CHAPTER 56 ♥ FRIENDS

Start from the beginning
                                        

Kahit ang corny, okay lang 'yon. Kaming dalawa lang naman. ~^_^~

Buti nalang alas-nuebe pa ang pasok bukas, marami pa akong oras para matulog. Paniguradong hindi ako makakatulog kaagad nito.

Kinabukasan...

Nagising ako sa mataas na sikat ng araw, iminulat ko na ang mga mata ko at nag-inat-inat. Tinignan ang orasan, alas-otso na ng umaga. Kailangan ko nang maghanda para sa pagpasok.

Bumangon na ako at..

"B...ba...bakit ka nandito? Anong ginagawa mo dito?"nanlaki ang mata ko nang makita ko si Charles na nakatayo sa may pintuan at nakangisi pa.

"Tinitignan ko ang girlfriend ko."sagot niya at unti-unting lumapit dito. "Masama ba?"tanong nito nang makalapit siya. Hindi na ako nagsalita dahil hindi pa ako nakakapagsipilyo.

Hindi ko siya sinagot, bagkus ay umalis ako sa higaan at nagtatakbo papuntang cr. "Ang aga-aga nandito na siya."sambit ko habang nakatingin sa salamin. Napagdesisyonan kong maligo nalang.

"Sana wala na siya..."hiling ko nang sumilip ako sa labas. Inilibot ko ang paningin ko at wala na nga siya, saka ako lumabas.

"Ang sexy mo pala."rinig kong sambit ng pamilyar na boses ni Charles. Napatigil ako sa pagkilos at dahan-dahan siyang nilingon.

"Bastos kaaaa! Doon ka nga sa labas!"pagtataboy ko sa kaniya hanggang sa makalabas siya ng kwarto ko. Pervert! Umagang-umaga nambubwisit eh, imbis na magpakilig. Hays.

"Wah. Ang ganda talaga ng mahal ko."sambit ni Charles nang makalabas ako, iiling-iling pa habang pinagmamasdan ako.

"Hoy Charles Andrada, 'wag ka na ulit papasok sa kwarto ko nang tulog ako ha?"inis na sambit ko sa kaniya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Hoy Charles Andrada, 'wag ka na ulit papasok sa kwarto ko nang tulog ako ha?"inis na sambit ko sa kaniya. "Hindi pa 'ko nakakapag-ayos."bulong ko pa.

Niyakap niya ako mula sa likuran. "Sorry na, gusto ko lang na makita ka kaagad. Hindi nga ako masyadong nakatulog kagabi eh."sambit nito na parang nagpapaawa pa.

"Oo na."sagot ko saka tinanggal ang kamay niya at humarap ako sa kaniya. Saka pinisil ang pisngi niya. "Matitiis ko ba naman 'yang kagwapuhan mo ha, Charles Andrada?"sambit ko saka binitiwan na ang pisngi niya. "Pumasok na tayo at baka ma-late pa tayo."aya ko sa kaniya.

Ibinuka na ni Charles ang kaniyang palad, hinihingi na niya ang aking kamay, kaya hinawakan ko na ang kaniyang kamay at kami ay umalis na.

Sa school...

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDWhere stories live. Discover now