaga kahit paminsan minsan lang.




Seeking for Revenge | Book3[Under Editing] ✔Where stories live. Discover now