CHAPTER 58 ♥ PARTY

Start from the beginning
                                        

You pushed me up

When I'm about to give up; You're on my side when no one seems to listen And if you go, You know the tears can't help but show You'll break this heart and tear it apart; Then suddenly the madness starts

It's your smile, Your face, your lips that I miss, Those sweet little eyes that stare at me And make me stay, I'm with you through all the way. 'Cause it's you Who fills the emptiness in me; It changes ev'rything, you see, When I know I've got you with me...♬

Alam kong alam ni Charles na para sa kaniya ang kanta na 'to, kaya hindi niya mai-alis ang paningin sa akin habang kumakanta ako.

"WOOOOAH!"sigawan nila nang matapos akong kumanta. Ipinasa ko na ang mic at naupo na sa tabi ni Charles.

"Ba't ganiyan ka naman makatingin? Gandang-ganda ka ba sa akin?"pagbibiro ko saka kumuha ng chips.

"Oo mahal ko. Hindi lang gandang-ganda, inlove na inlove pa."sagot nito. Aba't sinakyan pa ang biro ko.

"Wag ka ngang ganiyan."suway ko sa kaniya.

"Bakit? Kasi kinikilig ka?"nakangising sagot nito. Dahil ayokong mamula sa harap ng maraming tao, kaya ganon.

"Tch."sambit ko nalang at saka itinuon ang atensyon sa mga nagkakantahan.

"Kuya, Ate Camille."tawag sa amin ni Sophie, agad kaming lumingon sa kaniya.

"Bakit?"tanong ni Charles sa kaniya.

"Mauuna na kami ni Kuya Sky."paalam nito. Mukhang may nagaganap na dito na kung ano ah? Good for them.

"Hoy Sky, iuwi mo sa bahay namin ang kapatid ko ah?"hindi niya sinagot si Sophie, bagkus ay ibinaling niya ang atensyon kay Sky.

"Oo naman."nakangiting sagot ni Sky.

"Sige na, alis na."sambit ni Charles sa kanila.

Nagpatuloy pa kami sa pagsasaya.

Hanggang sa...

KRIIING!

"Sasagutin ko lang ang tawag, mahal ko."pasintabi niya, tumango nalang ako.

Ilang sandali pa at bumalik na siya dito.

"Oh, bakit ganiyan ang itsura mo?"takang tanong ko sa kaniya. Seryosong-seryoso ang itsura at mukhang galit pa, malayong-malayong sa kanina.

"Pupunta tayo sa ospital mahal ko."sagot nito kaya tumayo na agad ako.

"Mauuna na po kami Ms. Bas, Mr. Jackson. Maraming salamat po sa pa-party niyo para sa akin."paalam ko sa kanila.

"Sige, mag-iingat kayo sa pag-uwi."nakangiting sagot nila. Sinuklian ko nalang ito ng ngiti at kami ay nagtuloy na sa pag-alis.

"Malilintikan talaga sa akin 'yang bwisit na 'yan."seryosong sambit ni Charles habang nagmamaneho. Sobrang higpit ang pagkakahawak niya sa manubela.

"Ano bang nangyari bae?"tanong ko sa kaniya.

"Nabagok ang ulo ni Sophie nang dahil sa bwisit na Milliseth na 'yan."inis na sagot ni Charles. Jusko po, ano na naman ang ginawa ni Milliseth? Bakit nagkakaganon siya.

Sa ospital...

"Anong room number ni Sophie Andrada? 'Yong magandang dalaga na kamukha ko?"tanong ni Charles sa nurse sa may nurse station. Kahit kailan talaga lumalabas ang pagkamahangin ni Charles eh.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDWhere stories live. Discover now