CHAPTER 58 ♥ PARTY

Start from the beginning
                                        

"Ang galing mo talaga Nadine!"sambit ng mga bashers ni MilliBWISETh. 

"Paano mo naman nagawa ang lahat ng 'to?"tanong ni Yoshi. Isa sa mga kaklase namin.

Napakadali lang ng ginawa ko.

Flashback...

4pm.

"Milliseth, may ibibigay ako sa'yo. Tutal, ikaw na ang bagong friend ko."sambit ko kay Milliseth, pinuntahan ko siya sa bahay nila.

"Talaga? Ano naman 'yon?"medyo gulat niyang sagot.

Bumalik ako sa sasakyan ko at kinuha ang isang katamtaman na kahon.

"For you."sambit ko saka iniabot sa kaniya ito.

Tinanggap naman niya kaagad ito at binuksan niya.

"Wow! It's so beautiful!"manghang sambit niya. Binigyan ko siya ng dress.

"Pinatahi ko pa 'yan for you, mamahaling tela ang ginamit diyan. Isuot mo mamaya 'yan sa party para kay Camille, para matchy-matchy tayo, may ganiyan din ako."sambit ko pa sa kaniya.

"Sige-sige, isusuot ko 'to. Anyways, okay na ba 'yong plano kay Camille?"sagot niya.

"Okay na okay na."sagot ko sa kaniya.

End of  flashback.

May kapareha siya ng damit, kaso nga lang hindi ako, kundi 'yong mga tables. Ipinatahi ko talaga ang lahat ng table cloth na 'yan kasabay ng damit niya.

Kung hindi ba naman siya stupida, eh maiisip niya kung anong ibig kong gawin. Kaso wala eh, talagang ganon na siya.

CAMILLE'S POV

"Ikaw talaga."sambit ko kay Nadine. Iba rin talaga ang takbo ng utak niya.

"Ang galing ko diba?"natatawang sagot ni Nadine.

"Ibibigay ko na ang lahat ng awards ko sa'yo, dahil sobrang galing mo. Mas bagay sa'yo."sarkastikong sambit ko.

"Okay na 'yong minsan ay siya naman ang mapahiya, mas grabe pa nga 'yong ginawa niya sa'yo eh."sagot naman ni Nadine. Sabagay tama naman siya. Pero hindi parin maganda ang maghiganti, kaya lang hindi talaga maiiwasan eh.

Hindi na namin pinag-usapan pa ang bagay na iyon at nagpatuloy nalang sa pagsasaya. "Boys, ipasok niyo na rito 'yong videoke."rinig kong sambit ni Nadine kina Niño.

Lalapit sana ako kay Nadine, kaso hinigit ako sa beywang ni Charles.

"Bakit?"takang tanong ko kay Charles.

"Dito ka lang sa tabi ko."sagot ni Charles.

"Kakanta ako bae, na-miss ko ang kumanta."sagot ko sa kaniya.

"Nahasa mo na ba 'yang boses mo? Baka mamaya hindi tayo makauwi niyan."sambit nito na na-gets ko kaagad ang ibig niyang sabihin.

Sinimangutan ko lang siya. "Bitiwan mo 'ko."seryoso kunwaring sabi ko.

"Oy! Pakantahin niyo ang mahal ko!"malakas nitong sambit. Napakaano talaga ni Charles ano? Hiwalayan ko na kaya 'to. Tsk.

Kinuha ko na ang mic at kumanta na ako. Ipaparinig ko sa'yo Charles kung gaano kaganda ang boses ko, pang The Voice kaya 'to.

♬YOU♬

♬You give me hope, The strength, the will to keep on; No one else can make me feel this way And only you Can bring out all the best I can do; I believe you turn the tide And make me feel real good inside

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDWhere stories live. Discover now