CHAPTER 58 ♥ PARTY

Start from the beginning
                                        

"Are you okay?"alalang tanong ko sa kaniya. Galit naman siyang tumingin kay Milliseth, tumayo ito at pinagpag ang damit.

"Hindi siya sasama sa'yo."seryosong sambit ni Sophie saka ako hinila palabas.

"Sumakay ka na."utos nito sa akin nang bitiwan niya ako. Pero hindi ako nakinig sa kaniya. "Sakay na."seryosong ulit niya, mukhang galit nga siya, kaya sumakay na ako.

Gulat akong napatingin sa kaniya sa labas nang bigla siyang sugurin ni Milliseth, dali-dali akong lumabas. Kaso huli na. Itinulak si Sophie nang pagkalakas-lakas, dahilan para siya ay mawalan ng balanse at matumba, tumama ang kaniyang ulo sa semento.

"Walang hiya ka! Anong ginawa mo sa kaniya?!"galit kong sambit kay Milliseth habang sapo ang ulo ni Sophie. Biglang nagtatakbo si Milliseth.

Binuhat ko si Sophie at isinakay sa sasakyan, at dinala sa ospital.

End of flashback.

"Eh g*go ka pala eh, bakit hinayaan mo ang kapatid ko sa labas?"seryosong sambit ni Charles sa akin.

"'Yon nga ang pagkakamali ko, tsaka hindi ko naman alam na susugurin siya bigla ni Milliseth."sagot ko kay Charles.

"Papatayin ko 'yang loko na 'yan pagnakita ko."sambit ni Charles habang ikinukuyos ang kamao.

"Kuya..."rinig naming sambit ni Sophie, agad naming ibinaling ang atensyon sa kaniya.

CAMILLE'S POV

"Kumusta na ang pakiramdam mo?"agad kong tanong kay Sophie nang makalapit ako sa kaniya.

"Nahihilo ako, saka masakit ang ulo ko."sagot ni Sophie, kita naman sa kaniyang mukha.

Hinayaan muna naming mag-usap ang mag-kuya, lumabas muna kami ni Sky.

"Obsess na obsess na si Milliseth."sambit ko kay Sky. Huminga ito ng malalim.

"Oo nga eh, hindi ko na alam ang gagawin ko para mapahinto siya."umiiling-iling na sagot ni Sky.

(I-play niyo 'yong music sa taas para mas feel niyo ang pov ni MilliBWISETh, este Milliseth. XD)

MILLISETH'S POV

"Huwag mong kikitilin ang buhay mo!"sigaw ni mommy.

Hindi ko na alam ang gagawin ko, gulong-gulo na ako. Pakiramdam ko ay kailangan ko nang tapusin ang buhay ko.

"Anak, bitiwan mo ang kutsilyong hawak mo!"sambit ni papa.

"Wala naman akong kuwenta diba? Kaya tatapusin ko na ang buhay ko!"sigaw ko habang humahagulgol sa pag-iyak. Nagtatakbo sila dito sa akin.

Agad na kinuha ni papa ang kutsilyo mula sa akin.

"Nakasakit ako ng sobra!"sambit ko habang humahagulgol.

"Patawarin mo ako anak."sambit ni papa habang yakap-yakap ako. "Naging ganyan ka nang dahil sa akin, sinira ko ang buhay mo noon kaya ka naging ganyan."dagdag pa ni papa. Patuloy lang na umaagos ang mga luha ko habang pinapakinggan si papa. "Patawad."sambit pa niya.

Kaya ko iniwan si Sky dahil binantaan ako ni papa...

Flashback...

"Hihiwalayan mo ang nobyo mo at aalis ka o maglalaho ng tuluyan ang nobyo mo? Pumili ka."sambit ni papa. Gulat akong napatingin sa kaniya nang may inilabas siyang baril.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDWhere stories live. Discover now