"Hi...hiwalayan ko na po siya, pupunta na ako sa States."agad kong sagot nang makita ko ang baril. Naiyak nalang ako.
"Madali ka naman palang kausap eh, bukas na bukas din ay aalis ka na."sambit pa ni papa saka itinago na ang baril.
End of flashback.
Hindi naging madali sa akin ang lahat, hirap na hirap ako nung mga panahon na nasa States ako. Si Sky lang lagi ang nasa isip ko.
Kaya noong malaman ko na puwede na akong makauwi, agad kong inihanda ang mga gamit ko. Nang makauwi na ako dito sa Pilipinas, dumiretso ako sa bahay nila Sky kaso wala siya. Kaya pumunta muna ako sa mall, at sakto habang naglilibot ako, nakita ko siya. Kaso may kasama siyang ibang babae, biglang nawarak ang puso ko.
Ang pinakamasakit pa, ang babaeng kasama niya ay ang babaeng isinabay niya sa akin noon. Si Camille. Kaya mas lalo akong na-trigger na kunin ulit si Sky, dahil ang buong akala ko ay nagkabalikan na sila. Pero nagkamali ako.
Ang mas ikinalulugmok ko pa ay ang nagawa ko kanina, ang nagawa ko kay Sophie. Hindi ko alam kung ano ang kalagayan niya ngayon.
Ang mas ikinaiinis ko pa sa sarili ko ay nakakapanakit na ako ng tao.
CHARLES' POV
Inuwi na namin si Sophie, kaya ito ngayon, parang may press conference dito sa bahay. Apura tanong sina mama at papa sa kaniya.
"Mahal ko..."tawag ko kay Camille. Lumapit naman kaagad siya sa akin.
"Bakit?"nakangiting sagot nito sa akin.
"Ma, pa, tito, tita, magpapahangin lang po kami sa labas."paalam ko sa kanila saka hinawakan ang isang kamay ni Camille, at kami ay lumabas na.
Nang makarating kami sa kalagitnaan, tumigil ako sa paglalakad. Iniharap ko sa akin si Camille. Niyakap ko siya, niyakap niya rin ako.
"Buti nalang nasa tabi kita. Nawawala kaagad ang galit ko, napapalitan ng pampakalma."sambit ko habang nakayakap sa kaniya. Ilang sandali pa ay bumitaw na ako.
Hinalikan ko siya sa noo. Sumunod naman sa ilong, sa magkabilang pisngi, at sa...
"Uuuuy!"rinig naming sambit ng dalawang bata. Sina Kitty at Cholo.
"Pasaway."singhal ko nalang. Pinagtawanan lang ako ni Camille, paano hindi ako naka-jackpot sa labi niya. Tsk.
"Pinapatawag na po kayo sa loob."sambit ni Kitty.
"Oy, kayong dalawa. Wala kayong nakita ah?"sambit ko sa kanila. Tumango-tango naman.
Sabay-sabay kaming bumalik sa bahay.
"Charles, anak. Aalis na sila Tito Berto mo dito."sambit ni papa na ikinalaki ng mga mata ko.
"Bakit po kayo aalis tito? Tita?"baling ko kina Tito Berto at Tita Mayen.
"Ijo, hindi naman pupwede na dito nalang kami, kailangan din namin na bumukod."paliwanag nila.
"Pinipigilan ko sila, pero ayaw nilang magpapigil."sambit ni papa. Biglang lumungkot ang kaninang masayang nararamdaman ko. Hindi na ako nagsalita pa.
"Bukas na kami aalis, saka malapit lang naman ang bahay na titirhan namin."sambit pa ni Tito Berto.
Okay lang naman na lumipat sila, kaso hindi ko na makakasama hanggang gabi si Camille. Tsk.
Nauna na akong umakyat sa taas.
CAMILLE'S POV
Agad kong sinundan si Charles sa taas.
"Bae!"tawag ko sa kaniya. Liningon naman niya ako, kaya tumakbo ako papalapit sa kaniya at niyakap siya. "'Wag ka nang malungkot."sambit ko sa kaniya. Tumugon naman siya sa mga yakap ko.
"Hindi na kita makakasama tuwing umagahan, saka tuwing gabi."sagot niya sa akin. Kung anong nararamdaman mo, ganon din ang nararamdaman ko.
Bumitaw siya mula sa pagkakayakap sa akin, saka ako hinila papasok ng kwarto niya. Pumasok kami sa walk-in closet niya, may isang pintuan pa ulit. Pintuan na hindi ko napansin noong tinulungan ko siyang maglinis.
"Wow."sambit ko nang makapasok kami sa loob. Ang daming nakasabit sa kisame, iba't-ibang shape at size na kung ano na umiilaw. Ang ganda sa mata. Mayroong isang sofa na nakaharap sa malaking flat screen na tv.
"Mahal ko maupo ka."utos sa akin ni Charles kaya naupo ako.
Hinawi niya ang kurtina, nagsilitawan ang mga litrato namin na nakasabit sa may bintana. Na-touch ako bigla.
Pinatay niya ang mga ilaw, nagsiilawan ang mga nakasabit na glow in the dark. Ang ganda.
Naupo siya sa tabi ko saka binuksan ang tv, nagsimulang ipalabas ang mga litrato namin ni Charles, kasabay non ang isang magandang musika. Ipinalabas din ang mga video namin noong nasa SoKor pa kami.
ESTÁS LEYENDO
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Novela JuvenilDate created: September 2016 ©Bianczx
CHAPTER 58 ♥ PARTY
Comenzar desde el principio
