CHAPTER 58 ♥ PARTY

Depuis le début
                                        

"Room 201 po, second floor."sagot naman nung nurse. Agad na kaming sumakay ng elevator papunta sa second floor kung nasaan si Sophie.

"Kumusta na ang kapatid ko doc?"tanong ni Charles sa doctor. Nandito na kami sa loob ng room kung saan naroroon si Sophie. Mahimbing siyang natutulog sa higaan, habang may nakapalupot na benda sa ulo niya.

"Thank God at wala namang malalang resulta ang nangyari kay Sophie, sugat lang sa head niya, pero kailangan parin niyang magpahinga. Dahil paniguradong paggising niya, hilong-hilo siya at masakit ang ulo niya. Mabuti na nga lang kamo at matibay ang ulo niya."paliwanag ng doctor, na ikinaluwag nang paghinga namin.

"Mabuti naman po kung ganon, kailan naman siya makakalabas?"sambit ko.

"Kapag nagising na siya, pwede na siyang maiuwi."nakangiting sagot ng doctor. Pagkatapos non ay nagpaalam na ito at lumabas na.

"Ano ba kasing nangyari Sky? Bakit nagkaganyan ang kapatid ko?"pangongompronta ni Charles.

SKY'S POV

Kahit ako ay nagulat sa pangyayari.

"Nasa may coffee shop kami..."panimula ko.

Flashback...

Napagdesisyonan namin ni Sophie na huwag munang umuwi, kaya dumiretso kami sa isang coffee shop at duon nagkuwentuhan.

"Nakakaloka talaga! AHAHAHAHA!"masiglang sambit ni Sophie. Nakakatawa talaga 'yong mga ikinukuwento niya sa akin. 'Yong mga palpak na pangyayaring nangyari sa kaniya.

"Sky."napahinto kami sa pagtawa nang may tumawag sa aking pangalan. Tumingin kami sa gawi ng taong ito.

"Siya na naman."rinig kong bulong ni Sophie.

"Let's talk."sambit ni Milliseth. Hindi ba siya napapagod? Tsk.

"Ilang beses ko bang sasabihin na wala na tayong dapat na pag-usapan pa?"seryosong sagot ko sa kaniya. Lumapit siya dito sa amin, at hinigit ang kamay ko.

"Sumama ka sa'kin."pagmamatigas nito.

Gulat akong napatingin kay Sophie nang harapin niya si Milliseth.

"Bitiwan mo siya, ayaw nga niya eh. Bakit ba ipinagpipilitan mo ang gusto mo?"buong loob na sambit ni Sophie kay Milliseth.

"At sino ka naman sa buhay ni Sky ha? Kaano-ano ka ba niya?"mataray na sagot ni Milliseth.

"I...I'm his friend."pahina ng pahinang sagot ni Sophie. Tumayo na ako upang paalisin si Milliseth.

"Umalis ka na dito. Nanggugulo ka lang."seryosong sambit ko sa kaniya.

"Aalis ako dito kung kasama ka."pagmamatigas ni Milliseth, napahinga nalang ako ng malalim.

"Fine, sasama na ako. 'Wag ka lang gagawa ng kung anong gulo dito. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao dito."sagot ko nalang. Akma na akong susunod kay Milliseth habang higit nito ang kamay ko.

"'Wag kang sumama sa kaniya kung ayaw mo naman."biglang sambit ni Sophie at pumunta sa harapan saka kami hinarangan.

"Hey stupid, umalis ka nga sa daanan."inis na sambit ni Milliseth. Sinenyasan ko si Sophie na umalis nalang pero nagmatigas siya, hindi siya umalis sa daanan.

Binitiwan ako ni Milliseth...

Gulat akong napatingin nang sampalin niya nang pagkalakas si Sophie, napalugmok ito sa sahig. Agad kong nilapitan si Sophie.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDOù les histoires vivent. Découvrez maintenant