"Time check, 2:15 am. Hi mahal ko, hindi ako makatulog sa sobrang saya ko dahil sinagot mo na ako ngayon. Kaya, I decided na gawin ang video na ito to express my feelings, to apologize, and to thank you. I can't believe na sa akin ka na, na may karapatan na ako sa'yo. Gusto kong magsisigaw ngayon sa sobrang saya, kinokontrol ko lang ang sarili ko dahil baka makabulabog ako nang mga natutulog. Haha! Dati rati lang ay ayaw na ayaw natin sa isa't-isa, hindi ko alam na darating ang araw na mamahalin natin ang isa't-isa. Sorry sa lahat ng pagkakamaling nagawa ko sa'yo dati. Maraming salamat dahil minahal mo ako, ako ang pinili mo. Sana wala nang katapusan 'to, akin ka lang mahal ko, at sayong-sayo lang ako. Mahal na mahal kita."
Hindi ko napansin na tumulo na pala ang luha ko, at napapangiti nang dahil sa mga sinasabi ni Charles, at syempre kinikilig.
To: Bae Ko♥
Bakit ngayon mo lang sinend sa'kin 'to?
From: Bae Ko♥
Ngayon ko lang naisipan eh. Haha.
To: Bae Ko♥
Tsk. I love you bae ko ~^3^~
From: Bae Ko♥
Mahal din kita, higit pa sa inaakala mo.♥
To: Bae Ko♥
Yieee. Matulog ka na.
From: Bae Ko♥
Paano ako makakatulog, ang daldal mo.
To: Bae Ko♥
Oo na, madaldal na'ko. Sige na, matulog ka na. 'Wag ka nang magrereply ha? Good night! <hugs and kisses>
Mukhang mapapasarap ang tulog ko nito, kaso lagi kong naaalala na aalis na nga pala kami dito bukas. Okay lang 'yon, hindi naman kami magkakahiwalay ni Charles. Bukas ay makakapasok narin ako sa Williams.
--
Kinabukasan...
"Anak, pagkarating mo mamaya saka tayo aalis."sambit ni papa bago kami makalabas ni Charles.
"Sige po."sagot ko saka nginitian si papa. Maglalakad na sana ako, kaso biglang nagsalita si Charles.
"Tito, pwede po ba akong tumambay sa inyo?"tanong ni Charles kay papa.
Natawa nalang si papa. "Aba oo naman, anytime."sagot sa kaniya ni papa. Abot hanggang tainga ang ngiti ni Charles.
"Salamat po!"nakangiting sambit ni Charles.
"Osige na, umalis na kayo at baka ma-late kayo."sambit pa ni papa, tumango nalang kami at umalis na.
Ipinagbukas na ako ng pintuan ni Charles...
YOU ARE READING
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Teen FictionDate created: September 2016 ©Bianczx
CHAPTER 59
Start from the beginning
