ARAL
ARAL
ARAL
ARAL
ARAL
ARAL
LUNCH BREAK...
"Aalis na pala ako next week, babalik na ako sa Pilipinas."sambit ni Charles habang kami ay kumakain.
"Sige."sagot sa kaniya at nagpatuloy sa pagkain.
"Hindi ka nagagalit? O kahit nagtatampo?"tanong niya pa, tumingin ako sa kaniya.
"Bakit naman ako magagalit? Kailangan mong bumalik sa Pilipinas para mag-aral."sagot ko sa kaniya saka siya nginitian. Malungkot man, pero kailangan.
"Parang ayokong umalis."sambit niya pa.
"Umuwi ka para makapag-aral ka."sagot ko sa kaniya.
"Mamimiss kita ng sobra, lalo na ngayon at akin ka na."sambit pa niya at saka ngumisi.
Tumingin nalang ako sa likod, para hindi mahalata na kinikilig ako. Balak ata nitong magpakilig araw-araw.
"Kinikilig ka ba?"tanong ni Charles.
"Hindi ah. Wala sa bokabularyo ko 'yon."pasisinungaling ko pa.
"Hindi raw."sambit ni Charles. "Eh pulang-pula ngayon ang mukha mo eh."natatawang sambit pa ni Charles. Hindi nalang ako nagsalita. "Maiba ako. Ilang linggo ka dito sa SoKor?"pag-iiba niya.
"Mga isang taon."sagot ko na ikinagulat niya.
"Mahal ko, gusto mo ba akong mamatay?"tanong niya sa akin na hindi makapaniwala.
"Joke lang bae ko, tatlong buwan lang naman."bawi ko.
"Dalawang araw ka pa nga lang na nandito sa SoKor, sinundan na kita. Tatlong buwan pa kaya? Tapos isang taon pa? Tsk."singhal niya.
"Pwede naman tayo magmessage sa isa't-isa, o kaya naman magvideo call tayo."sambit ko sa kaniya.
"Lagi kitang tatawagan, sasagutin mo ha?"sambit niya.
"Oo naman. Hindi ko rin kakayanin na hindi ka makita at makausap. Tiis lang bae ko, tatlong buwan lang."sagot ko sa kaniya.
Nang matapos kaming kumain ay bumalik na kami sa classroom. Hindi na talaga humihiwalay sa akin si Charles.
ARAL
ARAL
ARAL
ARAL
ARAL
ARAL
DISMISS.
"Nakakapagod."sambit ko saka nag-inat-inat habang naglalakad palabas ng school. Pumunta sa may likuran ko si Charles at minasahe ang balikat ko.
"Salamat."sambit ko sa kaniya. Dumating na sina Lawrence at Sky kaya sumakay na kami sa sasakyan.
Sa hotel...
Nandito kami ngayon sa room ni Nadine, nagsasalo-salo para sa hapunan.
"Kailan ka pala babalik sa Pilipinas?"tanong ni Sky kay Nadine.
"Sa Friday, uuwi na 'ko."sagot ni Nadine.
*TOK *TOK
Ang atensyon namin ay napunta sa may pintuan nang pumasok si James. May dala-dala siyang beer in can.
"Mag beer muna tayo!"nakangiting sambit nito saka inilapag ang mga beer sa table.
"Nandito ka rin?"tanong ni Lawence kay James.
"Oo. Kaya nga nakikita mo ako eh."pilosopong sagot nito.
"Kaninang umaga lang siya dumating."sagot ni Nadine. Mukhang okay na okay na sila ni James, sana magpatuloy na.
Sama-sama kaming uminom ng beer, bumili din ng chips si Nadine. Nag movie marathon kami.
"Hindi ba humahapdi ang balat mo bae? Kanina ka pa nakadikit sa akin."tanong ko kay Charles na nakayakap sa akin ngayon.
"Hindi. Gusto mo ba..."pabitin pa nitong sabi at mukhang may gusto pa siyang sabihin na kung ano.
"Ano?"tanong ko sa kaniya.
"Gusto mo ba akong makatabi sa pagtulog?"kinikilabutan ako sa mga sinasabi ni Charles.
"Ayoko nga."sagot ko sa kaniya.
"Tsk."singhal niya. Nakayakap parin naman.
Nagpatuloy kami sa panunuod, hanggang sa mag-alas-onse na ng gabi. Bumalik na kami sa kani-kaniyang kwarto namin.
"Mahal ko, diyaan nalang ako sa'yo."pagpupumilit ni Charles. Nandito parin kami sa may labas.
"Hindi nga pwede bae ko."sagot ko sa kaniya.
Hanggang sa...
*SMACK
Hinalikan niya ako bigla.
"Good night mahal ko."nakangising sambit ni Charles at madaling pumasok sa kwarto niya. Hays.
Pumasok nalang ako sa kwarto ko.
--
One week later...
Sa loob ng isang linggo, puro magagandang pangyayari lang ang nangyari. Ngayon, ngayong araw na siya uuwi sa Pilipinas. Kaya nandito na kami sa Incheon International Airport.
Nauna nang umalis sila Lawrence at Sky kahapon.
Simula pag-alis namin sa hotel, nakahawak na si Charles sa kamay ko hanggang ngayon. Mukhang ayaw talagang umalis.
"Good morning passengers. This is the pre-boarding announcement for flight 85AB to Manila, Philippines. We are now inviting those passengers with small children, and any passengers requiring special assistance, to begin boarding at this time. Please have your boarding pass and identification ready. Regular boarding will begin in approximately ten minutes time. Thank you."
"Bae ko, aalis na kayo."sambit ko sa kaniya. Huminga nalang siya ng malalim.
"Sasagutin mo ang mga tawag ko ha?"sambit niya. Tumango naman ako bilang sagot ko.
Niyakap niya ako ng mahigpit. At nang makabitiw siya, alam kong may hihilingin siya na alam ko na, kaya inunahan ko na siya.
"Good bye kiss."nakangiting sambit ko sa kaniya nang matapos ko siyang halikan. Niyakap niya akong muli sa huling pagkakataon.
YOU ARE READING
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Teen FictionDate created: September 2016 ©Bianczx
CHAPTER 56 ♥ FRIENDS
Start from the beginning
